Katapusan

1.6K 35 0
                                        


Katapusan

Lhia's POV

"Anong event yung pupuntahan natin? baka ma late na tayo doon" sambit ko sa kalagitnaan ng pagsasaya nila matapos niyang ipag sigawang asawa niya ako

"Ayy Oo nga pala baby sorry. tara na at ma le late tayo sa Auction"

"Auction?"

"Oo baby yun ang ginagawa ng mga mafia boss nga mga clan, nag A- Auction muna pagkatapos nag lalaban laban na sa gyerra pero kayong mga kawal tinatawag lang kayo pag may gyerra na" Okay na sana kasi na iintindihan ko na siya kaso lang ginawa akong kawal.

"Anong kawal? mafia ako. hindi ako kawal gago!" sabi ko sa kanya ng hampasin ko ang balikat niya.

"Aalis na kami ng asawa ko, mang fred" sambit niya sa kanyang sekretarya. habang ako namumula na dito dahil sa sinasabi niya.

AUCTION

"Nasabi ko na bang ang ganda at ang sexy ng asawa ko?" sambit niya habang nasa kotse pa kami

"Tse, bolero Hahaha!" sabi ko sabay baba ng sasakyan

"Kinakabahan ako, parang may ma gaganap na gyerra dito" sabi ko sa kanya sabay hawak ng mahihpit sa kamay niya

"Okay lang kung mang tsa tsansing ka sakin, wag kang gumawa ng alibi" sabi niya sakin ng tatawa tawa

"Langya ka!" sabi ko sabay bitaq sa kamay niya

Nagulat ako ng biglang hilahin niya ulit ang kamay ko at sinabing "Wag kang matakot, andito lang ako sa tabi mo palagi."

"Mukha namang andaming tao dito Adriano, nakakatakot mga itsura nila" sabi ko ng tuluyan na nga kaming maka pasok sa isang hall na maraming mga kalalakihang naka suit at mga babaeng naka formal

"Wag kang matakot, may gwapo kang kasama" sabi niya sakin at kinindatan niya ako. Natawa na lang ako sa sinabi niya para maging komportable ako.

"Good Day guests! welcome to this year's Auction of all Mafias" panimula ng host

Habang nakikinig kami ni Adrian dito sa mga host napansin kong may sexy na babae ang palapit saamin ni Adriano

"Hey Supremo, wanna have round 2 later?" Sambit niya

Langya kala niya hindi ko na iintindihan ibig niyang sabihin. gago naman tong si Adrian at pumapatol siya sa mga palaka sa gilid ng kalsada sa may mga kanal.

"Ace, what the hell are you talking about?" sambit ni Adrian ng naka kunot ang noo niya

nasaktan ako pero alam kong hindi naman namin mahal ang isa't isa dahil fix marriage lang naman. masakit at mabigat nga lang sa loob ko ng di ko namalayan na bumagsak na ang mga luha ko. agad akong nagmadaling pumunta sa banyo ng walang paalam kay Adrian.

"Lhia!" rinig ko ang pagtawag niya ng pangalan ko pero hindi na ako lumingon at dumiretso sa isa sa mga waiter

"Excuse me, san dito ang comfort room niyo?" tanong ko sa waiter pero tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago niya ako sinagot.

"Nasa labas ma'am diretso na lang po kayo sa exit ng hall then turn right." sabi niya

Hindi na ako nagpasalamat. tumango na lang ako at dumiretso nanaman sa exit ng hall. napansin kong madaming armadong lalaki ang papalapit sa kinaroroonan ko at naka takip pa ang mukha nila at marami sila. kinakabahan ako habang papalapit sila sakin

"Heto na ang prinsesa ng mga mafia, at asawa ni Supremo na matagal na nating kinamumu hian" sabi pa nung isa.

"Para yatang naka jackpot ang g*gong si Adrian at ang sarap ng asawa niya" sambit ng isa na dahilan ng pag tawa at pag sang ayon ng iba habang ako nag iisip na kung anong gagawin ko sa kanila

Inihanda ko ang baril kong pang emergency dahil alam kong delikado dito at kumuha ako sa isa sa mga baril ni Adrian na de kalibre ng walang paalam sa kanya.

Papalapit ng papalapit saakin ang mga lalaki habang paatras ako ng paatras. iniisip ko kung sinong una kong titirahin. naisip kong yung leader leaderan nila ang unahin kong barilin

*BANG* baril ko sa kanya sa may dibdib agad naman akong pinaulanan ng mga kasamahan niya, yung iba na iwasan ko habang yung iba tumatama na saakin. nanghihina na ako at dumidilim na ang paningin ko hinabol ko pang barilin ang lalaking babaril sana sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay

*BOOOM* yun lang ang huling narinig ko.

Ito na yata ang katapusan ko. Paalam Adrian mahal na mahal kita. Mommy, Daddy salamat po sa inyo.

The Boss Behind The Books (UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon