ALSB FANFIC-8

569 9 2
                                    

Lu Yang's POV

Kawawa naman si Jiang Chen, pati ibang babae, napagkakamalan niyang si Xiao xi. Sabagay, magkamukha naman talaga. Posible ba talagang magkaroon ka ng eksaktong kamukha kahit na wala kang kakambal?

 Posible ba talagang magkaroon ka ng eksaktong kamukha kahit na wala kang kakambal?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako, baka kung meron, ipagpapalit ako ni wifey Jing-jing.

Nakita ko kung gaano kadesperado si Jiang Chen kanina. 'Yung pagkalito, pag-asam, 'yung sakit, nakita ko lahat sa mga mata niya. Kung ako rin, mawala si Jing-jing sa akin baka nasa mental na ako o kaya nagsuicide.

Hindi na namin alam papaano pa ang paraan para matulungan namin si Jiang Chen na makapagsimula ulit.

Lu Jing Xiao's POV

*FLASHBACK*

"Xiao xi?"

Ako man, naluha nang makita ko ang babae. Parang nandito ulit ang pinakamamahal kong bestfriend.

Gustong-gusto kong yakapin ang babae, maibsan lang ang pangungulilang nararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gustong-gusto kong yakapin ang babae, maibsan lang ang pangungulilang nararamdaman ko.

Gusto kong maramdaman na buhay si Xiao xi. Na hindi nangyari ang lahat.

Gusto kong bumalik ang dati, ang mga panahong hindi niya kami iniwan.

Hindi ko mapigil ang mapaiyak nang makita ko kung paano hablutin at yakapin ni Jiang Chen ang nagugulat na babae.

Xiao xi, kung narito ka man, sana, nakikita mo kung gaano kami kasabik na makasama ka pa. Kaso, kahit hilingin pa namin, hindi na iyon matutupad.

Ikaw ay isa na lang sa pinakamasayang alaala na narito sa aming puso at hindi iyon magwawakas kailanman.

"Bitiwan mo 'ko!" Nakita ko ang pagpupumiglas ng babae at ang pagkatulak at pagkatumba ni Jiang Chen sa lupa.

Bakit ba kasi kailangang may maiwan at masaktan?

Wu Bo Song's POV

Sino ba kasi ang babaeng iyon? Bakit sila magkamukha? May kakambal ba si Xiao xi na hindi namin nalalaman? 'Yung pintig ng puso ko kanina ang lakas.

A LOVE SO BEAUTIFUL Tagalog FANFIC 2 OUT OF 3 SEASON 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon