Ziah's POV:)
Napagdesisyonan ko na pumunta na dun sa kwarto ni Damon para bisitahin siya. Bago nila ko pinapunta dun pinasakay muna nila ako sa wheel chair. Nung una hindi ako pumayag dahil hindi naman ako lumpo pero pinagpipilitan pa rin nila na hindi ko dapat pinapagod sarili ko, kaya pumayag na ako.Ang nagtutulak ng wheel chair ko para sa akin ay si Kit. Pumayag lang naman si Ruki na puntahan ko si Damon dahil isasama ko si Kit.
~ TIME SKIP: DAMON'S ROOM ~
Nung nakarating na kami ni Kit sa kwarto ni Damon agad akong kumatok. Tatayo muna sana ako mula sa wheel chair pero nagpumilit si Kit na wag ko daw pagurin sarili ko.
"Come in." Narinig kong sabi ni Damon mula sa loob ng kwarto niya
Hindi ko alam kung nandito ba yung mga magulang ni Damon pero agad naman akong tinulak ni Kit papasok ng kwarto ni Damon nung narinig niya yun. Tumingin naman sa amin si Damon nang may pagkagulat sa mata niya.
"Kit, pwede bang lumabas ka muna saglit." Sabi ko
"No." Matigas na sabi ni Kit
Bakit ba ang tigas lagi ng mga ulo neto? Kanina pa tong mga to e. Kailangan talaga takutin muna sila bago sila pumayag sa mga desisyon ko.
"Then I'll have to hurt myself. Damon, why don't you pass me the knife." Sabi ko
Mukhang hindi niya rin kinain yung pagkain na binigay sa kanya.
"Fuck. Fine. I'll only give you 30 minutes to talk to him then we'll leave." Sabi ni Kit bago siya lumabas nang kwarto ni Damon
Papayag din naman pala siya e, kailangan pa talagang pilitin. Dinaig pa niya babae sa dami niyang arte. Nung binalik ko ang tingin ko kay Damon, dun ko lang siya natignan ng maayos. Sobrang dami niyang pasa sa katawan at madami din siyang sugat sa kanyang mukha. Naka bandage naman yung isa niyang kamay at isa niyang paa.
"Why are you here? After what I did, nagawa mo pa din akong bisitahin. You know that I deserve this so why come here?" Tanong ni Damon
Hindi ko din alam kung bakit ako nandito. Siguro dahil gusto kong malaman kung bakit niya ginawa sa akin to. After all, tinuring ko rin naman siyang kaibigan. I want to know that this was all just a big misunderstanding.
"No. None of this is your fault, Damon. Naiintindihan naman kita. Besides, kaibigan kita. Friends don't leave each other behind, no matter what happens. Kahit nasaktan mo pa ko. I know you don't mean to." Sagot ko
Nagpanic ako nung nakita ko siyang umiyak. This is my first time seeing a guy cry so hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort. Sa totoo lang, ayokong nakakakita ng taong malungkot dahil nalulungkot din ako para sa kanila.
"She asked me to do this, Ziah. I never really wanted to but I have no choice. I like her. Sinunod ko lahat ng pinagawa niya sa akin pero in the end, she threw me away like I was nothing. Minahal ko siya. Handa akong gawin lahat para sa kanya pero bakit ganon? Binabaliwala niya lang lahat ng efforts ko para sa kanya? Ikaw naman, tinuring mo kong kaibigan kahit nasaktan na kita. Gusto ko na lang makapag move on. Hindi na tama tong ginagawa ko. Pinalabas ko pa na isa akong fuck boy para sa kanya. Para hindi ako lapitan ng mga babae. For her I did everything I could. I was even willing to sacrifice everything for her." Sabi ni Damon habang umiiyak
BINABASA MO ANG
Section F ( BOOK 1, COMPLETED)
Teen FictionNoong pagpasok ko sa paaralang ito, ang una kong akala magiging normal na ang aking buhay. Hindi pala. Bakit nga ba ako napadpad sa section na ito? Paano nga ba ako nakapasok sa Section F?