"ANO'NG sinabi mo sa konseho?" tanong ko kay Jeffrey nang makauwi na kami. Hindi naman pinag-usapan iyon on our way home. Siguro pareho kaming may takot, pareho kaming may pangamba. Pero ngayon na magkatabi kami sa kama at magkayakap, nahubaran kami ng mga pag-aalinlangan.
Magkalapit ang mga mukha namin, nakapulupot ang braso ko sa braso niya. We were so close to each other it seemed as if we were trying to fuse and be one.
Ngumiti si Jeffrey, binigyan ako ng magaang halik sa ibabaw ng ilong. "Ipinaglaban ko kung ano ang meron tayo. Gusto kong ipaintindi sa kanila na kahit kailan, hindi naging mali ang pagmamahal. Lalo pa, wala naman tayong nasasaktan."
"Ano'ng sabi nila?"
"Mukha namang naintindihan nila. Siguro dahil na rin sa sinabi mo bago pa ako makipag-usap sa kanila. Sabi nila, pag-aaralan nila ang sitwasyon natin." Gamit ang isang daliri, isinara niya ang mga mata ko, saka binigyan ng masuyong halik ang talukap ng mga mata ko. "Kaya 'wag ka nang mag-alala. Tingin ko naman, makukumbinse rin natin sila. Tingin ko sa huli, hahayaan nila tayong maging masaya."
"Hindi pa rin tayo sigurado," sabi ko. "Alam mo, ang daya lang talaga."
"Bakit?"
Ako naman ang humawak sa magkabilang pisngi ng anghel. "Kung kailan ko 'to naramdaman, saka naman hindi puwede. Hindi ko naman 'to naramdaman noong nabubuhay pa ko, eh. Walang nagmahal sa 'king lalaki. I am always rejected and I've been told a lot of times that I might grow old alone. Ngayon lang ako naging ganito kasaya, pero bakit kailangan ko pang pigilan ang sarili ko?"
Na-realize ko na dahil sa pagda-drama ko ay may luha nang dumadaloy sa mukha ko. Panay naman ang punas ng anghel doon. At nang wala na akong masabi ay itinulak na lang niya ako papasok sa mga bisig niya. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.
"'Wag ka nang umiyak," sabi niya. "Ayaw ko talaga na umiiyak ka."
Suminghot-singhot ako. "Ang daya lang kasi talaga."
"Alam ko," sabi niya. "'Wag mo muna kasing isipin. What do you think would make you feel better?"
"Kumanta ka nga," I said. "Tingin ko naman pamilyar kayong mga anghel sa mga kanta namin sa mundo."
"Hindi maganda ang boses ko," sabi nito.
"Please," I said. "When I was still alive, kapag nalalasing si Christopher at panay ang kanta kay Alma, natutuwa ako. Gusto ko ring makantahan niya ng gano'n. Ngayon nga lang, gusto ko na ikaw na ang kumanta para sa 'kin."
Sandali akong walang narinig. Akala ko hindi na siya kakanta kaya babawiin ko na sana ang sinabi ko. It was then that I heard the first line of a familiar song from him. "Lift your head, baby don't be scared of the things that could go wrong along the way..."
Tiningala ko siya, tumitig sa mga mata niya.
"You can't win at everything but you can try. Baby, you don't have to worry, 'cause there ain't need to hurry. No one ever said that there's an easy way." His finger was now moving on my face, tracing every corner. "And when they're closing all their doors, and they don't want you anymore, this sounds funny but I'll say it anyway. Girl I'll stay, through the bad times..."
When he sang that, I think he really felt it. Lalo pa ang titig na titig siya sa mga mata ko.
Nakagat ko ang labi ko. Suddenly, nawala na ang sama ng loob ko sa mga taong nagsara ng pinto nila para sa 'kin. Jeffrey was there and Jeffrey never made me felt as if I am nothing, as if I am unwanted. I didn't care if no one else was with me, as long as he was there.
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomanceMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...