Ziah's POV:)
Pagkagising ko narealize kong nakatulog ako sa garden, napatingin naman ako sa watch ko at napansin kong break time na. Ilang oras na rin pala akong natutulog dito. Tumayo na ko at dumiretso na sa cafeteria. Nang makapasok ako, agad kong nakita si Damon. Agad naman akong lumapit sa kanya at naupo sa harap niya.Nagulat naman ako nang biglang tumunog yung cellphone ko mula sa bulsa ko. Nilabas ko ito at tinignan kung sinong nagtext pero napansin ko na twitter notification lang pala yun, kaya hindi ko na ito binuksan. Mukha namang hindi importante.
"Nakatingin dito sila Jin. Mukhang nakikichismis." Sabi ni Damon
Napatingin naman ako sa table kung saan nakaupo sila Jin. Tama nga si Damon. Ang sama ng tingin sa kanya ni Jin ngayon. Nung nahalata naman ni Jin na nakatingin ako sa kanya, bigla niyang iniwas yung tingin niya sa gawi namin.
"Hayaan mo sila. Wala naman silang magagawa." Sabi ko
Dalawang araw na missing in action si Ruki. Simula nung na-ospital ako hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil hindi naman siya nagsabi sa akin. Kailangan ko pa siyang tulungan. Hindi ko nga lang alam kung paano ko na gagawin yun.
"Paano kung mabibigyan ka ng chance na malipat ng section, lilipat ka?" Tanong ni Damon
Akala ko hindi na possibleng makaalis sa section namin ngayon? Tsaka hindi ko naman naisip na magiging possible pala yun pero siguro kung bibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?
"Hindi naman possible na malipat ako e. I'm stuck in this section." Sagot ko
Kahit hindi ko man sila gustong makita ngayon, kailangan ko pa rin. Hindi naman din ako ganon ka-duwag para hindi magpakita sa kanila e. Hindi naman ako yung gumawa ng kasalanan so bakit ako maga-adjust para sa kanila?
"Paano ka ba napadpad sa Section F?" Tanong ni Damon
I'm quite surprised that he wants to know more about me. Never naman talaga kami naging open dati isa't isa. Never din kaming nakapagusap ng ganito. Siguro kasi hindi naman kami talaga ganito ka-close dati. May sarili kasi siyang barkada.
"Bad grades. Hindi ko nga alam kung mataas mga grades ko ngayon e. Hindi kasi masyadong nagtuturo sa amin mga teachers. Nagaaral naman akong mabuti ngayon pero hindi ko lang talaga alam kung saan nakukuha ng mga teachers grades namin." Sagot ko
Yun nga lang yung dahilan kung bakit ako nasa Section F e. Hindi naman hiningi ng registrar's office yung list ng violations ko. I don't think it matters here. Yung grades lang naman importante dito.
Hindi ako mahilig magaral noon sa dati kong school pero ngayon, medyo nagsisipag na ko dahil wala naman akong masyadong ginagawa. Hindi na rin kasi ako masyadong makatulog sa klase. Ewan ko ba kung bakit. Para kasing gising na gising diwa ko palagi e.
"Bad grades lang pala e. If you get good grades this quarter then they might consider placing you in a higher section." Sabi ni Damon
I might have a chance. Kung mataas grades ko this quarter. Sana nga. I really studied hard this time.
"Maybe if I do have a chance, bakit hindi diba? It's a good opportunity." Sabi ko
Napangiti naman si Damon sa sinabi ko. Ngayon ko lang napansin na naiba pala kulay ng uniform ni Damon, brown ang kulay ng uniform niya ngayon. Nung una white siya. Siguro bumaba yung section niya dahil sa nangyari. Parang gusto ko tuloy siya maging kaklase.
"Iiwan mo ang Section F?" Tanong ni Damon
Bigla akong napaisip sa tanong niya. That question is kinda personal pero wala namang problema kung sasagutin ko siya.
"Hindi ko naman sila gustong iwan e. Sa kanila ko nga lang naramdaman na parte talaga ako ng isang section e pero mayroon pa rin sa loob ko ang nagsasabi na never naman talaga ako naging parte ng section na yun. I have never felt this way before, siguro kasi wala naman talaga akong masyadong kaibigan sa dati kong school. It was easier for me to decide back then. Now. I really don't know anymore. Naguguluhan din ako sa pagtrato nila sa akin. Nung una kung ano anong masasakit na salita ang binitawan nila sa akin, ngayon naman para bang bigla silang nagaalala para sa akin." Sagot ko
Nagsinungaling sila sa aking lahat at sa totoo lang, hindi ko na alam kung sino pa paniniwalaan ko. Ipinakita din nila na wala silang pake sa akin.
"Akala ko ba may gusto sayo si Jin." Sabi ni Damon
Napatingin naman ako sa kanya nang may pagkagulat sa mga mata ko. Paano niya nalaman yun? Ang alam ko kami lang dalawa ni Jin ang nakakaalam tungkol dun e."Paano mo naman nalaman na may gusto sa akin si Jin?" Tanong ko
Feeling ko mga hindi talaga ako gusto ni Jin e. Siguro dahil hindi naman siya nagpapakita ng mga signs.
"Kabarkada ko si Constantine, remember? He's part of your section and na-kwento niya lang sa amin nung isang araw. I think Jin told your section about it. I'm not really sure. We never really asked how he knew. Alam din ata ni Ruki na gusto ka ni Jin. Ewan ko lang ah but it's just based on some rumors." Sagot ni Damon
I forgot about Constantine. Probably because he doesn't talk that much. Hindi ko nga rin siya naririnig na dumadaldal sa loob ng classroom e. Meron din pala siyang ida-daldal minsan.
"I'm not really sure about Jin's feeling for me but he did confess. Nagkagusto din naman ako sa kanya before pero saglit lang. After him, nagsimula na kong magkagusto kay Ruki. Hindi ko nga alam kung paano ako nagkagusto kay Ruki e." Sabi ko
Hindi ko alam kung gusto ba talaga ako ni Jin or pinagtitripan niya lang ako. Wala na kong balak itanong sa kanya yun though. Hahayaan ko na lang lumipas.
"Mabait naman si Ruki ah. Maappreciate mo siguro siya lalo kapag nakilala mo siya noon. Hindi ko naman sinasabi na hindi mo dapat siya i-appreciate ngayon ah pero mas sincere nga lang siya noon sa feelings niya. Ang nakakalungkot lang dito, yung kauna-unahang babaeng minahal niya pa yung nanakit sa kanya. Ngayon naman bigla na lang siyang papasok sa buhay ni Ruki na para bang walang nangyari. Nakikita ko naman ngayon na sobrang maalaga ni Ruki sayo ngayon, siguro ikaw nga yung tamang taong makakatulong sa kanya makapag move on." Sabi ni Damon
Ako ba talaga ang taong makakatulong sa kanya? Matutulungan ko ba talaga siyang maging masaya ulit katulad ng dati? Bakit ganon kung matutulungan ko talaga siya, bakit ni isang beses hindi ko pa siya nakikitang ngumuti kasama ko?
"Hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga ako sa kanya." Sabi ko
"You are helping him, trust me." Sabi ni Damon
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!thanks,
X
BINABASA MO ANG
Section F ( BOOK 1, COMPLETED)
Novela JuvenilNoong pagpasok ko sa paaralang ito, ang una kong akala magiging normal na ang aking buhay. Hindi pala. Bakit nga ba ako napadpad sa section na ito? Paano nga ba ako nakapasok sa Section F?