Tuwing may pa-Trip to Jerusalem sa bayan
Okay na okay ako dyan.
Kasi madaming bibong sumasali
para makaagaw ng upuan.
Libre naman.
Pwedeng mahirap, kaso mukhang mahihirapan
Pwedeng mayaman, kung pera ang labanan
Pwedeng artista, mas malaki ang lamang
Pwede lahat.
Kung gusto mo ng pwesto, kailangang makipagsapalaran.
Dahil tuwing may pa trip to Jerusalem sa bayan
Madaming gimik na magsisilabasan.May mga palad na nagkakapera
kung marunong kang tumanggap
kapag nakipagkamay na.
May mga bulsang nagkakalaman pa.
May supply nang bigas, noodles at delata.
Napupuno ang tapayan,
Nabubusog ang tiyan
Dahil tuwing may pa trip to Jerusalem sa bayan
Dadagsa ang tulong,
nakasulat ang pinanggalingan.At syempre
parati kang ngingitian ng mga kasali
Kahit walang pake sa'yo
tuwing magkikita kayo dati.
May bumubusina pa sa kalye
Mamamansin ang dating di namamansin
Magpapainom sa kanto
Magpapa-anunsyo sa radyo
Magpapa-video oke kahit sintunado.
Meron pang mangangako
ng libreng tubig sa gripo
Maglalatag ng proyekto
kahit di sigurado.
Dahil tuwing may pa-trip to Jerusalem sa bayan
Maingay sa lansangan
Babango ang alyas, maglilipana ang pangalan.Bigla ka magiging kumpare
Kamag anak ka rin daw yun ang sabi.
Masesemento ang kalsada
Mapapaayos ang tulay
Magkakatubig ang sirang poso
Magkakaroon ng bola
ang basketball court
Magkaka-ambulansya
ang mga may sakit
Magkakalokohan ang mga tao
Magkakabilihan
Magkaka-alitan
Magkakasiraan
Magkakaroon ng panibagong
pangako ng pagbabago.
Dahil tuwing may patrip to Jerusalem sa bayan.
Panibagong plano na naman
ang hindi masisimulan.
Panibagong simula ang hindi matatapos.
Panibagong matatapos
pero WALANG KWENTA.
BINABASA MO ANG
Ang Aklat na Walang Pamagat
PoetryKoleksyon ng mga tula, dagli, spoken word, sanaysay, maikling kwento, tsismis, listahan ng utang at mga....basta...magbasa ka nalang