Kabanata 09 (Ang Huling Kabanata)
Saka pa lang nakauwi si Rizelkei nang sumapit ang alas otso ng gabi. Hinintay pa kasi niya 'yung susundo kay Bernard dahil ayaw niyang usigin siya ng konsensiya kapag may nangyaring masama dito.
Mas pinili niyang manghiram na lamang ng pera kay Bernard at nag-commute sa tricycle mag-isa, kaya naman pagdating niya sa tahanan ay isa isa siyang tinanong ng kanyang pamilya. Ngunit iisang tao lang ang hinahanap ng kanyang mata nang makatuntong siya sa sahig ng sala.
"Nasaan si Tapong?" Tanong niya kay Riko.
"Ayun, nasa kubo ate, nakatulog yata kakahintay sa'yo."
Dahan dahan na lamang siyang napatango bilang tugon. Inaya siya ng kanyang ama't ina upang kumain ng hapunan ngunit tumanggi siya, ikinuwento niya na nakakain na siya sa bahay ng kaniyang kaklase at doon nagpatila ng ulan kahit hindi naman. Pinili niyang magsinungaling upang hindi na magtanong pa ang mga ito.
Pagdating sa kwarto ay mabilis siyang nagbihis. At dahil gawa na ang kanyang mga takdang aralin, humilata na siya sa kanyang kama.
"Mahal na nga siguro kita binibini... Mahal na mahal... Gosh! Ganun din ang sinabi sa'kin ni Tapong! Parehas na parehas sila!" singhal niya habang nakatingin sa kisame at napasabunot sa sarili.
Isa... Dalawa... Dalawang oras ang lumipas ngunit malinaw pa rin sa isip niya ang mga nangyari. Mula sa pagyakap at pagsambit ng mga salitang iyon ay parehas. Hindi niya naiwasang takasan iyon kahit anong pilit niya kaya kahit nais ng magpahinga ng kanyang katawan ay hindi manlang siya madalaw ng antok. Kahit na humilata, tumagilid, tumihaya... Mulat pa rin ang kanyang mata sa reyalidad.
Dahil sa inis ay kusa siyang bumangon at pumunta sa kusina upang uminom ng isang tasang tubig. Pagbalik niya sa kwarto ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nang makitang may bumabato ng batong maliliit sa bintana.
Agad naman siyang tumakbo patungo doon at binuksan ang bintana. Nakita niya mula sa ilalim si Tapong na ngayon ay nakatsinelas, suot ang basketball jersey ng ama at white t-shirt na may tatak na "Kiss Me" sa gitna. Paniguradong bigay sa kanya ito ng kanyang tatay.
"Magandang gabi binibini..." Nakangiting sambit ni Tapong at binitawan ang mga maliit na bato sa kamay. Napakunot noo naman siya.
"Bakit ka nandito?"
"Wala lang binibini. Nais ko lamang makita ang iyong mukha na mas maganda pa sa ningning ng mga tala sa kalangitan."
Lihim na napangiti ang dalaga nang marinig iyon. Nagmistulang bulaklak ang mga salitang iyon na nagpatibok ng kanyang puso.
"Siya nga pala, bakit ika'y ginabi na ng uwi?"
Napaisip naman siya at tinukod ang mga braso sa bintana. Naisip niyang hindi dapat malaman ni Taptap na nagpatila siya ng ulan kasama si Bernard sa isang mamahaling restaurant.
"Nagpatila lang ako ng ulan, tumuloy muna ako sa kaibigan ko panandalian."
"Ahh..." Tumango tango si Tapong. "Ako pa naman ay nag-alala dahil hindi ka naman talaga ginagabi sa iyong paaralan. Subalit malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Bathala dahil nakauwi ka ng ligtas."
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga nangyari ngayong araw hanggang sa mapagpasyahan na nilang matulog. At dahil nawala na ang kaninang bumabagabag sa isipan ng dalaga ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.
--
SABADO ng umaga. Sa umagang ito ay gagawin pa rin naman niya ang kanyang gawain, ang magpaligo at magpakain ng mga alagang baboy.
BINABASA MO ANG
That Guy From 1458 (Completed)
FantasyAno ang gagawin mo kung bigla na lang susulpot sa harap mo ang isang lalaki at sasabihin sa'yong nagmula siya sa taong 1458? ** Highest Rank (Category: Alamat) #1 (May 23,2018) #1 (May 25,2018) #1 (June 17,2018) #1 (June 22,2018)