Bestfriend

1.6K 27 10
                                        


Bestfriend

Dustin's POV

Hindi ko akalaing mahal pala ni Lhia si Adrian? Hahaha! naku lalaki ulo netong lalaking to panigurado ko

"Adrian, Hindi ka mahal ni Elhia Alam mo yung salitang joke? ang ibig sabihin non ay ang pagsasabi niyang mahal ka niya"

"Langya naman pare kala ko naman ano sasabihin mo yun lang pala"

"Pre ewan ko na lang kung anong nagustuhan niya sayo?"

"Uy! Dustin!" Dinig kong sigaw sakin ni Clericka

"Oy! Clericka, tara kain tayo?" sabi ko sabay lapit ko sa kanya

"Tara" sabi niya sabay ngiti sakin ang cute lang kasi para siyang happy pill ko

"Ano gusto mo?" tanong ko habang tumitingin sa menu ng coffee shop

"Ano, Chocolate cake na lang tsaka isang coffee na mocha"

"Ah sige yun na lang din yung akin" sabi ko sa cashier na lalaking kanina pa tingin ng tingin dito sa binibining katabi ko.

"Gaya gaya ka ah AHAHAHA"

"Hindi yun gaya gaya. Tawag dun meant to be." sagot ko sabay kindat

"Ows? HAHAHAHA"

Nagtawanan lang kami sa table at parang kami yata ang pinaka maingay sa lahat ng costumers dito

"Maam, Sir. Eto na po yung order niyo" Sabay lapag nung waitress

"Thanks" sabay naming sabi ni Ericka

"Jinks!" sabay ulit naming sigaw

"HAHAHAHA" sabay naming tawa

Habang kumakain kami nag pho phone lang tong nasa tapat ko

"Hala ang cute" sabi niya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya

"Bakit? Ano meron sa phone mo?" sabi ko sabay bawi at tingin sa screen

'YOU ARE MY HAPPY PILL. YOU COMPLETE MY DAY' naka sulat sa parang notes tsaka naka calligraphy pa to

"Ano cute diyan?" tanong ko habang binibigay sa kanya cellphone niya

"La lang, marunong kasi akong mag appreciate ng efforts ng iba. Di tulad ng iba diyan" sabi niya sabay irap

Teka. Marunong kaya ako mag appreciate ng efforts ng iba. fake news yun! hahahaha

"Sino ba pinagsasabihan mo?"

"Ewan ko. Kung sino ma tamaan?"

*KRING KRING* nag beep yung phone niya

"Uy nag text yung kaibigan ko. Hinihintay niya daw ako sa school. Tara na!"

"Oh sige"

SAINT ANNE UNIVERSITY

"Cloud! kanina ka pa?" sigaw niya ng patakbo dun sa Cloud? Ata yun?

"Oo kanina pa. Miss na kasi kita" sagot naman nung cloud at kiniss si Ericka sa cheeks

"Tour kita sa school namin" Sabi ni Clericka sabay hawak sa kamay nung Cloud

*KRRIIIING*

"Hindi pwede. nag ring na yung bell pasok  na tayo sa room." sabi ko sabay hila. Eh wala na siyang magawa kaya sumunod na lang siya sa amin.

"Teka lang, diba parang wala naman tayong prof ngayon?" patay nalaman niya na

"H-Ha? Meron K-kaya" nauutal kong sagot

"Talaga? Kawawa naman si Cloud. Wala siyang kasama mag hintay dun" medyo na awa na din ako kaya

"Sige. Puntahan mo na siya" sagot kong naka yuko

Tuwang tuwa siyang tumakbo patungo sa Cloud na yun tska niyakap si Cloud.

Kahit pala pogi at campus crush ako wala pa ring makakatalo sa bestfriend.




The Boss Behind The Books (UNDER EDITING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon