Putik

13 0 0
                                    

May lakas ang iyong mga tuhod.
Sumasabay sa liksi ng iyong mga paa. 
Mabilis ka nilang itinatakbo.
May takot, pero buo ang iyong loob.
Ayan, itinulak ka.
Nadapa.
Nasubsob.
Tama lang yan na ikaw ay masugatan.
Nalugmok ka tuloy sa putik.
Pero napakaganda pala ng natural mong anyo.
Likha ng lupa kung saan ka nanggaling.
Ikaw nga yan.
Marumi.
Madungis.
Hubad ang ulirat sa suliranin ng mundo.
Isa pa.
Magtampisaw ka lang.
Liguan mo ang sarili sa mga patak ng ulan.
Upang hindi mo pagsisihan bukas.
Lasapin mo na ang sarap ng tubig bago pa hibasin ng araw. Sige lang danasin mo ang kamusmusan.
Dahil mamaya sa pagtayo mo.
Sa pagmulat ng iyong mga mata.
Ala-ala nalang ang lahat.

Ang Aklat na Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon