Xiao xi's Distant POV

554 14 0
                                    

Jiang Chen, nandito ako.
Nararamdaman mo 'ko, tama ba?
Gumanti ka naman nang yakap o.

Sa pagtulog mo ba ngayo'y ako pa rin ang iniisip mo o 'yung babae kanina?
May balak ka bang kilalanin siya dahil sa kamukha ko siya?
Ano bang nasa isipan mo?
Alam ko na namimiss mo ako nang sobra.

Sa pagtulog mo ba ngayo'y ako pa rin ang iniisip mo o 'yung babae kanina? May balak ka bang kilalanin siya dahil sa kamukha ko siya? Ano bang nasa isipan mo? Alam ko na namimiss mo ako nang sobra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nais kitang dalawin sa panaginip nang sa gano'n maibsan kahit papaano ang lungkot mo.
Sa totoo lang Jiang Chen, gustung-gusto kong bumalik, kalabanin ang kalangitan at ang mga humahabol sa akin pero pagod na ako sa kakatakbo at sa pagtatago.

Alam kong bilang na lang ang suwerte ko bilang kaluluwa dito sa lupa. Kapag naiisip ko 'yun ayaw kitang iwan. Ayokong sumama sa kanila dahil hindi ko pa rin natatanggap na wala na ako.

Hindi na kita mahahainan ng almusal, madadalhan ng pananghalian, meryenda at maipagluluto ng panghapunan.
Marami akong plano para sa atin, Jiang Chen na hindi na maaaring matupad.

Alam na alam mong mahal na mahal kita, kaya kung makakatulong ang babaeng 'yun na bumalik ang sigla mo, handa akong pakawalan ka na.

Gusto ko lang sumaya ka na ulit... gaya nang dati.
Huwag ka mag-alala, iindahin ko ito pero hindi nang matagal, pangako.

Masasaktan ako pero kinakailangan kitang palayain... Mula sa sakit.

Ipangako mong magmamahal ka ulit, hindi man kasingtindi nang naging pagmamahal mo sa akin, ang nais ko, tumibok muli ang puso no sa iba kahit hindi na sa akin.

Iiyak ako pero magiging masaya para sa'yo. Kailangan mong patuloy na mabuhay at ako naman, kailangan kong tahakin ang daang para sa akin.
Mahal na mahal na mahal kita.

Hanggang sa muli nating pagkikita.
Hihintayin kita, una, huli at tunay kong pag-ibig.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon