Prologue

13.9K 256 12
                                    

Ziah's POV:)
Nilipat ako nang mga magulang ko sa ibang school dahil sa kadahilanang palagi na lang daw bagsak ang mga grades ko.

Hindi naman yung tipong sobrang lala na kailangan kong magrepeat ng grade level, although nilipat nila ako dahil baka sakaling tumalino daw ako or kahit tumino manlang daw.

Syempre dahil mahal ko yung school ko dati, hindi ako pumayag na magpalipat pero nung sinabi ni daddy na papatanggal niya daw lahat ng credit cards ko. Syempre hindi ko matatanggap yun! Unfair naman nun sa part ko.

No choice ako kaya pumayag na ako sa decision nang mga magulang ko. Pumayag ako sa decision nila kapalit ng isang pabor, dun din nila pagaaralin si Z tsaka si Javier.

Pumayag naman sila sa hiniling ko at least we could all get what we want. Medyo naging spoiled brat na din kasi ako sa kanila, kaya madalas nilang pinagbibigyan ang mga hiling ko sa kanila.

Medyo hindi na rin kasi maganda yung reputasyon ko sa dati kong school. Lagi na lang daw ako nangaaway at marami na rin akong nakalistang improper behavior. The school cannot tolerate me anymore so they want me out.

My school never really sided with me, para bang palagi kong kasalanan kung bakit palaging may away sa school. I admit it's my fault sometimes but I know my limits.

Well, bahala na nga sila. I never really liked it there so it wouldn't really affect me if I transfer. I'll have to leave a few friends behind though.

My parents also mentioned na may pinsan naman daw ako na nagaaral sa bago kong paglilipatan and nung nalaman ko yun, I slightly became relaxed and excited.

I was nervous at the same time. Hindi ko alam kung bakit, maybe because I'm not really used to tranferring to another school.

Naalala ko nga pala, nung sinabi ko kay Kuya Javier na lilipat kami ng school; galit na galit siya sa akin. Bakit ko pa daw siya dinamay? I was shocked though dahil after a few days, he was actually fine with the idea.

Probably because of Z, my best friend. I'm not sure though but until now I don't really know what changed his mind but I'm thankful that he did.

My brother is a smart man but somehow naging pala away din siya. The teachers didn't mind that he causing a lot of trouble though dahil nga matalino naman siya and may ipagmamalaki naman daw siya.

Let's just say that he's as smart as me. Joke. I'm not like my brother, wala naman akong ipagmamalaki kundi kagandahan lang. Other than that I don't have the brains that people are expecting me to have.

It's not my fault that every time na I'm in class, I love having my beauty sleep. Teachers are boring and if teachers are boring then that means that their subject is also boring.

——— TO BE CONTINUED ———
hi guys!
so this is my story first story! prologue pa lang ito kaya ang short lang ng chapter and wala namang masyadong nangyayari pa so hindi ko na papahabain.

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon