Kabanata 06
"Tingin mo ganun lang kadali sa akin ang magpatawad sa'yo?" Galit na wika ni Rizelkei at hinagis sa pagmumukha ni Bernard ang bouquet ng rosas. Nanlaki naman ang mga mata ng binata dahil sa inasta nito.
"I thought---"
"Hindi ganun kadali, Bernard, ang akin lang kasi, huwag mo akong gawing tanga. Dahil ba sa gusto kita ay iniisip mong mas mapapadali ang mga gagawin mo? Ano ka? Parasite? Hindi ako bobo para hindi ko maisip na sinadya mo talagang hindi makigulo sa klase para maghanap ng parter. Kasi alam mong ako lang ang matitira dahil absent n'un ang bestfriend ko. Tapos ano? Nung nandito ka kahapon ay panay text ka sa Jenni mo samantalang ako ay nababaliw na kakahanap ng ideas. Aba'y huwag ganun! Puma-parasite ang tawag doon."
"But---"
"Hindi mo na kailangan mag-explain pa dahil malinaw na sa'kin ang lahat. Sasabihin ko na lang kay Ma'am na mag-iindividual na lang ako. Tapos ang usapan."
Agad siyang tumalikod at hinabol ang naglalakad na si Tapong. Napamura na lang siya ng mahina dahil um-epal pa ang Bernard na 'yun sa ine-enjoy niyang away-bati portion ng sinaunang binata.
"Uy! Tapong!" Tumabi siya sa binata nang maabutan niya ito, hinawakan ang kamay at hinarap sa kanya.
Nabigla na lang siya nang makita ang walang ekspresyon nitong mukha.
"Oh? Bakit? Bakit mo ako iniwan doon?" Tanong niya. Tiningnan naman ni Tapong ang kanyang mga kamay na waring may hinahanap.
"N-nasaan ang mga rosas?"
Napakibit balikat ang dalaga. "Ayun, binalik ko sa kanya."
"Ngunit, bakit mo naman binalik?"
"Kasi... Hindi ko naman makakain 'yun."
Walang ano ano'y sumilay ang napakagandang ngiti sa labi ni Tapong. Napatulala naman ang dalaga at bumilis ang tibok ng puso nito.
"Mabuti!" Sigaw ni Tapong kaya nabigla ang dalaga. Napahawak pa mismo siya sa kanyang dibdib!
"A-anong mabuti?"
Nilapit ni Tapong ang kanyang mukha nang bahagya sa dalaga at mahinang sumagot.
"Sapagkat ako'y nagseselos binibini. Nagseselos ako sa tuwing iniisip ko na siya ang pinupusuan mo. Ngunit."
Lumayo ng bahagya ang dalaga at napapikit pa ng kaunti. "Ngunit ano?"
"Tingin ko'y iba na ang napupusuan mo... Tama ba ako aking binibini?"
"A-ang k-kapal... H-hindi a-ah!"
"Ngunit bakit ika'y nauutal? Hahaha!"
Muling siyang napatulala nang marinig ang nakakaakit na tawa ng binata. Sa puntong ito ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, tibok na ngayon pa lamang niya nararamdaman.
"E-ewan ko sayo Tapong."
Tawa pa rin ng tawa ang binata. "Ewan ko rin sa'yo magandang binibini, hahaha!"
Umirap na lamang siya sa kawalan at kumuha ng mga pera sa bayong. "Tara, kain nga tayo sa tindahan." Mabilis namang tumango ang binata at agad na nagtungo sa pinakamalapit na tiyangge kasama ang minamahal niyang binibini.
--
KINAUMAGAHAN ay napagpasyahan ng pumasok ni Rizelkei, bahala na lang daw kung makita niya doon si Bernard.
"Magandang umaga binibini!" Bungad ni Tapong nang lumabas siya ng pinto habang inaayos ang dalang bag.
"Magandang umaga rin." Nakangiti nitong sagot.
BINABASA MO ANG
That Guy From 1458 (Completed)
FantasyAno ang gagawin mo kung bigla na lang susulpot sa harap mo ang isang lalaki at sasabihin sa'yong nagmula siya sa taong 1458? ** Highest Rank (Category: Alamat) #1 (May 23,2018) #1 (May 25,2018) #1 (June 17,2018) #1 (June 22,2018)