Pilipinas 1815
"Ina? Kailan pa po ba babalik si Ama galing sa kanyang paglalakbay?" Saad ng batang si Claudia sa kanyang Ina habang inaayos nito ang napakagandang bulaklak sa kanilang silid.
Labingdalawang taong gulang pa lamang ang bata ngunit halatang sobra sobra ang taglay nitong kagandahan. Matalino rin siya at napakatalentado.
"Ija, ang Ama mo ay isa sa mga pinaka pinag kakatiwalaan ng gobyerno. Kaya't dapat alam mong hindi basta basta makakauwi ang iyong ama kahit gustuhin man niya."
"Kung ganoon Ina, bakit hindi na lamang tayo ang umalis dito at pumunta sakanya? Labis na po akong nalulungkot!" Sabi ng bata sabay lingon sa kanyang Inang sinusuklay na ngayon ang kanyang mahabang buhok.
"Wala po akong kaibigan at tayo lamang ang nakatira sa bukid na ito. Ina, gusto ko rin pong maranasan ang ginagawa ng mga batang ka edad ko na nasa bayan!" Halos lumuha na siya kaya naman ay niyakap nalang ni Seniora Claudina ang kanyang anak.
YOU ARE READING
Seniorita Eighteen Hundredths
Ficción históricaNang mangyari ang pinakamalaking bangungot sa buhay ni Claudia Dela Vega wala siyang ibang naisip kundi ang maghiganti. Simula ng araw na iyon ay wala nang saysay ang buhay niya. Desperada siyang pabagsakin ang mga taong nasa likod ng kanyang bangun...