Tutubing Bukid

22 1 1
                                    

         Sinasabi ko na nga ba, gaya ng nakasanayan, nasa tabing bakod na naman ng bahay sina aling Ibyang at manang Gading. Umaga palang ay nagkaka-ututang dila na naman ang dalawa. Sigurado ako at hindi ako nagkakamali. Si Magda na naman ang pinag-uusapan ng dalawang tsismosang ito. Tama, si Magda, siya lang nman ang tutubing bukid ng Sitio Bugtong- Bato. Wala man silang matibay na ebedinsya, eh ganun nilang binansagan si Magda. Tutubing Bukid, lalaro laro sa damuhan. Kerengkeng, ay ahehehe sobra na pla.
                            " Mabuti nalang at ang anak kung si Andeng ay hindi katulad nyang si Magda. Napakahinhin ng anak ko. Maria Clarang-Maria Clara," pagmamayabang ng tsismosang si Ibyang.
                                Ewan ko ba kung paanong nagsimula ang mga sabi-sabi tungkol kay Magda. Basta ang alam ko ay palagi siyang inuumaga galing sa trabaho niya sa bayan.
                                   Tuwing gabi lang siya lumalabas ng bahay, maayos na maayos ang pananamit. Nakapintura ang mukha.
Hindi ko siya masisisi kung totoo man ang balita tungkol sa kanya.
                      "Sigurado ako magtatrabho lang yun sa Bar. Magsasayaw-sayaw at magbebenta ng katawan.''
Nagpuputak nanaman si Ibyang ng malaman niyang lumuwas ng Maynila si Magda.
           Ang hirap sa mga taong to, wala nang ibang ginawa kundi ang pakialaman ang buhay ng may buhay.
                       Matagal na hindi nkauwi sa sitio ang dalaga. Ngunit akalain mo nga naman, paunti-unti ay nakapagpagawa ng bungalow para sa mga magulang.
                   Maugong ang usapan, baka nakapangasawa ng Matandang mayaman na madaling mamatay si Magda.

              Ilang taon pa ang lumipas wala ka nang maririnig tungkol s kanya. Kung merun man ay puro papuri nalang sa isang ulirang anak na walang ibang hinagad kundi ang maginhawang buhay para sa ng mga magulang.
               Si Ibyang ay tumahimik na rin, nabuntis n kasi ang anak niyang si Andeng.
             Hanggang isang umaga. Umugong ang balita sa sitio. Darating daw ang tutubing bukid. Mabilis na kumakat ang impormasyon sa buong sitio bugtong-bato. Hindi maalis sa isipan nila kung ano ang kanyang hitsura. Ano na kaya ang kanyang anyo?
           Siguro, nakatakong na mataas, mapula ang labi, maraming pintura ang mukha, kulay mais ang buhok at sobrang iksi ng suot na palda na halos kita na ang kuyukot.
             Ngunit taliwas sa kanilang inaasahan. Ibang anyo ni Magda ang kanilang nasilayan.
            Halos hindi mo makikita ang kanyang tuhod dahil nadadamitan siya ng mahabang tela na may kumbinasyon ng kulay puti at itim. Suot ang belo at kakawag-kawag na krus ng dala niyang rosaryo.
               Halos mapa-antanda ng krus ang mga taga-sitio Bugtong-bato. Kasama si Ibyang at Manang Gading. Sila ay nilamon ng kahihiyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aklat na Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon