Kabanata 04
"Iyan ba ang lalaking tinutukoy mo binibini?" Seryosong wika ni Tapong habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. Napalunok na lamang si Rizelkei dahil sa kaba.
Nagkaroon ng halos isang minutong titigan na naganap kina Tapong at Rizelkei na tila ba may ipinapahiwatig na kakaiba sa isa't isa. Nagtataka namang humarang sa kanila si Bernard na ngayon ay kinukumpas na ang sa hanging namamagitan sa dalawa.
"Brad, okay ka lang?" Tanong nito habang nakangiti. Tila bumalik naman sa diwa si Tapong na unti-unting binaling ang atensyon sa binatang mas maputi pa sa kanya, sa binatang iniisip niyang napupusuan ng dalagang kanyang kailangan, si Bernard.
"Ano ang okay?" Seryosong tanong nito kay Bernard dahilan kung bakit magtaka ito. Agad namang kumilos si Rizelkei at humarang sa kanila.
"Ah eh, siya si Tapong at medyo wala pa sa sarili. Tapong, siya naman si Bernard, kaklase ko."
Humagikhik ng mahina si Bernard nang marinig ang pangalan ni Taptap. Marahil ay natawa ito dahil sa makalumang pangalan na narinig.
Namula naman bigla si Tapong, senyales na siya ay naiinis dahil sa reaksyong ipinapakita ng binata sa kanyang harapan.
"Uhm, tara sa loob Bernard, gawin na natin ang report." Napatingin si Tapong sa kamay ng dalaga na ngayon ay hinawakan ang kamay ni Bernard, nakaramdam siya ng damdaming nag-aalburuto sa selos ngunit mas pinili niyang magtimpi.
Nang makapasok na ang dalawa sa loob ay biglang sumara ang pinto, dahilan kung bakit tinitigan niya ito ng halos limang minuto.
"Ang binibini ay may mahal ng iba..." Mahina niyang bulong sa sarili at bumagsak ang kanyang balikat. Napapikit na lamang siya at lumunok. "Subalit hindi ito pwedeng mangyari, kailangan niya munang mahulog sa akin nang sa gayon ay magtapos na sa masayang wakas ang lahat..."
Umihip ang mahina at banayad na hangin sa saliw ng mga sinag ng araw na ngayon ay unti-unti nang lumulubog. Dinama niya ang bawat sensasyong namumutawi sa kanyang pandama at huminga ng malalim.
"Taptap! Tara dito, tulungan mo ako saglit."
Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa gate. Pinilit niyang ngumiti nang makita ang nanay ng dalaga na kanyang iniisip.
Nagsimula na siyang maglakad patungo rito at binitbit ang bayong na naglalaman ng mga kakaning ibebenta. "Ilalako natin iyan sa kahabaan ng sitio na ito. Ayos lang ba sa iyo iho?"
Mabilis namang tumango si Tapong. "Opo, wala pong problema sa akin ito." Ngumiti siya at nagsimula nang maglakad. Gayundin ang ginawa ng ginang na ngayon ay nagsisimula nang sumigaw upang mang-akit ng mga mamimili.
Habang naglalakad ay hindi niya naiwasang mapatingin sa paligid. Iba kasi ang mga ito sa kanyang paningin. Ngayon lang siya nakakita ng bahay na gawa sa bato, mga taong nakasuot ng magagandang kasuotan, mga nagtataasang tahanan, bakod na gawa sa bakal at pininturahan sa iba't ibang disenyo, mga obrang nakapinta sa bawat pader, tindahan na may sari-saring paninda, at mga pagkaing hindi pa niya natitikman.
Iba.
Ibang iba ang panahong ito sa kanyang kinagisnan.
"Ay shems! Ang gwapo naman n'un! Tara bili tayo para makausap natin siya." Lumapit ang limang babae sa kanya na maiikli ang suot. Napatingin naman siya sa mga ito. "Pabili po ng suman."
"Kutsinta naman po ang akin."
"Isang bugkos po ng puto."
"Ginataang bilo-bilo naman po ang akin."
Napangiti ang ginang dahil sa mga mamimiling lumapit sa kanya. Mas dumami pa ito nang lumipas ang isang minuto!
"Uhm.. Kuya? Anong pangalan mo?" Tanong ng isa sa kanya, napangiti naman siya nang matamis.
BINABASA MO ANG
That Guy From 1458 (Completed)
FantasyAno ang gagawin mo kung bigla na lang susulpot sa harap mo ang isang lalaki at sasabihin sa'yong nagmula siya sa taong 1458? ** Highest Rank (Category: Alamat) #1 (May 23,2018) #1 (May 25,2018) #1 (June 17,2018) #1 (June 22,2018)