Parang Tayo

115 7 3
                                    

Parang intro sa isang pelikula. Nag-aantay sa narrator na simulan ang kwento; nag-aantay sa nararapat na kanta sa likod ng gumagalaw na frame.

                                                                       Nagsimula na sila. Paano na tayo?

--

Bente tres anyos. 

Babae; single pero nagmamahal.

At some point dumaan din ako sa tomboy-stage ng pagiging teenager. The angst and the jejemon phase.

Suot ang maluwang na T-shirt kong black na katerno ng maluwang kong cargo pants, umiinom ng Chuckie sa tabi. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako naging emo, 'yong naglalaslas? Minsan pangalan pa ng mahal nila, tapos magiging peklat for the rest of their lives.

"Pa-albor naman ng shirt! Ang ganda." Nakangiti lang sya sa'kin noon. Natawa pa sya sa expression ko dahil 'di naman talaga kami magkakilala. Bigla na lang nya 'kong nilapitan out of the blue. Nabasa nya siguro sa mukha ko 'yong "Sino 'tong feeling close na 'to?" kaya bigla rin syang nagpaliwanag.

Gusto kong ikwento kung paano o kung saan, pero sa ngayon ikwekwento ko na lang muna kung bakit.

Naalala mo, kapag nasugatan ka dati sasabihin nila may lalabas daw na kanin mula sa sugat mo? E 'yong kapre sa puno ng sampalok tatlong bahay mula sa inyo? Huwag ka raw maglalaro malapit sa punso dahil baka maistorbo mo or masaktan mo sila. Parang gano'n, hindi naman talaga ako naniniwala, pero bakit ako natatakot?

Sabi nya mag-aral muna kaming mabuti para sabay kaming mag-eentrance exam sa university na pareho naming gustong pasukan. Nag-aral naman kami. Hindi naman kami naging parte ng henerasyon ng mga high school students na inuuna ang "feelings" at napapabayaan ang pag-aaral. Pero ba't parang 'yong T-shirt na inalbor mo na lang ang naiwan ko sa'yo?

Buhay kolehiyo.

First day: wala akong ginawa kundi ikumpara 'yong buhay ko dati bilang HS student sa buhay ko pagpasok ng kolehiyo. (1) Na maski umuuwi ako ng alas sais ng gabi at matutulog ng alas onse nang hindi nag-aaral nakakapasok pa rin ako sa Top 10 ng buong batch. (2) Na maski sa school ko na mismo gawin ang assignments walang problema.(3) O surprise quiz or group activity pa, kinakaya ng tinatawag nating stock knowledge? Parang ganoon, hindi ko makalimutan 'yong dati dahil na rin siguro nahihirapan ako ngayon.

Naka-graduate na pala ako. Kumusta ka na?

Naghahanap na ako ng trabaho, sinasabay ko na rin 'yong pagrereview ko para sa board exams. Parang kailan lang, 'pag nahihilo ako noon hinahampas ako ni nanay ng dahon ng malunggay para raw maalis 'yong "baltik" o anuman 'yon; na kapag may sakit ako na hindi maalis ng gamot ay nag-aalay sila ng pagkain sa punso. Kung ganoon lang sana kadali.

Ang sakit.

Ang daya.

Bata pa naman daw ako, kakagraduate ko pa lang, kakasimula at marami pa akong pwedeng gawin, pwedeng makilala at marami pang magbabago. Pero hindi ko kailangan ng marami dahil nag-iisa ka lang. Nag-iisa ka lang, dati pa.

Ba't nga ba ako nagpapaka-emo? May interview pa'ko bukas, may exam ako next week, tapos birthday pa ni nanay sa susunod na linggo. Nalalasahan ko pa 'yong pait ng kape. Hindi ata nilagyan ni manang ng asukal.

Halos isang taon na pala simula noong sinagot kita. Bukas pagkatapos ng interview, dadalhan kita ng Mik-Mik at Tomi. 

Siguro sa susunod, wala nang hikbi sa likod ng mga ngiti. Pero sa ngayon, magpapakalunod na muna ako sa alaala mo. 

Hanggang matapos ang simula...

                                                Mikael Vincent P. Cojuangco

                                                March 27 1993- Feb 15 2015

"We all die.                                                                                                                             The goal isn't to live forever, the goal is to create something that will."        - Chuck Palahniuk

sulat.ronikoWhere stories live. Discover now