Pasensya ka na anak
Sa tuwing dadampian ng patpat
ang iyong balat
At hinahagupit kita ng sinturon
Di ko gustong masaktan ka
Ngunit mas hindi ko gustong
lumaki kang ginagawa ang mga maling
akala mo ay tama.
Kailangan kong gawin ito
Kahit pa sa tuwing naririnig kong umiiyak ka
dahil sa mga palo ko
Isan libong sakit din ang nadarama ko
Tinitiis upang ikaw ay matuto.Pasensya ka na anak
Kung hindi ko mabili ang mga laruang gusto mo
At kinukulang ang baryang
sa eskwela ay baon mo.
Iyan lang kasi ang nakayanan ko.
Hindi ko gustong malungkot ka
Sa tuwing ang mga bagay na nais mo
ay hindi mo makuha
At paulit-ulit ang ulam
na nakahain sa lamesa.
Huwag kang mag-alala
Mabibilhan din naman kita
Hindi lang nga sa ngayon
Pagkat hindi pa natin kaya.Pasensya ka na anak
Kung tinutukso ka ng mga kaklase mo
pagkat ako ay ganito
May hiling lang sana ako sa'yo
huwang mo namang ikahiya
kung ano ang katayuan ko
Madungis, marumi at mabaho
Di na makapag-ayos
Pagkat maghapon sa trabaho
Sana kahit minsan
Sa iyong pag uwi sa tahanan
Kahit amoy pawis
Ako nama'y iyong hagkan
Mayakap mo lamang
Upang pagod ay maibsan
Pakiusap na ikaw
ay huwag sanang mailang
Gaya ng paghalik ko sa'yo
kahit amoy araw
noong ikaw ay musmos pa lamang.Pasensya ka na anak
Kung kailangan kitang bawalan
Na makipagbarkada
sa kung sinu-sino lang
Huwang ka ding magtamo
kung ang iyong pakikipagrelasyon
ay kailangan kong tutulan
Matapos mo lamang ang pag-aaral
di na kita pipigilan
Anak ang ginagawa ko'y
hindi para ikaw ay pahirapan
Iniisip ko lamang
ay iyong kinabukasan
Patawarin mo rin ako
Kung paulit-ulit ako
sa aking mga payo
At pagdating sa umaga
parang sirang plaka ang bibig ko
Lagi mong tatandaan
na ang paulit-ulit kong pagtalak
Ay pauli-ulit ding pagpapaalala
Kung gaano ka sa'kin kahalaga.Pasensya ka na anak
Kung mapilit ako
Na makarating sa eskwelahang
pinapasukan mo
Huwag mo namang iparamdam sakin anak
Na para bang ayaw mo akong isama
at para bang nahihiya ka
Natutuwa lang naman akong
makita kang masaya sa loob ng paaralan
Ako nama'y iyong pagbigyan
Isama mo naman ako kahit minsan
Parang nang unang araw ng pasukan
Noong ikaw lamang ay grade one
Umiiyak ka
Sapagkat ayaw mong kita'y iwanPasensya ka na anak
Kung lumang blusa at saya ang aking suot
sa araw ng iyong pagtatapos
Kung wala din tayong maraming handa
di gaya ng iyong mga kaeskwela
Hindi rin ako nakabili ng regalo
pagkat kulang ang aking pera
Lahat kasi ay ipinantustos ko na
sa iyong matrikula
Gayunpaman ay salamat
pagkat nagkaroon ka ng diplomaPasensya ka na anak
kung lagi kitang kinukukulit
Gusto lang naman kitang kamustahin
Kamusta ka ba sa trabaho anak?
Huwag ka namang magalit
Kung minsan ay maglalambing ako
At humihingi kahit kunting barya
mula sa sahod mo
Minsan naman anak
kain naman sa labas tayo
Gaya nung palagi niyong ginagawa
ng iyong mga katrabaho
Gusto ko lang namang maranasan
yung maipasyal mo ako
Masarap siguro yon
sa pakiramdam?
Ilibre mo naman ako minsan anak.Pasensya ka na anak
Kung masyado akong madrama
Di ko naman gustong ipakita sayo
na ako'y lumuluha
Sa tuwing dadalaw ka sa bahay
Magtagal ka pa sana kahit ilang oras
Nang maging mas mahaba pa
ang ating kwentuhan
At nang ang aking mga apo
ay mas matagal ko pang
masilayan
Kaybilis nang araw
parang kailan lang
ikaw ay munting bata
Ngunit ngayon ay may sarili
ka ng pamilya
Nawa'y huwag kang magsawang
mahalin sila
Iparanas ang mga bagay
Na noong bata ka pa'y
hindi mo nakuha
Basta anak kapag hindi mo na kaya
Wag magdadalawang isip
na ako'y tawagain sa tuwinaPasenya ka na anak
Kung madalas na akong
magtampo
Kung kailangan
ko pang magpatulong
sa pagpasok sa banyo
Lumalabo na kasi ang mga mata
ko aking anak
Huwag mo naman akong sigawan
Kung hindi ko na mawari
ang iyong mga sinasabi
Hindi na kasi matalas
ang aking pandinig
Huwag mo naman akong pandirihan anak
Kung ako'y amoy lupa na
Huwag mo sana ako piliting maligo
Maliligo lamang ako
Kung ikaw mismo ang magsasabon sakin
Parang ikaw nung bata pa
Nilalaro pa ang bula
habang pinaliliguan kitaPasensya ka na anak
Kung may kulang man
akong hindi naipadama
Hindi man naging sapat
ang panahon upang
ikaw ay makasama
Hiling ko lamang
sa aking palisan
sa pagpikit ng aking mga mata
Nawa'y nasa tabi ka
Malungkot man at lumuluha
hangad ko'y malapit ka
Nagmamahal,
Ina.
BINABASA MO ANG
Ang Aklat na Walang Pamagat
PoetryKoleksyon ng mga tula, dagli, spoken word, sanaysay, maikling kwento, tsismis, listahan ng utang at mga....basta...magbasa ka nalang