THE AUDITION EPISODE

1.3K 27 2
                                    

Xiao xi's POV

Hindi ko na talaga kaya, lagi na lang ako ang nakikita nina mama at papa.
Ako na lang lagi ang may mali.

Buti 'yung nararamdaman ko kay Jiang Chen, walang konting kamalian.

Bumyahe na ako papunta doon sa audition venue. Malayu-layo pa naman 'yun, konti na lang aabot na sa XXX Province. Aynaku. Buti natawagan ko si Jiang Chen bago ako nadead-bat.

Himala na ang ganda ko ngayon.
Hindi ko na kailangang magpaturo kay mama na mag-make up. Lutang pa rin naman ang orihinal na beauty ko e.

Ang beauty na nakakapagpabulag kay Jiang Chen.

Nenerbiyos ako na ewan. First audition ko ito at alam kong mamayang gabi, ang lahat ng judges at tulad ko na nag-aaudition ay hindi na makakatulog dahil mabibilib sila sa boses ko na galing sa aking P-U-S-O.

Sa wakas, pinapasok na ako sa loob.
Konting introduction lang at pinasimula na akong pagperformin.

"Ito po ay alay ko sa aking crush at future husband na si Jiang Chen. Hello, Jiang Chen! Sana nanonood ka ng tv!" muntik na akong hindi pakantahin dahil nauna ang pasabog ko. Bahagya pang nagtawanan ang mga ito. Ang sincere ko yata rito tapos tatawanan lang ako.

Ahem... (ALSB MAIN THEMESONG)


"Mula sa 'yong mata, pilikmata't malamig na pagtungo
Pati ang labi, biloy at pilit na ngiti mo
Lahat ng 'yon ay talagang gusto ko
Ako ay halatang nababaliw sa'yo...
-
Mula sa 'yong damit, daliri at ang amoy mo
Sana'y ako ang jacket, gloves, tibok man ng puso mo
Batid ng mundo na minamahal kita
Tawanan man nila, ikaw pa rin sinta
***
Sa bawat pagkakatao'y ikaw lang
Kahit saan man mapunta'y sa'yo lang
Ang puso kong hindi ka susukuan, mahal
Sana lang ay maniwala ka
Gusto kita kahit ang ula'y tumila
Gusto kita kahit nyebe ma'y uminit
Ang pagtingin ko sa'yoy 'di kayang pakawalan
Sadyang ikaw ang iniibig ko...
-
Bawat notang tinutugtog mo'y kabisado ko
Bawat pag-slam dunk mo sa ring ay ang kinang mo
At sa tuwing tayo ay tabing nagbabasa
Ika'y nakatingi't lihim na may ngiti
-
Ikaw ang tanging nakakapawi ng kalungkutan
Basta't nariyan ka ay kaya kong lahat...
-

Sa bawat pagkakatao'y ikaw lang
Kahit saan man mapunta'y sa'yo lang
Ang puso kong hindi ka susukuan, mahal
Sana lang ay maniwala ka
English at math man ay naging kay simple
Ang aking bawat inspirasyo'y ikaw lang
Ang pagtingin ko sa'yoy 'di kayang pakawalan
Sadyang ikaw ang iniibig ko
Sadyang ikaw lang ang gusto ko..."

With actions pa 'yun. Kung sana'y narito si Jiang Chen, maiiyak 'yun sa kilig.

"Okay, next!"

"Pasok na po ba ako?" ngunit hindi ako sinagot ng mga judges hanggang sa nakalabas na ako.

Napapapikit ako habang nagsasalita.

"Sana'y mapasok po ako sa XXX Audition, gusto ko pong sumikat at maging fan ko si Jiang Chen... " nakarinig ako nang pagtikhim sa likod ko.

Omygad. Seryosong nakatingin si Jiang Chen sa akin. Uy, minsan lang ito kaya tinitigan ko rin siya. Spell, s-u-l-i-t-i-n.

"Jiang Chen, nandiyan ka pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jiang Chen, nandiyan ka pala. Uhm, ano, malapit na akong maging part ng XXX kaya, ikaw ang magiging first loyal fan ko."

"Ayoko nga," ang suplado niya talaga!

"Sige na, huh?" ngunit umiling lang ito at kumunot ang noo.

"Ano 'yan?" tumingin ako sa likod ko.

"Ah, sila, auditionees... "

"Hindi, 'yang makalat na mukha mo. Saang parlor ka nagpamake-up? Galing, a." wow, pinuri niya ako. Ayos, araw-araw na akong magmimake-up.

"Talaga? Ang ganda ko ngayon no?" hindi ko mapigil ang kiligin.

"Tara na, muning... " nauna na siyang maglakad ngunit kahit bulong lang ang sinabi niya ay narinig ko. T.T kinumpara ba naman ako sa pusa.

Ang saya, sinundo niya ako rito.

Naniniwala na talaga ako na gusto niya rin ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naniniwala na talaga ako na gusto niya rin ako.

Tiningnan ko lang ang kabuuan ng buong likod niya hanggang umabot iyon sa kanang kamay niya.

Hay, kailan kaya niya ako i-hoholding hands?

Abutin ko kaya?
Argh, baka magalit siya at iwan ako rito.


Gagawin ko na sana ang ninja moves ko pero bigla na lang siya huminto at humarap dahilan para mauntog ako sa bandang dibdib niya. Ouch, ang bango. Hehehehe. Ang bango nung t-shirt.

Napatingala ako sa kanya at padukwang naman ang ginawa niya dahil nga close to 3ft ang height ko.

Dugdugdugdug chuchu train my heart!

Magtatapat na ba siya?

Nginitian ko siya nang ubod tamis. Ganun din ang ginawa niya.

'I do. I do. I do!'

Hindi na niya ako kailangan tanungin, I do na agad.

Dumukwang pa siya. Pigil ko ang paghinga.

Jiang Chen, huwag dito, andaming tao.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko gaya sa mga nababasa kong nobela.

Iyong-iyo na ang first kiss ko, Jiang-Chen. Huwag mo lang sasabihin kina mama.

Naghintay ako na may maglanding sa labi ko ngunit wala. Kaya, dumilat na lang ako.

Ang layo na ni Jiang Chen sa'kin. Kainis.

Akala ko pa naman.

Bakit ba niya ginawa iyon kanina?

"Jiang Chen, hintay!"

Ito ang eksena kung saan hinahabol ni Cinderella ang kanyang prinsipe.

Balang-araw, magiging akin din ang puso mo.

Hindi mo naman ako hate e kaya ang chance ko ay 101/100 %. Wala ka ring girlfriend, kaya alam ko na nilalaan mo ang spot na 'yun para sa akin.

P.S. NEXT TIME NA 'YUNG KAY JIANG CHEN SA EPISODE NA ITO. XIEXIE.

Pakikomento naman sa baba yung feels ninyu. O kaya along the lines mismo habang nagbabasa kayo. Pls dont forget to vote and follow!
!Wo ai ni.

PPS: just comment if you wanna hear the tagalog version of xiao xi's audition here. I am gonna give you its link. Xiexie

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon