Claudine's POV:
"I hate that arrogant guy!"
Inis kong sigaw pagkarating sa apartment. Sumalampak ako sa sofa at minasahe ang ulo.
"Oh Claud! Halika na nga dito para makapaghapunan na tayo!"
Sigaw ni Mikaela na kasama ko sa apartment. Sa totoo lang ay ayaw ko ng kasama sa apartment dahil hindi ko hilig makihalubilo sa mga tao, pero wala akong choice.
Gusto ko mang paalisin si Mikaela ay hindi pwede. Bahay niya ito. Kaibigan niya si Mikaela. At pareho lang kaming nakikitira dito. Yun nga lang, hindi yun alam ng isa.
Umupo ako sa tapat niya at kinain ang dala niyang mang inasal. Galing pa siya sa pinagtatrabahuan niyang bangko kaya bumibili nalang siya lagi ng hapunan namin.
"Anyare sa mukha mo? Lukot na lukot ah? Kulang nalang tadtarin mo sa inis yang manok." Sabi niya sabay tingin ng nagtataka.
"Wala. Wag mo nalang akong pansinin." Walang buhay kong sagot.
Hindi ako ang tipo ng tao na palakwento. Nasanay akong mag-isa at walang kaibigan noon kaya ganito ako.
"Claud, can I be honest with you? Ano bang nangyari sayo? You're not the same Claudine that I know! Exactly three years ago bigla ka nalang nag bago! You won't even talk to me kung hindi importante! Tell me what happened okay? Tell me why my best friend is gone."
Nanatili akong nakayuko pagkatapos niyang magsalita. Kaya ayaw ko ng kaibigan eh, sakit lang sa ulo. Inangat ko ang tingin ko sakanya.
"Tapos kana? Matulog kana lang at ako na ang maghuhugas ng mga plato."
Believe me Mikaela. Its not just my story to tell at kung sabihin ko man sayo ay hindi mo matatanggap.
Tumawa siya ng mapakla at umalis papuntang kwarto niya. Inayos ko ang pinagkainan namin at maya maya ay dumiretso na rin sa kwarto ko.
Staring at the ceiling somehow let me felt calm. Hindi ko maalis sa isip ko ang pinag usapan namin kanina ng lalaking iyon. When he spoke to me, I felt something strange...
Flashback...
"Buenos Dias Seniorita. Remember me?"
YOU ARE READING
Seniorita Eighteen Hundredths
Ficción históricaNang mangyari ang pinakamalaking bangungot sa buhay ni Claudia Dela Vega wala siyang ibang naisip kundi ang maghiganti. Simula ng araw na iyon ay wala nang saysay ang buhay niya. Desperada siyang pabagsakin ang mga taong nasa likod ng kanyang bangun...