FUNNY ALSB FANFIC

896 12 1
                                    

Note: Ito lang muna ha bawal ang reklamo dito dahil oras na magreklamo kayu ipapadala ko kayo sa bahay ni Yi Tian lululul guys if you wanna try a chinese app for language learning kanina ilang oras akong babad sa HelloChinese as in super kyut at matututo ka talaga kahit na umaatras talaga ang dila ko gaya nang walanghiya mong ex chaar at guys mainit na talaga ang ulo ko dito sa cp ko na piniga at nilabhan ko na kanina dahil ewan hay... Ge. Sana tumawa kayu o maiyak sa fanfic na ito.

X i a o x i
Hindi ko talaga maintindihan,
Purong pilipino naman ako ngunit ako lang yata ang may pangalan na pang-alien. 😒 Kasalanan talaga ito ni mudra.

Ramos, Xiao Xi.

O, hindi ba? Hindi magkatugma ang apelyido at pangalan. Sana man lang, Lilian, Charlotte etc. Sabi ni mama nakuha niya daw ang pangalan ko sa isang Chinese drama😌
Sobrang magkaiba kami ng character ng babaeng bida. 😒
Ayoko sa lahat yung papansin. Nireject ko na siya at lahat, wala pa rin.

J i a n g C h e n

Hi. Ako nga pala si Jiang Chen Federal.
Gusto ko ang aking pangalan , tipong kauri ni Jackie Chan. Si mama mismo ang pumili nito para sa guwapong tulad ko. 😊
Nakuha niya sa isang drama. Ang nakakatawa lang ay kaugali ko yung bidang babae imbes na yung lalake. Madalas akong tawaging bakla ni Xaio Xi. Ang sama niya saken😢 kras ko pa naman siya... parang kami yung baliktad na bersyon ng drama na 'yun.
Kasi ako, ang habul nang habol kay Xiao Xi.

ITO ANG AMING KUWENTO...

Jiang Chen: Gusto kita, Xiao Xi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jiang Chen:
Gusto kita, Xiao Xi.
Xiao Xi: Hindi kita gusto!
Jiang Chen: Ang brutal mo naman, paano mo narereject ang gwapong tulad ko? At saka, talaga bang ginaya mo ang sagot ni Jiang Chen sa drama na 'yun ha?
Xiao Xi: Kung wala ka ng sasabihin, alis na ko.
HIndi ako nanonood ng lumang drama na yun. Natural na kinukuwento yun ni mama sa'kin.
Jiang Chen: Eh, kasi nga, malay natin, sabi ni tita, tayo ang magkatuluyan.
Xiao Xi: Nakatulog ka ba kagabi?
Jiang Chen: Oo naman!
Xiao Xi: Akala ko kasi, kahit tirik ang araw, binabangungot ka.
Jiang Chen: Ang sama mo!
Xiao Xi: Tagal na. Hindi ka na nasanay.
Jiang Chen: Bakit ang layo mo sa karakter ni Xiao Xi? Ang sweet niya tapos ikaw...
Xiao Xi: Ang ingay mo.

Jiang Chen: Hoy, hintay! Naman o!

J i a n g C h e n
Jiang Chen: Gustung-gusto ko talaga si Xiao Xi e, kaso ang manhid niya. Para akong bato sa paningin niya. Siguro dahil simple lang akong lalake. Ano kaya kung sumali ako bilang Mr. Campus 2034? Baka sakaling magkapuwang na ako sa paningin ni Xiao Xi. Umaasa ako na uumpisahan niya na akong gustuhin. Hindi ko talaga maintindihan ang mga mata at ang puso ko e, laging siya ang hanap. Naiinis ako kapag may ibang lumalapit sa kanya.
😔 Sabi naman nila, pang-artista yung mukha at height ko. Alam n'yo ba kung anong sinabi ni Xiao Xi nang sinabi ko iyon sa kanya?
Malabo daw dahil sa kanya pa nga raw hindi na ako pasado. Akala naman niya! Ang ikli kaya ng mga binti niya! Tapos ang liit ng ilong! Tapos... cute kapag naka-dress!😔 pinagtataksilan talaga ako ng puso ko e kapag siya na ang usapan. Paano ko kaya siya mapapaibig?
Gusto ko sanang gayahin yung bida talaga na si Jiang Chen. Yung tipong siya naman ang magkakandarapa sa akin. Pero parang anlabo e. Lalo na ngayong sasali siya sa Ms. Campus. May taga-iba pang school na dumadayo sa eskuwelahan namin para lang makita siya. Ang hangin talaga ni Xiao Xi. Parang nasa dugo na talaga niya ang magpahirap ng mga lalaki. Lahat rejected. Siguro, ginawa niya yun dahil may sekreto siyang pagtingin sa'kin. Hahaha.
Ikaw Xiao Xi, ha. May lihim ka pala.😊

