[Chat 37]

44 3 0
                                    

[Chat 37]

~•~•~•~•

Icewind's POINT OF VIEW

Kinaumagahan nagkita-kita kaming lahat sa bahay ni Jimin (Pandakaki) para ma-trace kung saan nakatira si Jhenny.

"Sorry bro" Sabi ni V (Elyen) sabay patong ng kamay sa balikat ko. Di ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanilang lahat. Lalo na kay Suga (UltimateSwaeg) hindi ko alam kung ano ang motibo niya pero kapag may masamang nangyari kay Jhenny wala na akong kikilalaning kaibigan pa.

Sobrang tahimik sa kwarto ngayon ni Jimin at tanging pag-click niya lang ng mouse at pindot sa keyboard ang tanging maririnig.

"Aish! Hindi pa rin ba tayo mag-uusap? Dati ang ingay ingay natin!" Inis na sabi ni RM (Badjao)

"Kapag may nangyaring masama sa kanya lagot kayong lahat sakin" Sabi ko habang masamang tinitingnan si Suga na nakaupo sa higaan ni Jimin.

"Dude,sorry kung alam ko lang dapat sana hindi ako nakisali sa kanila. Ako pa naman ang pinakamatanda satin---" I interrupted Jin (Pinky) from finishing his words and went outside.

Umupo ako sa sofa niya at nag-iisip isip. Tingin ko kasalanan ko ang lahat eh dapat sana hindi ko na lang siya kinukulit about sa assignment. Alam ko naman talaga yung mga assignment namin dahil nagtatanong naman ako sa katabi ko na kalaban niya sa pagiging rank one. Pero palaging rank two si Jhenny eh at magkalapit na magkalapit ang scores nilang dalawa.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang na pinansin.

"Sorry dude" Halatang boses ito ni Jimin pero hindi ko pa siya tinitingnan "Pero hindi namin siya ma-trace eh"

"Pano na ito? