After two years
NAGMAMADALING lumabas si Herminia ng accounting firm. Sa wakas, tapos na ang trabaho. Makakauwi na siya.
Habang naghihintay ng bus na masasakyan pauwi, she checked her phone. May message galing kay Alma, pakiramdam daw ng kaibigan niya ay nambababae si Christopher.
Hindi na lang iyon pinansin ni Herminia. In-expect na niya iyon kay Christopher. Hindi niya alam kung bakit, pero noong araw ng kasal nito kay Alma, parang ilag na siya sa lalaki. Bigla ang feelings niya rito ay natakpan ng ibang emosyon, pandidiri. Hindi niya alam kung paaanong nangyaring gigising na lang siya isang araw na nawala na ang pagtingin niya sa isang tao, pero naisip niyang makabubuti na 'yon.
Ibabalik na sana ni Herminia ang cell phone sa bag niya pero nag-ring iyon. Tumatawag si Jim, nag-iisang suitor niya. Katrabaho niya ito. Pogi naman, mabait. Pero wala siyang interes. For some reason, kapag sinasabi nitong gustong-gusto siya nito, matutulala siya. At parang may boses siyang maririnig somewhere, nagsasabi ng mga bagay tulad ng "Manyakis 'yan." o "Maramot 'yan." Hahanapin niya kung saan galing ang boses pero hindi niya makikita.
May dumating ng bus na wala halos pasahero. Pinatay ni Herminia ang cell phone niyang nagri-ring pa rin bago sumakay. Pumili siya ng puwesto malapit sa bintana, at ewan kung bakit palagi siyang napapatingin sa itaas, sa mga billboard at signboard ng mga establishment.
Sa wakas ay makarating na siya sa bus stop na bababaan niya. She got off the bus. Tapos, nakita niya na may mga nagkakagulo sa tapat ng isang building doon. Nagkukumpulan ang mga tao doon, may tinitingnan na kung ano sa kalsada.
Na-curious si Herminia, kaya binalak niyang umusyoso. Palapit pa lang siya sa pinangyayarihan ng komosyon ay hinarang na siya ng isang preppy na kolehiyala.
"Don't go there, ate," she said, sapu-sapo pa ang dibdib at namimilog ang mga mata. "Someone jumped from that building. 'Daming blood."
Pagkatapos niyon ay nilagpasan na siya ng kolehiyala.
Natulala naman sandali si Herminia. Suicide. Naalala niya, pinlano niyang magpakamatay sa araw ng kasal ni Alma. Pero basta nagising na lang siyang wala nang balak isagawa ang planong 'yon, nagising na lang siyang iba na ang pagtingin sa buhay.
Umusal siya ng panalangin para sa kung sino man ang nagpakaamatay. Umihip ng malakas ang hangin. Bigla siyang napatingala. May hinahanap ang tingin, pero hindi niya alam kung ano.
Hanggang sa may makita siyang dalawang bituin na napakatingkad ng kislap, at naisip niyang parang mga mata iyong nanonood, nagmamasid...
Nagbabantay.
Nakaramdam siya ng kasiyahan nakita lang niya ang dalawang bituing iyon. May gumuhit na matamis na ngiti sa mga labi niya. Inayos niya ang dumudulas na shoulder bag sa balikat niya, humugot ng malalim na hininga at nagsimula uling maglakad.
All her life, she felt she was irrelevant. But since Alma's wedding, her life changed. For some reason, she felt as if she was amazing. For some reason, she thought someone was always with her. For some reason, she felt as if she's already complete.
It was a mad world, but she was facing it with a smile. Every single day.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomansaMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...