KINAKABAHAN ako nang makaupo sa court house ng Pico Mundo. With fascination, inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ganoon din ang nakikita ko sa mga trial sa mga legal drama na napapanood ko.
May hilera ng mga upuan kung saan naroon ang mga spectators. Sa harapan, naroon ang witness stand--at may nakaupong isang babae na maputi, mahaba ang kulay brown na buhok at maganda. Malapit sa kanya, nakadulog sa malaking desk--bench kung tawagin, doon talaga dumudulog ang mga judge--ang tatlong matatandang lalaking walang emosyon ang mukha. Nakasuot ang mga iyon ng court dress na kulay puti. Ang taray, parang choir!
"Sila ang konseho, sila ang gumagawa ng desisyon sa Pico Mundo," bulong sa 'kin ni Jeffrey.
Bakit ba kailangang lumapit pa siya ng sobra, with matching hawak pa sa braso? Sobrang touchy talaga. Kagabi, nakipag-usap sa 'kin sa sala nang tutuluyan naming bahay. Madalas hinahawakan ang kamay ko. Ewan, di ko naman mapigilan.
May sasabihin pa yata si Jeffrey pero nagsalita na ang isa sa mga konseho, iyong kamukha ni Dolphy.
"We are gathered here for the judgment of Annabelle Dimaano, case number 1-9-0-8. Twenty-one years old, committed suicide last August 1, 2015 via hanging," sabi ni Dolphy. "Angel Akriel, you may now take the floor."
Tumayo ang isang lalaking chubby. Iyon siguro si Angel Akriel. Humarap iyon sa mga konseho.
"Mga mahal naming konseho, narito po ako para ipaintindi sa inyo kung bakit nararapat lamang na mapunta sa Kaharian ng Kabutihan si Annabelle Dimaano, sa kabila ng ginawa niyang pagkitil sa sarili." Tumikhim ang anghel. "Si Annabelle Dimaano ay ipinanganak sa Bicol, at lumaki sa hirap. Lumaki rin siya sa isang relihiyosang ina na pinaparusahan siya kapag nakagawa siya ng kasalanan. Isa sa mga palaging itinuturo sa kanya ng kanyang ina ay imoral ang mga tomboy at bakla. Sila ay malulunod sa kumukulong apoy. Sila ay mas masahol pa sa mga mamamatay-tao, dahil hindi lang katawan ang pinapatay nila, kung hindi kaluluwa."
Pak na pak naman si chubby angel! Busog siguro.
"Lumaki si Annabelle na ang konsepto niya ng Panginoon ay malupit at mapanghusga. Kaya nang maramdaman niyang siya ay umiibig sa isang kapwa niya babae, pinili niyang kitlin ang sarili kaysa magkasala."
Nag-gasp ako kunwari, for effect. Kasi naman, 'yong mga utaw sa paligid, NR. No reaction. Stoic ang mga potek!
"Kung hindi dahil sa pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina, kung hindi dahil sa mga turo ng kanyang ina sa kanya, hindi niya maiisip na kitlin ang sarili niya..."
At marami pang sinabi si Angel Akriel na dahilan kung bakit inevitable ang ginawang pagpapakamatay ni Annabelle. O at least kung bakit nararapat lang na palagpasin iyon. Wala pa rin namang expression sa mukha ng konseho. Puyat ba ang mga itey? Constipated? Kinakabag?
"Labis ang pagsisisi ni Annabelle sa ginawa niyang pagkitil sa sarili. Sa katunayan, kung maari nga lang na ibalik ang lahat, hindi niya itutuloy ang ginawa niyang pagkuha ng sariling buhay."
Katahimikan. Tumayo si Dolphy--I mean, 'yong isa sa mga konseho na kamukha ni Dolphy. "Maraming salamat, Akriel. Babalik kayo rito pagkatapos ng isang oras at doon namin ibibigay ang aming hatol."
Paglipas nga ng isang oras, naroon uli kami ni Jeffrey sa puwesto namin kanina. Ang anghel ko, hindi mapakali. Tense na tense. Mas kinakabahan pa yata sa 'kin na marinig ang hatol.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na hawakan ang kamay niya para pakalmahin siya. Hindi naman ako feeling close na tao, pero magaan talaga ang loob ko sa anghel kaya ginawa ko 'yon.
Dahil ba 'yon sa necklace?
Tumingin si Jeffrey sa akin, nawala yata ang pagka-tense. May matamis na siyang ngiti sa mga labi. Pinisil niya ang kamay ko. "Salamat sa paghawak ng kamay ko."
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomanceMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...