Seniorita 6

27 1 0
                                    

Pilipinas 1821
Claudia

"Claudia! Claudia pakiusap huwag mo akong isusumbong kay Inay!" Nagmamakaawang saad ni Melya saakin.

Paano ba naman kasi? Nakipag away nanaman ang babaeng ito! Nadatnan kong nakikipagsagutan sa anak ng isang may-ari ng kilalang Panaderya sa sentro.

"Alam mo namang ayaw na ayaw ni Manang Delia na nakikipagaway tayo Melya! Sakanya ka magpaliwanag at huwag saakin."

"Ginawa ko lang naman iyon dahil pinagkakalat niya sa bayan na binebenta mo ang iyong sarili kay Sebastiano kaya lagi iyong lapit nang lapit saiyo!" Napahinto ako sa aking narinig.

Sumusobra na talaga ang Elmiya na iyon! Napakasinungaling!

"Claudia alam mo naman kung gaano nahuhumaling si Elmiya kay Sebastiano kaya ginagawa niya ito." Bulong niya

"Ayaw ko man siyang patulan ngunit kapatid na ang turing ko sayo at ayaw kong ginaganoon ka!" Napangiti ako sa tinuran ni Melya at hinarap siya.

Seniorita Eighteen HundredthsWhere stories live. Discover now