Jiang Chen: Mukhang madami kang loveletters, ah!Xiao Xi: Uh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.
.
.
Jiang Chen: Mukhang madami kang loveletters, ah!
Xiao Xi: Uh.
Jiang Chen: Binabasa mo ba lahat ng ibinibigay sa'yo?
Xiao Xi: Um.
Jiang Chen: May ibibigay ako sa'yo mamaya.
Xiao Xi: Huwag na.
Jiang Chen: Ikaw naman, parang hindi tayo close
Xiao Xi: Anong sabi mo?
Jiang Chen: Kako, close tayo...
Xiao Xi: Talaga? Parang hindi ko alam yan, a!
Jiang Chen: Habang hindi pa ako napapagod Xiao Xi, dapat pahalagahan mo na ako ngayon.
Xiao Xi: Lalabas ka ba mamayang gabi?
Jiang Chen: Oo!
Xiao Xi: Mainam yan. Bilog ang buwan. Baka magising ka na.
Jiang Chen: Xiao Xi, Bakit mo ako sinasaktan nang ganito?
Xiao Xi: Ganito na ako e. Kaya nga ang sabi ko, wala kang mapapala sa akin
Jiang Chen: Pero ikaw lang talaga ang gusto ko...
Xiao Xi: Pero hindi kita gusto...
Jiang Chen: Pero gusto kita...
Xiao Xi: Kung ganun, tigilan mo na.

Note: Teacher kasi, (TEACHER HU/ HU YI TIAN😂 TEACHER SHEN/ SHEN YUE)

Jiang Chen: Hindi man lang naaappreciate ni Teacher Ramos, Xiao Xi ang mga effort ko. Titigilan ko na lang kaya? Ako lang naman sa aming dalawa ang dehado.😔
Mommy: Nak, may napupusuan ka na ba? Pansin ko na matamlay ka nitong mga nakaraang araw...
Jiang Chen: Wala, Ma. (BROKEN-HEARTED lang).

...
Jiang Chen: Subukan ko kayang ibaling ang pagtingin ko sa iba?
Tama... Kahit masakit tanggapin. Uunti-untiin kong pakawalan ang nararamdaman ko.
...
Xiao Xi: Hello po, tita. Nandiyan po ba si Jiang Chen?
Tita: Wala e. Ang sabi niya may group project siya na pupuntahan...
Xiao Xi: Ah, ganun po ba?(Saan kaya ang bakla na yun, e wala namang project na pinapagawa ang teachers.)

...
Jiang Chen: Wala na ba siya, Ma?
Mommy: Wala na. Bakit mo ba siya pinagtataguan?
Jiang Chen: Wala. Ayoko lang muna siyang makita.
Mommy: Bakit naman? Naku, may inililihim ka ba sa'kin?
Jiang Chen: ...
Mommy: Omg! Gusto mo si Xiao Xi?
Jiang Chen: Ma!
Mommy: Bakit?
Jiang Chen: Baka nandiyan pa siya sa labas!
Mommy: So, totoo? Yehey! Binata ka na, Nak! Matutupad na rin ang pangarap namin ni kumare!
Jiang Chen: Hindi na po mangyayari iyon... Kasi, may iba na ho akong nagugustuhan.
Mommy: Ano?!

...
Xiao Xi: Boses yun ni bakla, a! Ano? Sinong tinutukoy niyang iba?
Buti talaga hindi ko siya ginusto, hindi pala siya loyal... Pake ko naman? Buti nga, wala nang bubuntot sa'kin. Buti na lang talaga... Nakakainis.

Xiao Xi: Himala talaga ang bakla hindi na sumusunod sa'kin. Na-curious tuloy ako kung sino yung bago niyang gusto... At saka, sumali pa siya sa Mr. Campus.
Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko, ako 'yung dahilan.
Utak: Uy, Xiao Xi! Lumalayo na ang imahinasyon 'a?
Puso: Kuh, itinatanggi pa kasi na namimiss mo si bakla...
Xiao Xi: Magsitigil nga kayo!😒

...

Jiang Chen: Hahahaha, nakakatawa naman ang joke mo ...
PabebengSchoolmate: Talaga? Naku, ang cute mo naman tumawa. Matanong ko lang, may nagugustuhan ka bang babae ngayon?
Jiang Chen: Meron.
PabebengSchoolmate: Talaga? ...
Jiang Chen: Ikaw ba?
PabebengSchoolmate: Hmmm...

Xiao Xi: Uy, bakla. Nandito ka lang pala. Ilang araw ka ng wala sa earth 'a!

Jiang Chen: E, ano naman sa'yo. Hindi lang naman umiikot ang mundo ko sa iisang planeta...
Xiao Xi: Okay. Enjoy yourself.
PabebengSchoolmate: Ah, ikaw ba si Xiao Xi yung campus crush? Ang ganda mo pala sa personal. Balita ko, magkaibigan kayo nitong si Jiang Chen.
Xiao Xi: Ah, ganun ba? Ay, wrong info ka. Hindi kami close...
Jiang Chen: Tara, Li Wei.
PabebengSchoolmate: Hindi Li Wei ang pangalan ko...
Xiao Xi: Nakakatawa ka talaga bakla, pati pangalan ni Li Wei ginamit mo na sa ibang tao. Fan na fan ka ng dramang yun...
Jiang Chen: Puwede ba, Xiao Xi kung wala ka nang ibang sasabihin, may lakad pa kami.
Xiao Xi: Fine.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon