Chapter 27

2.3K 75 3
                                    

Ziah's POV:)
First break na at nandito pa rin ako sa garden. Sa totoo lang wala akong gana kumain at pumasok ngayon. Tama na siguro yung nakita ko ngayong araw.

Nagulat ako nung may naramdaman akong biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. Hindi ako gumalaw mula sa inuupuan ko. Siguro kasi kailangan ko naman talaga ng yakap. Noong naramdaman kong bumitaw na siya sa pagkakayap, tumingin ako sa likod ko at nakita si Kit.

"I'm sorry. Wala ako nung kailangan mo ko." Sabi ni Kit

Best friend pa rin naman ang turing ko kay Kit kahit na nasaktan niya ko. Hindi ko pa rin naman maalis yung nakaraan namin e. Siya ang kauna-unahang taong tumanggap sa akin noon. Siya din yung taong palaging nandyan para sa akin.

"It's okay." Sabi ko

Umupo si Kit sa tabi ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakausap. Yung huling beses na nakausap ko siya ay nung nag away kami.

"It's not okay. Nasaktan ka. I'm sorry. I couldn't protect you from all the pain. May kasalanan din ako kasi nasaktan din kita." Sabi ni Kit

Dapat na ba kong masanay? Palagi na lang kasi ako yung nasasaktan e. Kahit na ganon, sila pa rin yung taong nandyan para sa akin.

"Don't worry. I'm used to it." Sabi ko

I'm glad na nagwo-worry pa rin siya sa akin pagkatapos nang lahat ng nangyari. After all, best friend ko pa rin naman siya.

Nagulat ako ng bigla niya kong hinila papalapit sa kanya at niyakap. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nayakap ng ganito.

"It's okay to cry, Ziah. Ilabas mo na lahat yan. You going through this just shows how strong you really are." Bulong ni Kit

Nung sinabi niya yun, bigla na lang bumuhos mga luha ko. Eto ang kauna-unahang pagkakataong umiyak ako para sa isang lalaki. Ruki is my first love. Akala ko natulungan ko siya pero pinaasa niya lang pala ako.

"Ang sakit pala umasa no?" Sabi ko

Alam ko namang wala siyang sinabi sa akin na umasa ako pero nag bigay kasi siya nang motibo. Masyado ba kong nag expect? Akala ko may gusto talaga siya sa akin, pinakilig lang pala niya ko.

"Alam mo, marami namang taong nagmamahal sayo. Hindi mo naman kasi kailangan tumingin sa iisang tao lang, may mga tao dyan sa paligid mo na kayang ipakita sayo yung pagmamahal nila. Marami ding taong umaasa sayo kahit alam naman nilang walang pag asa. Wala naman silang ibang gustong makita kundi ang makita kang maging masaya. Ngayong nasasaktan ka, gusto niyang sapakin yung taong nag paiyak sayo. Sana makita mo yung effort na ginagawa sayo ng taong yun. Hinihiling niya lang na maging masaya ka kahit hindi na siya ang piliin mo." Sabi ni Kit

Na-appreciate ko naman yung mga taong gustong magpasaya sa akin e. Sadyang hindi ko lang alam kung paano ko ipapakita sa kanila to. Masaya ako dahil may mga ganong tao pa rin sa buhay ko.

"Gustuhin ko mang ibalik sa kanila yung nararamdaman nila para sa akin, hindi ko kaya. Kung pwede ko lang sana turuan yung puso ko. Malay mo nagustuhan ko na sila noon, hindi lang talaga tinadhana." Sabi ko

Nagkaroon talaga ako ng feelings para kay Jin at kay Kit, sadyang hindi lang ganon kalalim. Hindi ko rin naman inamin yung nararamdaman ko para sa kanila noon dahil mas gugustuhin ko pang maging mag kaibigan na lang kami.

"Malay mo, magagawa mo pa siyang magustuhan ulit." Sabi ni Kit

Possible din naman yun pero siguro hindi pa ngayon. Ako din kasi yung tipo ng taong gustong gustong makuha yung mga bagay na dapat akin.

"It's not that easy. I'm thankful na they're here for me at least diba, nagawa nila akong pasayahin kahit na nasaktan ko na sila. Hindi ko nga kayang pasayahin yung taong gusto ko, sila pa kaya. Magustuhan ko man sila, sigurado akong pagsasawaan din nila ako." Sabi ko

Nalungkot ako dahil hindi ko magawang pasayahin yung mga taong kayang gawin ang lahat mapasaya lang ako.

"Hindi mo naman kasi trabahong pasayahin ang mga taong nagmamahal sayo e. Hindi mo rin naman kasalanan na sa ibang tao ka sumasaya. Masaya na kaming makita kang masaya." Sabi ni Kit

Nagulat naman ako nang may nakita akong taong tumatakbo papalapit sa amin. Muntik pa siyang madapa. Nagkatinginan kami saglit ni Kit, bago kami tumayo at lumapit sa kanya.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko

Hinintay namin siyang magsalita dahil naghahabol pa rin siya nang hininga.

"Si Jin at si Ruki, nagsusuntukan sa cafeteria." Sagot niya sa akin

Bakit nanaman sila nagaaway? Diba mag best friend silang dalawa. Hindi dapat ganito ang nangyayari sa pagitan nila.

"Bakit sila nagaaway?" Natatarantang tanong ko

"Dahil sayo." Sagot niya sa akin

Napatingin kami ni Kit sa isa't isa nang may pagaalala sa mukha bago kami tumakbo papunta ng cafeteria. Kailangan namin silang pigilan. Kasalanan ko to e, hindi naman mangyayari to kung hindi ako nag expect e.

Noong nakadating kami ni Kit sa cafeteria, agad naming nakita si Jin at si Ruki sa gitna nang cafeteria na nagsusuntukan. Nakita ko namang lahat nang mga kaklase ko sa Section F, nakatitig lang sa kanila. Hindi manlang nila naisip na pigilan to?

"Bakit hindi nila pinipigilan yung dalawa?" Tanong ko kay Kit

"Pag silang dalawa ang nag aaway ng ganito, walang nakakapigil dyan." Sagot ni Kit

Manonood na lang kami dito hanggang mapagod silang dalawa? Nung biglang dumating si Marielle, sinubukan niyang awatin si Ruki pero hindi ito nagpaawat.

Hindi kayang panoorin to. Hindi ko kayang panoorin na sirain nila yung pagkakaibigan nilang dalawa.

"Wala ka ba talagang gagawin?" Tanong ko kay Kit

"Kung pipigilan ko yang away nila, yung mukha ko naman yung masasapak nila." Sagot ni Kit

Yung mukha niya pa talaga yung inalala niya? Kung wala talaga siyang gagawin para pigilan yung dalawa, ako na lang ang gagawa ng paraan.

Maglalakad na sana ako papalapit kayla Jin at Ruki pero bigla akong hinawakan ni Kit sa kamay.

"Wag." Maiksing sabi ni Kit

"Hindi ko sila pwedeng hayaan magsuntukan na lang dyan. Hindi na bale na mukha ko yung mabasag." Sabi ko

Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Kit sa kamay ko bago ako pumagitan kayla Ruki. Pagkaharap ko dito, agad akong nakaramdam ng pagkamanhid. Nasuntok ako ni Ruki sa mukha.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!!

thanks,
X

Section F ( BOOK 1, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon