Ziah's POV:)
Another boring day at school with Dia pero nasa garden kami ngayon. Naging bagong tambayan nga namin to ni Dia e. Yung mga lalaki naman, palaging sa hallway nakatambay."Iah, I heard that you and Ruki are getting along with each other really well." Sabi ni Dia na may kasamang matamis na ngiti sa kanyang labi
Ruki started acting sweet to me after what had happened before. I don't really know his reason behind it but at least I have the chance to help him out now. Sobrang sarado niya kasing tao, the first time I met him.
"Remember when you're brother asked me to help Ruki out. Wait. Wala pala nun. Anyways Wayne asked me to help Ruki. Nasaktan daw kasi ito noon, kaya naging ganito ugali niya." Sabi ko
Marami sa kaibigan ni Ruki ang gusto siyang makitang maging masaya ulit and I'm doing this because I also want to see him happy. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan pero sana kahit papano mapasaya ko siya.
"Since kaibigan ka naman ni Ruki, I hope you don't mind me asking this question. What was Ruki like nung hindi pa siya iniiwan ni Marielle?" Tanong ko
Dia looked at me with a shocked expression plastered on her face. Hindi ko pa kasi nake-kwento sa kanya yung nangyari yesterday pero it doesn't matter naman, Ace was there to save me from that bitch.
"I see that you already know who Marielle is. She's the person who ruined him the most. The first person who broke his heart. Before meeting Marielle, Ruki is actually the nicest guy you'll ever meet. He's the perfect definition of a gentleman. Masiyahing tao talaga yan si Ruki pero ngayon, hindi ko na nakikita yung maganda niyang ngiti. Alam mo minsan, wini-wish ko na lang na sana hindi na nakilala ni Ruki si Marielle. Sobrang laki ng pinagbago ni Ruki after their break up. Ruki is actually the perfect definition of boyfriend material. Sobrang effort niya and kitang kita mo talaga kung gaano niya kamahal yung babae. Hindi siya yung tipo nang taong mabilis sumuko pero kapag nakikita niyang binabalewala na siya, titigil na siya. Trust me Ziah. Kung nakilala mo lang siguro siya noon, iwi-wish mo din na bumalik na yung dating Ruki. We never expected him to suddenly act so cold towards us pero wala naman kaming magagawa. Hindi naman namin siya masisisi dahil hindi niya naman kasalanan yung mga nangyari." Sagot ni Dia
Ngayon ko lang naintindihan yung side ni Ruki. Pain really does a lot to people. Sobrang laki ng epekto nito sa buhay natin. Hindi ko man naexperience yung naramdaman ni Ruki pero based on what Dia told me, he really did suffer a lot.
Hindi siya yung Ruki na nakikita ko ngayon. Para siyang anghel sa mga kwento ni Dia. Trust me. Ruki does look like an angel sadyang nakakalungkot lang dahil ibang Ruki na ang nakikita ko ngayon. Hindi naman talaga niya deserve na masaktan sadyang may mga tao lang talagang handang manakit ng ibang tao para sa ikasasaya nila.
"He was so happy back then. Kailan kaya siya magiging masaya ulit? Maybe Kuya Wayne was right. Siguro sayo nga ulit magiging masaya si Ruki. Maybe that's why Kuya asked for your help." Sabi ni Dia
Hindi ko alam kung magagawa ko ba talaga siyang maibalik sa dati pero gusto ko na lang magtiwala sa sarili ko. Hindi deserve ni Ruki lahat nang sakit na pinadama ni Marielle.
"I'm trying to help him. I'm trying to do my best for him." Sabi ko
I'm really trying my best to make Ruki happy, hindi ko alam kung sapat na ba yung effort na naibibigay ko but I hope that my efforts will help him at least a little bit.
Napatingin ako sa gawi ni Dia nung bigla itong tumayo. Binigyan niya naman ako nang isang maliit na ngiti.
"I'll give you some space to think about it." Sabi ni Dia bago siya umalis
Noong umalis na siya napagpasyahan ko na maglibot muna. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko pero may biglang humawak sa balikat ko. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Jin.
Umupo naman siya sa tabi ko. Nagkatinginan kami saglit bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya. Ang weird sa pakiramdam kasi hindi na ko kinikilig tulad nang dati.
"I have something to tell you." Sabi ni Jin
Saglit na tumigil yung mundo ko nung sinabi niya yun. Hindi ko din alam kung bakit ako biglang kinabahan.
"Ano yun?" Tanong ko
For the first time, parehas kaming seryoso na magkaharap ngayon. Dati kasi palagi kaming nakangiti habang nakatingin sa isa't isa pero ngayon parang sobrang awkward nung aura sa pagitan namin.
Hindi ako sanay na ganito kami ka awkward sa isa't isa. Palagi kasing nagjo-joke si Jin tuwing magkasama kami. Ngayon naman feel ko yung pressure sa paligid ko.
Siguro kaya ko nararamdaman to kasi feeling ko sobrang importante nung sasabihin sa akin ni Jin. Sobrang seryoso kasi nung itsura niya ngayon. Natatakot ako sa sasabihin niya pero hindi ko mapigilang macurious.
Paano niya din nalaman na nandito ako sa garden ngayon? Well. Baka naman nasalubong niya si Dia. Nakakakaba yung setting naming dalawa ngayon. Hindi ko alam kung bakit pati setting namin napansin ko pa.
"Why do you look so serious, Jin?" Tanong ko
Ayoko kasi talaga nang ganitong kaseryosong mood. Hindi ako sanay. Never ko pang naexperience tong ganitong mood kaya hindi ko alam kung paano ko ili-lighten up yung mood sa pagitan namin ngayon. Feeling ko tuloy ang init.
"Because were going to talk about a very serious matter." Sagot ni Jin
Bakit parang laging sobrang seryoso na ni Jin these days. Don't get me wrong though. Never naging ganito ka-awkward sa pagitan namin. I don't even know why I'm feeling uncomfortable right now.
Ni isang beses hindi pa ko naawkwardan kasama si Jin like eto lang talaga yung unang beses. Ewan ko parang ayoko nang umupo dito dahil baka mas lalo pang maging awkward yun sitwasyon naming dalawa.
"Just stay there and listen to me." Sabi ni Jin
Hindi na nga ako gumagalaw tapos nasabihan pa kong stay there tsaka kanina pa ko handang makinig sa sasabihin niya. Nakakailang lang talaga yung hangin sa pagitan namin.
"I like you." Sabi ni Jin
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
another cliffhanger for you guys. welcome in advance! i hope that you enjoyed reading this chapter!thanks,
X
BINABASA MO ANG
Section F ( BOOK 1, COMPLETED)
Teen FictionNoong pagpasok ko sa paaralang ito, ang una kong akala magiging normal na ang aking buhay. Hindi pala. Bakit nga ba ako napadpad sa section na ito? Paano nga ba ako nakapasok sa Section F?