THE FIRST WEDDING ANNIVERSARY

7.4K 92 17
                                    

Jiang Chen's POV

"Bye, Doc!"

Sa wakas, makakauwi na rin. Maaga pa naman kaya ibinili ko ng flowers ang aking asawa at nagpareserve na rin ako ng table sa isang private hotel. It's our first wedding anniversary.

Sa buhay ko, thankful ako na hindi ko napalampas ang pagkakataon na mahalin si Xiao xi. Bukod kina mama at sa kapatid ko, siya ang babaeng nagbibigay buhay sa bawat minuto ng existence ko.

Nag-drive na ako papuntang bahay habang tumutugtog sa stereo ang boses ng misis ko na kinakanta ang How much I like you, you'll know it. Kahit sintunado siya, ayos lang. Para sakin, pinakamaganda ang boses niya. Full-effort ang pagkakanta niya tulad no'ng dati.

"Wait for me ... " ang sabi ko sa aking asawa na nasa kabilang linya.

"Okay. May sasabihin din kasi ako e. Uwi ka na ha, dalian mo." Miss mo lang ako e.

"Oo. I love you", ewan pero minsan ko lang 'yun masabi sa kanya kaya medyo ilang segundo ring natahimik kaming dalawa. Nahihiya pa rin kasi ako. Hindi pa rin nasasanay.

"Okay." pagkatapos ay binabaan niya na ako ng telepono.
Saan na 'yung I love you too, Doc ko?

Sa wakas, kalahating minuto pa ay nakarating na rin ako ng bahay.
Si Xiao xi mismo ang hinayaan kong magplano ng desinyo nito.

Bakit bukas yata agad ang gate at pintuan ng front door? Nakakapagtaka.

Pumasok na ako sa loob at hinanap ang aking asawa.

"Xiao xi... "

Ngunit walang sumasagot. Tanging malayang gumagawa ng ingay sala ay 'yung bukas na tv.

Hinanap ko siya sa kuwarto ngunit wala ito roon. Tatawagan ko sana kaso naiwan pala sa sasakyan ang cellphone ko.

Babalikan ko na sana iyon nang mapatigil ako sa paghakbang dulot ng news report sa tv.

"Isang aksidente po ang nangyari sa pagitan ng alas sais at alas siyete ng gabi sa XXX Street na involve ang sikat na Doctor ng XXX hospital na si Mr. JIANG CHEN... Hindi pa alam sa ngayon ang kalagayan ng nasabing doktor." Teka, lang...

Para akong naestatwa sa napanood.

Ilang minuto ding pinoproseso ng utak ko ang nakikita at naririnig ko mula roon.

'Yung kulay asul na sasakyan...

Na yuping-yupi.

Hindi ito totoo.

Hinihintay pa ako ni Xiao xi.

Wala sa huwisyo akong lumabas ng bahay at hinanap ang nasabing sasakyan ngunit wala ito sa aming garahe.

Shit!

'Yung pawis, kaba at kung anong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko ay hindi ko mapigil.

Umabot ako sa punto na pinapara sa daan ang bawat sasakyang tumatakbo ngunit walang gustong huminto para sa akin.

Gabing-gabi na, kailangan ko na makita ang asawa ko!
Naglakas-loob akong pumunta sa gitnang kalsada para may huminto at pasakayin na ako.

Sa wakas meron nga.

"Manong, sa XXX Hospital po." Tiningnan lang ako ng driver habang nasa gitna ako at may lumabas na pasahero mula sa taxi nito.

Ngali-ngali ko itong murahin dahil parang nakatingin lang ito sa hangin...

"Manong, pasakayin n'yo ho ako, ano ba!" Halos magwala na ako doon ngunit, pinaandar lang ng driver 'yung minamaneho nito na nagpabagal nang lahat sa'kin, halos tumigil ang tibok ng puso ko nang sagasaan niya ako.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon