Seniorita 9

33 2 0
                                    

Pilipinas 1822
Claudia

"Magandang umaga rin saiyo Binibini." Nakangiting tugon nito saakin ngunit kita ko sa kanyang mga mata na mayroon siyang lihim na iniisip.

"Ikaw na ba ang sinisinta nitong aking unico hijo?" Dagdag na tanong nito sabay lingon Kay Sebastiano.

Bakit? Paano nangyari ito? Paanong nangyari na ang aking sinisinta ay siyang anak ng aking taong matagal nang kinamumuhian!?

Patuloy na nanlalamig ang aking katawan. Ramdam ko rin ang galit na matagal ko nang ibinaon. Kinuyom ko ang aking mga kamay na nanginginig.

"Opo Ama. Ito po ang aking minamahal na kasintahan, si Claudia Parso." Nakita kong mas lumapad ang ngisi ng lalaking nasa harap ko.

"Mawalang galang po mga Ginoo ngunit biglang hindi naging maganda ang aking pakiramdam." Maaring kabastusan ang aking naging tugon ngunit hindi ko na maatim ang pangyayaring ito.

Nilingon ko si Sebastiano at yumuko na tanda ng paghingi ng paumanhin. "Patawad Ginoo ngunit kailangan ko nang umalis."

Pagkatapos kong magpaalam ay agad na akong umalis sa aming kinatatayuan. Rinig ko ang tawag ng kasintahan ngunit hindi ko na ito pinansin pa at tumakbo na lamang.

Seniorita Eighteen HundredthsWhere stories live. Discover now