Pilipinas 1821
Claudia"Saan mo ba ako dadalhin Ginoo?" Tanong ko kay Sebastiano habang hawak hawak niya ang aking kamay tungo sa lugar na hindi ko alam dahil sinabihan niya akong ipikit ko ang aking mga mata.
"Malapit na tayo binibini. Tiyak magugustuhan mo ang aking sorpresa." Ngumiti na lamang ako sa kanyang sinabi at lihim na nagalak.
Hindi talaga nauubusan ng pakulo ang binatang ito. Kaya mas lalo ko siyang iniibig bawat araw.
"Andito na tayo. Maaari mo nang imulat ang iyong mga mata." Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad naman akong namangha sa tanawin na aking nakikita.
Isang malapad na tela ang nakalatag sa ilalim ng puno na may ibat-ibang pagkain at isang gitara. Sa harap naman namin ay isang talon na sa sobrang linis ay makikita mo ang kuwebang natatakpan nito.
Kaya pala rinig ko ang malakas na agos ng tubig at ang lamig ng hangin sa paligid. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sayo binibini?"
Nilingon ko si Sebastiano at tuwang tuwa na tumango sakanya sabay ngiti ng napakatamis.
Saglit ko siyang iniwan upang pagmasdan pa ang lugar nang bigla kong narinig ang isang magandang tugtog.
YOU ARE READING
Seniorita Eighteen Hundredths
Historical FictionNang mangyari ang pinakamalaking bangungot sa buhay ni Claudia Dela Vega wala siyang ibang naisip kundi ang maghiganti. Simula ng araw na iyon ay wala nang saysay ang buhay niya. Desperada siyang pabagsakin ang mga taong nasa likod ng kanyang bangun...