Chapter 12: Combat Lesson

37 4 0
                                    

Author's Note:
Anthony and Airo at the multimedia

Greene's POV

Pag kamulat ko may naamoy akong mabango, galing sa kusina eh baka may nag luluto teka anong oras na ba? 6:00 pa lang pala, baka nag luluto si Lorraine eh hindi naman marunong mag luto si Aira, maski ako kaya lagi lang kaming nabili sa cafeteria, makababa na nga lang sa kusina.

Pagkababa ko nakita ko agad si Lorraine na hinahanda yung pagkain.

"Lorraine tulungan na kita diyan."
nakangiti ko namang saad sa kanya

"Ah osige paki kuha na lang yung iba sa kusina." nakangiti niya ring tugon.

Pagdating ko sa kusina nakita ko ang mga niluto niya, merong fried rice na may itlog tapos sunny side up na itlog, meron ding bacon, hotdog, at ham.

Nagliwanag naman ang mata ko na makita ko itong lahat, grabe ngayon na lang yata ako makakakain ulit ng masarap na pagkain, masarap naman yung pagkain sa cafeteria pero mukhang mas masarap yung kay Lorraine at isa pa yung plating parang pang chef eh, kainggit naman buti pa siya marunong mag luto, papaturo nga ako next time.

Agad ko naman itong dinala sa kusina at nakita ko na din si Aira (Airalyn pinaikli lang) na nag titimpla ng kape, baka ginisng siya ni Lorraine o baka naman ginising siya ng amoy ng breakfast hihihihi.

Umupo na kami sa lamesa para kumain ng biglang may kumatok.

Tok tok tok

"Ako na mag bubukas." Inis na turan ni Aira hahaha kukuha na kasi dapat siya tapos biglang may kumatok

Agad niya naman itong binuksan at bumungad sa amin ang mga lalaking royalties.

"Oh ano ginagawa niyo dito?" mataray na tanong nito kaila Anthony at kasama din pala nila si Nicho

"Pupunta na dapat kami sa cafeteria para mag breakfast kaso naisipan naming puntahan kayo para sabay sabay na." tugon naman sa kanya ni Andrei

"Ah di na kami mag brebreakfast dun, heheh kasi andito na si Lorraine tsaka nag luto na siya eh." nakangiti namang turan ni Aira

"Ah ganun ba edi tara na." masaya namang turan ni Anthony

"Anung tara ka diyan." pag tataray
naman sa kanya ni Aira

"Edi makiki kain sa inyo ano pa ba?" hyper naman na tugon ni Anthony  na may halong sarkastiko.

"Pg katalaga kahit kailan" inis namang tugon ni Aira sa kanya

"Guys tama na yan kumain na lang tayong lahat, baka malate pa tayo eh." awat naman sa kanila ni Lorraine

"Hmpph." inis na turan naman ng dalawa.

Hay naku talaga tong dalawang to kahit kailan parang aso't pusa, di ako mag tataka kung mag katuluyan sila diba sabi nga nila 'the more you hate, the more you love' hays makakain na nga lang.

Lorraine's POV:

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nag lakad patungo sa classroom.

Nasa hallway na kami ngayon at di ko maiwasang mailang dahil sa mga bulung bulungan nila pati na rin ang mga tingin nila may ilang masama at may ilang tingin namang parang namamangha.

"Ang ganda niya talaga at ang lakas pa." Girl 1

"Oo nga bess eh idol ko na siya." Girl 2

"Hayys ang ganda talaga ng idol ko Miss Lorainne be mine." saad naman ng isang lalaki na taga ibang section.

"Shut up."  cold na saad naman ni Nicho Fire Boy sa kanila, seriously ano problema nito kahapon pa to ha.

Majica Enchantria Academy: School of Magics (Temporarily On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon