Nurse

1.4K 37 0
                                    


Nurse

Elhia's POV

Nakaka pagod sa school kaya dumiretso agad kami ni Adrian sa Bahay namin upang mag pahinga.

"Ayos ka lang? sunod sunod kasi ang mga quizes at events sa school natin" sabi niya habang di tumitingin sakin dahil nag mamaneho siya ng kotse at yung akin naman pinahatid niya na kanina kay Troy.

"Ayos lang, ikaw?" Sambit ko pag lingon ko sa kanya

"Ayos naman ako pag ayos ka eh" sinikap niyang ngumisi sakin

Agad ko namang na pansin na nag jacket siya eh yung uniform namin may suit na non tapos nag a jacket pa siya kaya hininaan ko ang aircon "Giniginaw ka?" tanong ko

"Hindi naman masyado, konti lang ehem ehem" sabi niya pero inubo siya.

nakarating na kami sa bahay at agad bumaba. kinapa ko ang leeg at sintido niya upang maramdaman ang temperatura niya pero napa lundag ako sa init niya parang mag pi prito na ako sa noo at leeg niya.

"Dumiretso ka sa kwarto, mag hahanda ako ng makakain mo at gamot mo" sabi ko agad naman siyang sumunod at dumiretso sa kwarto

Ako naman pumunta sa kusina at naghanda ng makakain niya at gamot na rin at umakyat sa kwarto

"Adrian, may lagnat ka naman pala bakit hindi ka man lang nag sabi"

"Pagod lang siguro toh" sagot niya habang sinusubuan ko siya ng lugaw

"Adrian, matulog ka na agad pagkatapos mong inumin yung gamot mo kasi mag huhugas pa ako ng plato" tumango siya

"Pwede pa kiss?" agad namang namula ang mukha ko

"Baka ma hawaan pa ako ng sakit mo"

"Promise hindi, at kung mangyayari yun edi ako nanaman mag aalaga sayo" sabay kindat

"Okay" sabi ko at hinalikan siya sa lips ng smack lang
napansin kong namula kaming dalawa at sabay na yumuko sa kahihiyan

"Matulog ka na" sabi ko sakin

"Sunod ka ah" tumango na lang ako at agad na bumaba upang maghugas ng pinggan.

Tapos na akong mag hugas kaya agad akong bumalik sa itaas sinilip ko muna siya kung tulog naba ngunit nakita kong nakatitig siya sa cellphone niya kaya agad akong pumasok

"Ano yan? Share mo naman saken" sabi ko ng sinusubukang kunin ang cellphone niya ngunit huli na dahil itinago niya na ito

Inihanda ko na lang ang higaan para matulog na humiga ako sa tabi niya at tumalikod sa kanya. maya maya lang naramdaman kong niyakap niya ako dahil sa kamay niya at ang hininga niya ay nararamdaman ko na sa batok ko hinayaan ko na lang siya at natulog na pero alam ko sa sarili ko na pulang pula na ako sa kilig at hiya sa kanya.

Para naman ako netong Nurse niya pero nakaka kilig maging Nurse niya.

"My Nurse" huling dinig ko at natulog na

The Boss Behind The Books (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon