Para sa taong hinihintay ko

33 0 0
                                    

Para sa'yo.
Oo, sayo.
Sayo na pinagkaka-aksayahan ko ng tinta sa mga oras na'to.
Di ko kilala kung sino ka, pero alam kong magtatagpo din tayo.
Di ko alam kung nasaang dako ka pero batid kong dadalhin ka rin
ng mga paa mo patungo sa'kin. Sa paraan ginusto ng tadhana.
Sa panahong sinadya ng pagkakataon.
At sa oras na itinakda ng kapalaran.

Di ko alam kung gaano pa yun katagal. Medyo naiinip na'ko.
Napapagod. Nawawalan ng pag-asang magkita't magkakilala tayo.
Pero isang paniniwala lang ang pinanghahawakan ko.
Na lahat ng magagandang bagay ay darating sa buhay,
sa pinakatamang panahon. At kung ikaw man ang pinaka-
magandang bagay na hinihintay ko sa buhay ko,
gusto ko lang malaman mo, na ipinangangako kong maghihintay ako.
Gaano man katagal, at gaano man kahirap ang mga pagdadaanan ko.
Sa pagharap sa mga multo ng pangungulila, at lumbay ng pag-iisa
habang hinihintay kita.

Sige lang. Mag-aliw ka muna. Habang hindi mo pa ako nakikilala
Lasapin ang mga tawang dulot ng iba habang di mo ako kasama.
Upang kapag tayo naman ang nagkita, pagsasaluhan natin itong dalawa.
Tayo naman ang lilikha ng mga halakhak na dulot natin sa isa't-isa.

Sige lang. Umiyak ka muna. Habang hindi mo pa ako nakikilala.
Danasin mo ang lungkot at pait ng pagkadismaya,
na dulot ng iba habang hindi mo ako kasama.
Upang kapag tayo naman ang nagkita, pupunasan natin ang
mga luha ng isa't-isa. Magkasama tayong magluluksa,
hahanapan ng sagot ang mga tanong,
habang pareho nating hindi naiintindihan ang mundo,
at ganun din ang mundo sa atin.

Pero mahal.
Wag ka naman sobrang magtatagal.
Baka mapagal ako, at makalimutan kong
may hinihintay pala ako.
Kung sakali mang magkasalubong tayo.
Iparamdam mo kaagad,
na ikaw yung taong hinihintay ko.
Alam mo naman. Baka mahulog ako.
Tapos iba ang makasalo.

Kung sakali mang lumampas ka
habang pareho nating hinahanap ang isa't-isa
Sunsunin mo lang ang daan pabalik.
Dahil mahal, gaano man kalayo
ang iyong nilakbay,
Gaano man karami ang naranasan mong
tagumpay at pagkasawi
Bukas, sa akin ka parin uuwi.

Ang Aklat na Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon