Chapter 2

6K 157 7
                                    

Ziah's POV:)
Kukunin ko na sana yung libro na matagal ko na gustong basahin kaso nung paghawak ko sa libro, may isa pang kamay na humawak dito. Napatingin ako dun sa humawak sa libro, muntik nang malaglag panga ko. Ang gwapo niya. Napailing ako. Focus Ziah, yung libro yung pinunta mo dito. Hindi yung gwapo na nasa harap mo.

"Excuse me, pwede bang bitawan mo yung libro. Ako kasi yung unang nakakita." Sabi ko bago ko siya bigyan ng maliit na ngiti

Napatingin naman siya sa akin, nakakalaglag naman siya nang panty. Pero I need to focus kahit gwapo siya, akin parin tong libro.

"Ako kaya yung nauna." Sabi ni Kuyang nakakalaglag ng panty

Baka gusto yata netong makalbo. Hindi manlang maging gentleman at ibigay sa akin yung libro. Mukhang magiging pahirapan tayo dito ah. Wala na akong pake kung gwapo siya, ang gusto ko na lang ngayon ay bitwan niya yung libro ko. Habang may patience pa ko sa kanya.

"Ako ang nauna, kaya bitwan mo na yung libro ko." Sabi ko

Tinaasan niya naman ako ng kilay. Aba! Gusto yata niyang maahitan ng kilay. Kalbo na nga siya mawawalan pa siya ng kilay sa akin. Saan ka pa diba?

"May pangalan mo ba tong libro at inaangkin mo na agad?" Tanong niya, he looked at me with a hint of annoyance in his face.

Bigla kong hinila yung libro kaya nabitawan niya yung pagkakahawak niya dito. Binigyan niya naman ako ng isang matalas na tingin nung napansin niyang ako na lang ang may hawak nang libro. Akala niya ba bibigay ako sa kagwapuhan niya? No, hindi porket gwapo siya bibigay na ko.

Binigay ko naman sa kanya yung pinakamatamis kong ngiti bago ko siya inirapan at tinalikuran. Nilagay ko naman sa basket yung hawak kong libro at naglakad na papunta sa cashier. Nakita ko na nandoon na sila Kuya Javier at Z, nagmadali na kong magbayad dahil mukhang kanina pa nila ko hinihintay.

Nilagay ko na lahat nung gamit na binili ko sa cashier at nagbayad na. Nagsimula nang maglakad sila Kuya papunta sa parking lot, nakasunod lang ako sa kanila. Pag tumabi kasi ako sa kanila magmu-mukha akong third wheel, ayoko namang magmukhang third wheel no. Medyo nainis lang ako sa lalaki kanina, kung hindi lang siya gwapo baka nasuntok ko na yung mukha niya.

Sayang naman yung kagwapuhan niya kung magkakaroon lang siya ng pasa sa mukha diba? Gwapo naman siya pero ma-attitude. Bakla ba siya? Hindi manlang nagpakita ng pagiging gentleman. Bahala siya. At least sa akin parin yung bagsak nung libro. Ako naman talaga yung nauna e.

Jin's POV:)
Nung nasa national bookstore ako kanina, may nakilala akong babaeng para gangster kumilos. Nakuha niya pa nga yung librong hawak ko kanina e, I don't know if I should be annoyed or what but after she left. I just found myself smiling like an idiot. I wonder what her name is. Siya lang yung unang babaeng may ganang tarayan ako nang ganon.

Kapag nagustuhan ko kasi ang isang bagay, lagi ko itong nakukuha. That girl just now, she was able to change my perspective. Siya lang yung nagiisang babaeng hindi nadala sa kagwapuhan ko. I was able to experience this situation before, with a girl. Kapag nakikita nila ako agad nilang binibigay sa akin yung libro but with her it's different.

She was like an angel but at the same time she was too noisy. Pwede siyang makasira ng eardrums. I like her though even though our first meeting was the worst, I hope to see her again. I also like that thought of her being a gangster, she's not even scared of guys. She even have the guts to roll her eyes at me. No one has ever done that, she was an exception.

I don't know why but she was the first girl who I'm not annoyed with. Lahat kasi nang babaeng nakikilala ko, they're all pretty annoying kahit kaibigan ko pa yan. Wala naman ako masyadong kaibigan na babae sa classroom because most of us are boys. Isa pa lang yung babae namin sa classroom.

