Ziah's POV:)
Lunch na sa school at umuulan pero hindi ko alam kung bakit gustong ko pa ding pumunta sa garden. Noong naglalakad na ko papunta doon, nakasalubong ko si Jin pero nilagpasan niya lang ako. Hindi niya rin ako tinapunan ng tingin.Noong dumiretso na ko sa garden, napatigil ako sa harap ng paborito kong pwesto. Wala na akong pake kung umuulan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan ngayon dahil nakikita ko si Ruki at si Marielle na naghahalikan na para bang wala silang pake sa mga nangyayari sa paligid nila.
Dapat ko pa rin bang pagkatiwalaan si Ruki? Hindi ko alam kung nagsisinungaling siya sa akin noong araw na yun. Siguro nga panaginip ko lang ang lahat ng iyon pero kasi parang totoo talaga. Siguro dahil umasa ako. Nagulat naman ako nang may biglang nagtakip sa mga mata ko.
"Don't look." Sabi ng isang pamilyar na boses
Alam kong si Jin yun. Sobrang kalmado niya at ang baba ng boses niya. Akala ko umalis na siya? Dapat iniwasan niya na lang ako. Ayokong makita niya akong ganito.
Noong tinanggal niya ang mga kamay niya sa mga mata ko. Bigla niya akong hinarap sa kanya. Maraming beses ko na tong tinatanong sa sarili ko, bakit hindi na lang kaya ako kay Jin nagkagusto? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit si Ruki pa?
"Don't cry." Maikling sabi ni Jin
Walang emosyon sa mga mata niya. Masakit. Paano ko magagawa ang hindi umiyak? Noong pagkakita ko pa lang sa eksenang iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Masakit e." Sabi ko
Nagulat naman ako noong bigla niya akong niyakap. Naririnig ko ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Sana ganyan din ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Bakit? Bakit siya pa? Bakit hindi mo magawang makita yung ibang mga taong nagmamahal sayo? Bakit mo iniiyakan ang taong sinasaktan ka lang?" Tanong ni Jin
Tinamaan ako. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba hinahabol ang taong sinasaktan lang ako? Bakit nga ba hindi ko muna isipin ang sarili ko? Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.
"Mahal ko siya e. Wag kang magalala. Kapag napagod na ako, susuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya kayang sukuan ngayon. Thank you, Jin. Palagi kang nandyan para sa akin. Na-appreciate ko yun. Hindi ko lang masusuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa akin." Sabi ko
Tumango lang siya bilang tugon. Kinuha niya ang bag niya at naglabas siya ng payong mula dito. Binigay niya ito sa akin. Naglabas din siya ng panyo at inabot din ito sa akin. Pagkatapos noon, naglakad na siya palayo sa akin.
Hindi ko na siya kayang saktan kaya hiniling ko sa kanya na lumayo mula sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit tuwing nasasaktan ako, siya yung laging nandyan para sa akin. Para bang hindi siya nasasaktan.
Nagdecide ako na manatili dito dahil wala na sila Ruki. Naupo naman ako sa usual na inuupuan ko tuwing break time. Napahinga ako ng malalim. Marami na kong nasaktan. Dapat na ba akong umalis?
Noong hindi ko na naramdaman na may tumutulong ulan sa akin, napatingin ako sa taas at may nakita akong payong. Napatingin naman ako sa taong may hawak ng payong at nakita si Damon.
"Gusto mo bang magkasakit?" Tanong ni Damon
Tinignan ko lang siya. Paano yung mga taong maiiwan ko dito? Mami-miss kaya nila ako? Madami akong naging kaibigan dito, yung iba naman nakaaway ko.

BINABASA MO ANG
Section F ( BOOK 1, COMPLETED)
Novela JuvenilNoong pagpasok ko sa paaralang ito, ang una kong akala magiging normal na ang aking buhay. Hindi pala. Bakit nga ba ako napadpad sa section na ito? Paano nga ba ako nakapasok sa Section F?