Transferee

1.4K 31 0
                                    


Transferee

Dustin's POV

Naglalakad ako sa hall way patungo sa locker room dahil kukunin ko ang libro ko upang mag review. Oo casanova ako pero marunong din akong mag aral.

Matapos kung kunin ang libro ko nag tungo na ako sa classroom namin habang nag lalakad tumitingin ako sa cellphone ko dahil nag text si Manong Adriano HAHAHA

Hoy gunggong na si Dustin! paki excuse sa prof si Lhia baka bagsakin siya dahil inaalagaan niya ako ngayon kasi may sakit ako alam mo na buhay gwapo may magandang nurse dapat kaya hoy ipaalam mo si Lhia sa mga P--

Hindi ko natuloy na basahin ang text ni Adrian dahil may nabangga akong babae, nagkalat lahat ng libro niya kaya tinulongan ko siyang pulotin

"Ah, pasensya ka na hinahanap ko kasi ang section A sa building na toh transferee po kasi ako pasensya na po sa abala kasi po nakaka lito ang paaralang ito kasi naman ang laki laki nito nawawala ako tapos hindi pa malaki ang mga sign kung anong section ang room" paliwanag niya

Habang nagpapaliwanag siya parang nag slo mo sa paningin ko ang mukha niya. mahabang kulot ang buhok niya kulay purple yon mataas ang pilik mata niya at ang mata niyang kulay brown ang lips niyang halatang natural pero mapula dahil bakas sa mukha niyang hindi siya nag ma make up pero maganda pa rin siya.

"Nakikinig po ba kayo?" tanong niya na nakapag balik sakin sa mundo

"H- Ha? ano yung sabi mo?" pag papaulit ko sa kanya

"Nag tatanong po ako kung anong section po kayo at kung dito sa building din po ba kayo pumapasok"

"Ah oo section A din ako tulad mo tara sabay na tayo" sabi ko sabay hila ng kamay niya hindi ko alam pero nakaka bingi ang tibok ng puso ko na halos yun na lang ang tanging na ririnig ko at ang bilis pa neto

"Sorry we're late ma'am" sambit ko habang hinihila siya

"Oh it's fine. Class meron pala tayong transferee"

"Hi everyone, ako nga pala si Clericka Arcaya" Ang ganda naman pala ng pangalan niya at ang cute ng boses niya
Ano ba tong pinag iisip ko? bakit pinupuri ko siya?

"Mr. Shayne, dahil magkasama naman kayo kanina ni Clericka, e tour mo na lang siya dito sa paaralan natin" para bang natutuwa ako dahil sa utos ni ma'am sakin ibig sabihin magkasama kami buong araw

"Masusunod po, nga pala wala po si Elhia kasama niya po si Adrian dahil may sakit ito, alam niyo na po mag asawa hahaha!" at nagtawanan kami biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang tumatawa din si Clericka ang ganda niya

*KRIIIIING*

"Okay class dismissed" sabi ng prof namin, agad namang tumayo ang seatmate kong si Clericka, Oo seatmate ko siya excited na daw siyang ma tour sa whole campus.

"Eto nga pala ang building ng kursong Criminology" sabi ko sa kanya at tinuro ang katabi naming building.

"Alam mo may kaibigan akong criminology ang kurso niya at dito sa school na toh din siya nag aaral" matapos niyang sabihin yon nagbago ang timpla ko hindi naman sa nag seselos pero ako yung kasama niyaibang lalaki binabanggit niya

"Oy! tulog ka ba palagi?" sambit niya sabay kalabit sakin

"Ha? hindi naman, tara pakilala kita sa mga kaibigan ko" hindi ko na inintay na sumagot siya at kinaladkad na siya patungo sa tambayan naming magkaibigan.

"Oy Dustin! owww may chikababes na kasama oh" panimula ni Troy pag dating namin

"Wag ka nga hindi siya chikababes bestfriend ko to kaya maging mabait kayo sa kanya ngayon lang ako nagka bestfriend ng babae" sabi ko habang hawak ang kamay niya at pinisil pisil yon

"H-Hello sa inyo" nabubulol na pag bati ni Ericka

"Anong pangalan mo?" tanong ni Ford

"Siya si Clericka" sagot ko

"Siya tinatanong pare hindi ikaw" sabat ni Troy

"Mahiyain kasi siya, cge na mga unggoy may lakad pa kami ng besprend ko" sabay tingin namin ni Ericka sa isa't isa

"Ows besprend daw? Eh kung maka tingin nag huhugis puso na ang mata" buking ni Troy

"Oo tsaka ngayon ka pa nagpakilala ng babae saamin sa dinami dami ba naman ng kinakama mo" sabat ni Ford na ikinapula ng mukha ni Ericka yumuko siya upang hindi ko mahalata yon

"Tumigil na kayo aalis na kami" sabi ko na lang at kinaladkad na si Ericka.

The Boss Behind The Books (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon