Pilipinas 1816
Claudia"Seniora!! Seniora!!! Buksan niyo po ang pinto Seniora!"
Naalimpungatan ako sa sigaw ng tao sa labas ng aming tahanan. Kinusot ko ang aking mata at sinilip ang sumisigaw mula sa aking bintana.
"Mang Fredo?" Ano naman kaya ang kailangan niya saamin at kailangan niyang mambulabog ngayong madaling araw?
Mula sa aking silid ay rinig ko ang yapak nina Ina at walang iba kundi ni Manang Delia. Rinig na rinig parin ang sigaw ni Mang Fredo mula sa labas at dahil sa aking pagtataka ay sumunod rin naman ako kina ina.
Pagdating sa baba ay nanatili lamang ako sa bulwagan habang pinagbuksan naman nina Ina at Manang Delia ang humahangos na si Mang Fredo.
Isa si Mang Fredo sa mga magsasaka namin at matagal nang naglilingkod ang kanyang pamilya mula pa noong bata pa ang aking ama.
"Ano ba ang kailangan mo Fredo? Tila nagmamadali ka naman at talagang madaling araw ka pa nagsisisigaw na pumunta rito!" Tanong ni Ina sakanya.
"Seniora! Kailangan na ninyong umalis! Patay na si Senior at nasa bayan na sila!"
YOU ARE READING
Seniorita Eighteen Hundredths
HistoryczneNang mangyari ang pinakamalaking bangungot sa buhay ni Claudia Dela Vega wala siyang ibang naisip kundi ang maghiganti. Simula ng araw na iyon ay wala nang saysay ang buhay niya. Desperada siyang pabagsakin ang mga taong nasa likod ng kanyang bangun...