NOTE: Hindi nyo po mababasa ang susunod na chapter hanggang di nyo po ako fina-follow. Ginawa ko po kasi... nakita ko na ginawa ng iba. Haha. Saka, hello o. Ang konti ng followers ko. :P
"HERMINIA?" untag sa 'kin ni Jeffrey. Nasa court house kami ng Pico Mundo, ang araw bago ang pagpili ng kaluluwang bibigyan ng ikalawang pagkakataon na mabuhay. Kaming lahat, inaasahang magbigay ng speech habang nakikinig ang konseho.
Tumingin ako kay Jeffrey, ngumiti. "Bakit?"
"Alam mo na ba ang sasabihin mo?" he asked.
Humawak ako sa kamay niya. "Alam ko na," sabi ko, sabay tingin sa platform sa harapan, kung saan si Mindy na ang nagbibigay ng speech.
"Sa totoo lang, pinagsisihan ko talaga ang pagkitil ko sa buhay ko," sabi ni Mindy. "Isa pa naman akong nobelista, bakit hindi ko naisip na ang buhay, para ring isang libro? Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari kung hindi mo bubuklatin? Paano kung malungkot ka ngayon, pero sa susunod na pahina, masaya ka na pala? Pero malalaman mo ba iyon kung isasara mo agad ang aklat?"
"Lumaki ako na galit sa sarili ko dahil sa timbang ko," sabi naman ni Wanda nang siya na ang nagbibigay ng speech. "Sinisi ko ang sarili ko kung bakit nagtaksil sa 'kin ang asawa ko. Kung hindi ba ako pangit, kung hindi ako mataba, gagawin n'ya 'yon? Pero ngayon, naisip ko na mali pala ako ng paraan kung paano nabubuhay noon. Mali pala na nabubuhay akong bukas lagi ang pandinig sa sinasabi ng iba. Mali pala na hindi ko yakapin ang sarili ko dahil lang hindi ako magawang yakapin ng mga tao sa paligid ko."
"Gusto ko pa bang bumalik sa mundo? Gusto ko bang magkaroon ng second chance?" iyon naman ang tanong sa amin ni Keith. "Nagpakamatay ako dahil ayokong magdusa sa sakit na cancer. Kung ako ang mapipili, babalik ako sa mundo na may sakit. Okay lang ba iyon? Oo. Naisip ko kasi, bakit ba ako naduwag noon? Bakit hindi ako nagtiwala at naniwala?" Nagniningning ang mga mata niya dahil sa luha. "Ngayon, gusto kong bumalik. I want to smell the flowers one more time. Eat pastries in Starbucks at abusuhin ang libreng WiFi. I want to say 'I love you' to those important people in my life. I want to live like everyday is the last day. I want to live again."
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng speech ni Keith. Doon na ako naalerto. Isa lang kasi ang ibig sabihin niyon. Ako na ang susunod. Napisil ko ang kamay ni Jeffrey. He squeezed my hand back.
"Ang susunod na magbibigay ng kanyang mensahe... Herminia Orolfo," narinig ko na sabi ng isa sa konseho. Hindi ko alam kung sino.
Lahat ay lumingon na sa amin ni Jeffrey. Tumayo ako, bumuntong-hininga. I squeezed my angel's hand one more time before walking on the platform. Natahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Ang maririnig lang sa gusali ay ang tunog ng sapatos ko sa makintab na sahig.
Nang makarating sa platform ay humarap ako sa lahat ng mga anghel at kaluluwa. Iginala ko ang paningin ko sa kanila. Bumuntong-hininga ako, saka sinimulang magsalita.
"Hindi ko alam kung bakit hinayaan n'yo pa akong magbigay ng mensahe. Alam n'yo naman na may nilabag akong batas ng Pico Mundo." Humugot ulit ako ng malalim na hininga. "Alam ko naman na hindi ako karapat-dapat na maibalik sa mundo natin. Tingin ko nga, hindi ako karapat-dapat na mapunta sa Kaharian ng Kabutihan. Kaya hindi ko na kayo kukumbinsehin na ako ang ibalik sa mundo. Siguro, magbibigay na lang ako ng kahilingan sa ilan sa mga kaluluwang nakilala ko rito."
Tinitigan ko si Wanda. "I know, someone in our world thinks you are beautiful. I hope na kung ikaw ang makakabalik sa mundo, and you look at the mirror, you'd focus on everything that is beautiful about you. I hope there is a mirror that will make you see how beautiful--how stunning you are inside."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakagat ni Wanda ang labi niya. Kasunod ay sumubsob siya sa palad niya at umiyak.
Sunod kong tinitigan si Mindy. "I know you are just a lonely girl wanting love. Sabi mo, lahat ng minahal mo, hindi ka minahal. Tingin ko hindi totoo iyon. Tingin ko ilan sa kanila, minahal ka. Hindi lang nila sinabi, kasi you are so amazing it overwhelmed them," sabi ko. "Sana kung ikaw man ang mapipili na maibalik sa mundo, may dumating na taong handa kang mahalin. Handa kang alagaan. A guy who would write a wonderful love story with you. A guy who could give you a thousand moments of happy endings."
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomanceMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...