NOONG umagang iyon nang September 27, 2015, gumising ako na may malawak na ngiti sa mga labi. They say happiness is a choice and I chose to be happy that day.
Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan kong si Alma--na ikakasal na sa longtime boyfriend niyang si Christopher. Minemake-up-an na siya sa harap ng malaking salamin nang dumating ako. Tumabi ako sa kanya at nginitian ko siya.
"You look beautiful," sabi ko.
"Thanks," she said. "This is it na friend, I am finally getting married." Halata sa mukha niya ang excitement.
"Kaya nga eh. Iniwan mo na ako. Ako na lang ang single sa barkada."
Tinapik niya ako sa balikat. "Alam mo Minnie, darating din ang Prince Charming mo. 'Wag ka lang mainip."
Dumating na ang Prince Charming ko. Iba lang ang nakakuha.
"Isa pa, alam mo, na-realize ko na may plano si God sa lahat ng tao," sabi pa ni Alma. "Tingin siguro ni God, hindi pa right time para magkaroon ka ng boyfriend."
Paano ko siya kokontrahin kung minention na niya ang Diyos?
Naniniwala ako sa Diyos, pero wala yata Siyang balak na sulatan ako ng love story. Twenty-eight na ako, at never akong nagkaboyfriend. Ako na lang sa barkada namin ang hindi pa kasal.
Si Joyce, 'yong kaibigan naming man-hater, ikinasal sa bisexual niyang jowa three years ago. Waley na siya care kahit sabay silang napapalingon kapag may poging dumaan. Mahal naman daw niya, dahil parang babae, sensitive. At mukhang faithful, kahit for me, pinatulan lang siya ni bisexual guy kasi tamad siyang mag-shave ng kilikili.
Si Diana, maganda pero nasa boobs yata ang utak, nakapag-asawa ng computer programmer na fanatic ng isang religion. Si bakla, proud pa na nagkuwento na tinuruan daw niya ng kamunduhan ang asawa niya. Para bang greatest achievement niya 'yon sa buhay.
Si Katya, kaibigan naming babae pero na-trap daw sa katawan ng lalaki, nagpa-sex change sa Thailand two years ago sa tulong ng German niyang boyfriend. Ikinasal na siya sa Pinoy niyang first love. Iniwan niya si German para sa Pinoy. Willing na pumatol si Pinoy kasi babae na raw si Katya.
And finally, si Alma, na ikakasal nga kay Christopher.
Bakit nga kaya ako lang ang hindi sinusuwerte sa love life? Dahil kaya ako lang sa barkada ang walang kapangalang bold star?
Dumating na ang bakla na magme-make up sa 'kin. After a few hours, nasa simbahan na ako. Naghahanda na kami para sa wedding march. Nginitian ko lahat ng tao, nakipagbiruan sa mga kakilala.
Nagsimula ang wedding march at lumakad ako na parang that would be the last time I would walk on a church.
And it was.
Nang makaupo na ako sa designated place ko, doon ako tumingin kay Christopher na honestly, mukhang tanga. Sobrang puti ang mukha, parang hindi pa lutong tinapay. Pinagpapawisan, hindi makangiti nang maayos. Nakatingin siya sa pinto ng simbahan, inaabangan ang bride niya.
Ang bride niya na mukha ring ewan nang panahong iyon. 'Bagal maglakad, sobrang feel ang march. Baka bago pa siya makapunta sa harap, tulog na si Father. Pero gano'n siguro talaga pag ikakasal ang babae. She would take her time. Because it was the "happily ever after" part of her fairy tale.
What do I know about fairy tales aside from the fact that they were not made for me?
Nang makarating na si Alma sa altar, at narinig ko na sinabi ng papa niya kay Christopher na "Take care of my daughter," doon ko uli naramdaman ang sakit.
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomanceMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...