Ziah's POV:)
Di ko alam kung bakit di ko makilimutan yung lalaking mangaagaw ng libro kanina. Alam ko na kung anong pwede kong ipangalan sa kanya. Mangaagaw. Feeling ko ang talino ko nang tao. Porket nakaisip lang ako nang nickname e no.

Nasa bahay na kami at ako naman tong si tamad, nakahilata lang ako sa couch. I'm bored at wala akong magawa although tinatamad naman akong lumabas. Tinatamad na rin akong tumayo sa pwesto ko ngayon. Sila Kuya naman nasa kwarto na yata nila, di ko lang alam kung anong ginagawa nila. Let's not get into other people's business.

Kanina ko pa naayos yung mga kailangan kong gamitin bukas, yung nabili ko rin na libro nalagay ko na sa bag ko. Kailangan ko rin kasing ipagluto si Kuya tsaka si Z bukas, kaya wala na kong time magayos pa bukas. Kung gusto naman nilang magbaon, marami naman kaming pwedeng kainin dyan. Namili kasi kami ng chips and marami din chocolate yan, meron din kaming mga cup noodles in case na tamarin akong magluto.

Nakakatamad din kayang magluto araw araw. Pwede din naman silang bumili ng pagkain dyan sa malapit na convinience store.

Wala na talaga akong magawa ngayon. Nakakamiss din pala yung mga kaibigan ko sa dati kong school, di rin ako nakapagpaalam sa kanila. Biglaan lang kasi talaga yung pag transfer ko. Nabo-bored na talaga ako, ayoko din naman matulog dahil hindi pa ko inaantok. Ganito lang ako kapag bored, nakahilata lang sa couch tapos kung ano ano lang yung kinakalikot ko.

Ang boring kapag nasa bahay ka lang, sanay na sanay kasi akong laging gumagala e. Okay lang yan self, konting tiis na lang at makakapasok ka na bukas. Makakalabas ka na ulit, sad nga lang kasi di mo kaklase sila Z tsaka yung unggoy. Makakalabas na nga ko ulit pero para pumasok nga lang, wala nang magaaya ng galaan e.

Parang wala pang kasama tong mga tao sa bahay, hindi manlang ako sinamahan magmukmok dito sa baba. Kaya minsan nakakagago kasama yang mga yan e, di mo alam kung may ginagawa ba silang kababalaghan o ritual sa kwarto nila.

Alam ko namang gusto ni Kuya Javier si Z, he just won't admit it. He always stares at Z like she's the prettiest girl on Earth. Ganon din naman yung ginagawa ni Z kay Kuya, akala mo naman napaka gwapo nung kapatid ko. Sarap nilang paguntgin na dalawa, wala na silang pagasa.

May torpe problems kasi silang dalawa e, sila pa talaga yung pinagsama e parehas ngang torpe yan. Hindi tuloy sila makakagraduate sa Torpe University at ako naman? Matagal na kong walang crush, pag walang crush; walang mastalk. Kapag walang mastalk, syempre nganga. Boring ang buhay.

Kaya nga minsan pag bored ako, gusto ko na lang mag boy hunting. Lumalabas ako at nagma-mall kasama yung mga kaibigan ko, naghahanap kami nang gwapo dun pero ngayon? Wala ko sa mood lumabas at humanap nang gwapo, wala na rin kasi akong kasama magmall. Z wasn't the type of girl na mahilig mag mall, she was the library type of person. Kaya dito na lang ako at hihilata magdamag habang naghihintay na mag gabi.

At dahil parehas nila akong hindi sinamahan magmukmok dito sa baba, hindi ko sila ipagluluto ng pagkain. Asa sila. Magutom sana sila. Itataga ko sa bato na hindi sila makakagraduate sa Torpe University para hindi sila magkatuluyan na dalawa.

Nanghihingi pa nga sa akin si Kuya nang tulong e pero bahala na siya sa buhay niya. Malaki na siya diba? Edi kaya niya na yan. Hindi na dapat siya bine-baby, di ko rin kasalanan na ang torpe nilang dalawa. Parang feelings lang hindi pa sila marunong magaminan.

Sarap nilang hampasin ng tsinelas. Pag talaga di ako nakapagpigil parehas silang matatamaan ng tsinelas. Tumayo na ko sa pagkakahiga ko at umakyat na sa kwarto ko. Masyado na kong bored kaya matutulog na lang ako kahit di naman ako inaantok.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon