Epilogo

1.4K 42 2
                                    

Epilogo

Minulat ni Rizelkei ang kanyang mga mata at sa kanyang pagmulat, tumambad sa kanya ang kisame ng sarili niyang kwarto.

Mabilis siyang bumangon at humikab. "S-sandali? Umaga na? P-pero paano---" Agad siyang tumayo at tumakbo patungo sa kanyang bintana. Kitang kita ng kanyang mga mata na nakatayo siya sa sarili niyang kwarto, sa sarili niyang tahanan.

"Nanaginip lang ba ako? Teka? Ano bang nangyari?" Muli niyang wika at umupo sa kama. Inisip niyang mabuti ang huling kaganapan na kanyang naranasan...

At iyon ang nakasama sa huling pagkakataon si Taptap.

Mabilis niyang sinuyod ang daan palabas ng kanyang kwarto. Sumalubong pa sa kanya ang kanyang kapatid na si Riko na nagkakape sa sala ngunit hindi niya ito pinansin. Sinuot niya ang kanyang tsinelas at kumaripas ng takbo patungo sa kubo kung saan namalagi si Tapong.

Ngunit nanlumo siya nang makitang nakakandado ito. Pinili niya pa ring kumatok dito upang tawagin ang binatang nais makita ng kanyang mga mata.

"Tapong? Tapong! Buksan mo 'to, kausapin mo ako! Kausapin mo ako!"

Walang sumagot, dahilan kung bakit siya'y nainis at mapikon, dahilan kung bakit pilit niyang sinipa ang nakasaradong pinto.

"Taptap! Tapong! Ano ba! Lumabas ka riyan! Kausapin mo ako! Kausapin mo ako!"

"Anak? Ano bang isinisigaw mo riyan?" Wika ng kanyang ina sa kanyang likuran. Napahinto naman siya at agad na humarap sa nanay.

"Nay! S-si Taptap, k-kailangan ko siyang m-makausap..." Nanginginig niyang tanong subalit kumunot ang noo ng kanyang inay. "Nay? Bakit?"

"Naguguluhan ako sa iyo anak, sino bang Taptap ang sinasabi mo?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig iyon. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. "Hindi mo kilala si Taptap? Siya po 'yung lalaking dinala ko dito! 'Yung nanirahan sa kubong ito dahil pahuhupain muna niya ang tensyon ng Pinatubo---"

"Anak, hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Pero nay!"

"Riko!" Tawag ng nanay, agad namang lumabas ang bata sa bahay.

"Bakit po?" Tanong nito.

"Pakikuha ang susi sa taas ng divider, 'yung susi ng kubong ito nang matauhan ang ate mong ito."

Muling pumasok si Riko sa loob upang sundin ang utos nito. Napayuko naman ang dalaga dahil hindi siya mapakali sa mga nangyayari sa kanya. Hindi pwedeng mangyari ito, hindi dapat siya iwan ni Tapong ng ganon-ganon lamang.

"Nay, ito po." Inabot ni Riko ang susi, agad namang binaling sa kanya ng ate ang atensiyon.

"Riko? Saan si Taptap? Nasaan siya?"

"Huh? Sinong Taptap ba ang tinutukoy mo ate?"

Bumagsak bigla ang kanyang mundo dahil sa narinig, waring pinagsakluban ng langit at lupa, bakit wala ng nakakakilala sa lalaking lubusan niyang minahal?

"Pero---" Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi dahil binuksan na ng ina ang saradong pinto ng kubo. Agad silang humarap doon at sabay na nagtakip ng ilong dahil sa makapal na alikabok na sumalubong sa kanila.

Dahan dahan silang pumasok doon. Umaasa siyang makikita niyang nakahiga doon si Tapong ngunit iba ang kanyang nakita--- mga bagay na luma at sira lamang ang nandito. Puno pa ng agiw ang kisame.

Dahil dito ay hindi na niya napigilan ang kanyang luha. Bumalik na sa dati ang dating anyo ng kubong ito kung saan ay tila hindi nanirahan ang lalaking kanyang minamahal.

That Guy From 1458 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon