ConfessionAdrian's POV
Nagising ako ng nakita kong nakaupo sa sofa si Lhia sa tabi ng kama namin tulog siya lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge binuhat ko siya para maayos ang tulog niya at inilagay sa kama
"Matulog ka ng mahimbing" bulong ko matapos siyang ibaba sa kama
bumaba ako upang magluto ng makakain dahil pasado alas nwebe na ng gabi wala pa kaming hapunan ni Lhia nakatulog din kasi siya at medyo bumaba na ang lagnat ko
"Adrian! bakit ka tumayo! may lagnat ka" sigaw ni Lhia habang pababa siya sa hagdan
"Ayos lang wala na naman akong lagnat kaya wag ka nang mag alala Lhia." sabi ko habang nag hahanda na ng mesa upang kumain
"Baka ma sinat ka pa ako na dyan" akmang kukunin niya na ang pinggan pero nahawakan niya ang kamay ko kaya nagka tinginan kami
"Ayos lang ako Lhia, umupo ka na lang dyan hayaan mong ako ang maghanda ng hapunan natin" sabi ko sabay hawak sa balikat niya at pinaupo siya
Habang kumakain kami nakaw ako ng nakaw ng tingin kay Lhia hanggang sa nagka tinginan na kami ng tuluyan
"Anong problema Adrian?" Tanong niya"Wala naman tumitingin lang eh" sagot ko sa kanya
"Ako na ang maghuhugas netong pinagkainan natin Adrian, baka ma sinat ka kasi" sabi niya habang akmang tatayo upang hugasan na ang pinggan pero pinigilan ko siya
"Lagnat lang yon ginawa mo naman akong buntis wifey eh" sabi ko pero di siya nag papigil
"Kahit lagnat lang ma sisinat ka pa din kaya ako na dito akyat ka na. Kaya mo or tutulungan kita?" sabi niya pero mukhang gusto ko yung ideang tutulungan niya ako
"Tulungan mo na lang ako kasi baka mahilo pa ako" tumango siya at tumayo na din ako inakbayan ko siya habang ang kamay niya naka alalay sa bewang ko shet kinikilig ako sa kanya
Habang paakyat kami ni Lhia natapilok siya kaya agad ko naman siyang sinalo "Baka ikaw dapat inaalalayan ko wifey" nagmadali siyang tumayo at inalalayan ulit ako hanggang sa maka rating sa kwarto
"Maghuhugas muna ako ng pinggan"
ELHIA's POV
"Haynaku naman tong si Adriano kasi bakit pa nagka lagnat ayan naging nurse pa ako ng wala sa oras" sabi ko habang pa baba ng hagdan
"Alam mo Adrian, gwapo ka naman tsaka ngayon ko pa aaminin sa sarili ko na mahal na nga kita. Bakit? hindi ko alam? walang dahilan ang pagmamahal nararamdaman yon nahihiya akong sabihin sayo kasi alam ko namang hindi ako mamahalin ng isa sa mga casanovang si Adrian Gomez dahil isa lang naman akong hamak na mafia na nerd sa paaralan at ang dapat ko lang inaatupag ay ang formulas, essays at experiments sa umaga at patay na katawan, baril, at bomba sa gabi yun dapat ang cycle ko pero dumagdag ang lecheng puso ko nagmahal at ang mahirap don ikaw pa ang minahal. hindi tayo bagay Adrian gwapo ka panget ako mafia tayong dalawa pero nerd ako walang nakaka kilala sakin at ikaw famous ka. Kaya pasensya na kung nahulog ako sayo pasensya na kung nahulog sayo si Elhia Lyrraine Andrada" sabi ko habang naghuhugas di niya naman maririnig eh
"Hindi totoo ang sinasabi mo Elhia, Mahal kita at ang totoo niyan una kitang minahal bago mo ako minahal. Hindi totoong dapat formulas, essays, experiments, patay katawan, baril at bomba lang ang dapat mong hinaharap kailangan mo din ng kaligayahan mo. Bagay tayo maganda ka gwapo ako oo mafia tayong dalawa goals tayo nerd ka ano naman kung walang nakakakilala sayo bastat mahal ka ng taong mahal mo kung famous ako walang kinalaman yun sa pagmamahalan natin Lhia. wag kang mag sorry dahil nahulog ka sakin. nagpapasalamat ako at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka. Karma ka nga sakin ni Lord dahil sa mga babae pinaglalaruan ko noon pero ikaw ang pinakamagandang karmang nangyari sa buhay ko" parang na estatwa ako nang marinig ang tinig na yon siya yun
"Adrian?" Pag lingon ko sa kanya
"Kukuha lang sana ako ng tubig pero narinig kitang nagsasalita akala ko may kausap ka sa phone pero naalala kong nasa kwarto ang phone mo at pinakinggan kita hanggang sa matapos ka, Elhia Lyrraine Andrada mahal na mahal kita" sabi niya sabay yakap saakin
napa iyak ako habang tumutugon sa yakap niya "Adrian Gomez mahal na mahal din kita" at naghalikan kami
Ito ang isa sa pinaka masasayang gabi sa buhay ko...
BINABASA MO ANG
The Boss Behind The Books (UNDER EDITING)
RandomBeing a mafia is too hard...kaya naman ako nag aral na lang para may maka hawak ng kompanya namin..si daddy kasi eh. tsk.. di niya ako papa tuluyin sa training ng pagiging mafia hanggat di ako nag aaral..tsk! I was fixed to marry this man named ADR...