Prologue

66 3 0
                                    


Sakay sa isang lumang trycicle napansin kong medyo mataas na ang lupang dinadaanan namin at parang nakikita ko na ang lugar na halos tatlong taon ko nang hinahanap.

What if just like before, I'd fail again?

What if all of this leads to nothing just like my previous attempts?

What if...

she's not there?

Biglang natigil ang pag iisip ko ng kinausap ako ng driver ng inupahan kong trycicle.

"Naku boss pasensya na, masyado na pong masikip ang daan dahil sa mga damo, hanggang dito ko nalang po kayo maihahatid."

Malungkot na sabi ng driver na halatang pagod na rin sa pagmamaneho. Sino ba naman ang hindi mapapagod? Halos dalawang oras rin kaming nagbabyahe pataas sa bukid na 'to tsaka idagdag mo pa ang lubak lubak na daan.

Kung hindi kinakailangan I'm sure as hell I'll never step foot in this damn mountain until I die.

"Ah sige po manong. Maraming salamat. Dito nalang rin po kayo maghintay."

"Sige bossing!"

Tumango nalang ako at agad na tinahak ang makipot na daan papunta sa isang lumang mansyon.

Unang tingin pa lang halata mo nang sobrang tagal na nito at napabayaan na. Patunay na roon ang mga maliliit na sangang dumikit na sa dingding at papasok sa mga bintana dahilan para mag crack at mabutas ang mga ito.

Natatabunan na rin ng mga tuyong dahon at patay na halaman ang harap ng mansyon na pati ang gate nito ay halos hindi mo na makilala dahil sa pagkasira at sa mga dahon na gumagapang sa mga bakal nito pero kahit ganoon, masasabi kong engrande ang mansyon na ito noon.

Buong pwersa kong tinulak ang sirang gate at dahan dahang tinawid ang distansya papunta sa luma ngunit engrandeng pintuan.

Sa sobrang tahimik ng paligid ay naririnig ko na ang tibok ng puso ko, nanginginig na hinawakan ko ang seradora ng pinto at taimtim na nagdasal sabay hinga ng malamim.

This is it. Hindi ko na alam at baka totoong mabaliw na ako kung hindi pa ako magtatagumpay ngayon. So please.

Dahan dahan kong inikot ang seradora at tinulak ang pinto.

Iminulat ko ang mga mata mula sa pagdadasal at halos lumuhod ako nang masilayan ko ang kabuoan ng loob nito.

Antique vases.

Huge picture frames.

And a dirty white colored bed under a golden crystal chandelier.

I was still awestruck with everything when suddenly..

a beautiful woman wearing a traditional wear lying on the bed revealed herself from under the sheets...

"Nagagalak akong makita kang muli Ginoo..."

She softly said and smiled at me making my heart skip a beat.

An unknown hot liquid filled my eyes...

Then I thought to myself....

Finally...

After years of searching...

"Nagagalak rin akong makita kang muli... Seniorita..."

_________________________________
Unedited

Seniorita Eighteen HundredthsWhere stories live. Discover now