ALSB FANFIC - 5

705 12 0
                                    

Jiang Chen's POV

"Xiao xi?" habang tumatagal ang bawat pagdaan ng segundo na hindi sumasagot si Xiao xi ay para akong mawawala sa katinuan. Wala na akong pakialam kung makasagasa man ako o makapurwesyo ng kapwa nagmamaneho sa daan. Si Xiao xi ang iniisip ko.

XXX Street...

Nangyari na ito sa akin...
At ngayon naman, sa aking asawa.
Diyos ko, bakit?

"Jiang Chen, paano pala kung hindi tayo itinadhana na magsama habang buhay? Maghahanap ka ba ng iba?" kahit nakapikit ako nang araw na iyon. Hinayaan ko lang na higpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
"Hindi mangyayari iyon. Babaliin ko ang kung anumang hahadlang. At saka, kung hindi ako naniniwala na itinadhana ka sa akin sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin na aminado ang mundo na mas maganda sa'yo (sa parteng ito, inaasar ko siya) hindi kita mamahalin nang higit pa sa 3 years at aayaing magpakasal. Kaya ang sinasabi mo, walang kabuluhan, wala na akong oras maghanap pa ng iba na aalagaan ako nang ganito. Ikaw lang, Xiao xi kaya, kiligin ka... " Sa hinaba-haba ng sinabi ko, hindi niya ako sinagot kaya dumilat ako at sinilip ang mukha niya na nakasuksok sa dibdib ko.

 " Sa hinaba-haba ng sinabi ko, hindi niya ako sinagot kaya dumilat ako at sinilip ang mukha niya na nakasuksok sa dibdib ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Umiiyak ka?" panay singhot lang ang kanyang ginawa. May pumasok sa isipan ko pero hindi ko na lang pinansin dahil kung gagawin ko 'yun, makikita niyang mahina ako pagdating sa emosyon.
"Hay, umiiyak ang tuta. Dati pa naman, iyakin na ang asong 'to. Umiiyak dahil hindi ko pinapansin noon, ang hindi niya alam, gusto ko na siya mula no'ng inalayan niya ako ng kanta sa audition." Sa sinabi kong iyon ay kumilos siya at binuksan ang mga mata. Nagulat na lang ako nang dampian niya ng halik ang aking mga labi.

Napakatamis, Xiao xi katulad sa kung paano mo tinanggap ang buo kong katauhan.

"Happy anniversary, I love you, Jiang Chen. Huwag mo na akong tawaging tuta... " Seryoso ba siya? Ang kyut kaya ng endearment na iyon.
"I love you too, tuta... " sa sinabi ko ay kinurot niya ang ilong ko, ansakit ngunit hinalikan din naman niya iyon pagkatapos.

Palihim kong tiningnan ang orasan.

Gusto ko itong utusang tumigil sa pagtakbo...

Ayoko na sanang pumasok ng trabaho dahil masama ang kutob ko sa araw na 'yon ngunit ayokong mag-alala o magduda si Xiao xi sa akin.

Nagulat ako nang nagdesisyon siyang sumama sa akin.

Tama, Xiao xi. Dito ka lang sa tabi ko.

Noong lunchtime, hindi na ako nagulat sa inihayag niya.

Ngunit kahit ganun, may kung anong kasiyahan na nagmumula sa puso ko. Ni hindi ko kayang pigilang maluha dahil sa katotohanang may naghihintay sa sinapupunan niya upang aking alagaan.

 Ni hindi ko kayang pigilang maluha dahil sa katotohanang may naghihintay sa sinapupunan niya upang aking alagaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bandang alas-tres ng hapon ay sinundo ni Jing Xiao ang aking asawa. Gusto ko sanang hintayin niya na lang ako kahit hindi na siya mag-ayos basta hindi siya mawala sa paningin ko.

Pagkaalis nila, parang gusto kong hilahin ang oras at sundan siya. Nag-aalala ako dahil alam kong ang totoo, patay na ako.

Wala na ako.

Kaya paanong buhay ako ngayon sa petsang ito?

Alas-sais, habang sa byahe ay tinawagan ko si Xiao xi, nasabi ko sa kanya na ipahinto ang sasakyan nang wala nang tanong pa.

Ito mismo ang oras na naaksidente ako sa lugar na iyon.

Hindi pa man nagtatagal ang aming pag-uusap ay isang malakas na pagkabangga ang narinig ko sa kabilang linya ng telepono

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pa man nagtatagal ang aming pag-uusap ay isang malakas na pagkabangga ang narinig ko sa kabilang linya ng telepono.

Xiao xi...

Hindi.

Halos paharurutin ko ang sasakyan habang walang ampat sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.

Dumating ako sa lugar na iyon kung saan maraming pulis at naikiusyusung mga tao.

"Tabi, t-tabi!" halos mapaos ako kakasigaw at pinaghahawi ang mga tao.

Yuping-yupi ang taxi pati na rin ang van na kabanggaan nito. Buhat doon sa unang sasakyan ay may nakatabing stretcher na may nakahigang tao.

Mula sa laylayan ng suot nitong asul na bestida, hanggang sa suot nitong singsing sa daliri, dumiretso ang mga mata ko sa mukha ng may-ari no'n. Gumuho ang aking mundo.

"X-xiao xi?" halos pabulong na lang ang paos kong boses.

Hindi ako napigil ng mga pulis na lapitan ito.

Ang aking si Xiao xi.

Puno ng dugo ang noo nito, pati ang damit na suot.

Pilit kong hinahawakan ang malamig nitong kamay.

"X- xiao xi, ipinangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan. Lumaban ka, ha? Huwag na huwag mo akong i-iwan dahil, mamamatay a-ako. Xiao xi... " sa pagbuhos ng mga luha ko ay siya ring pagbuhos ng naghuhumindik na ulan.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon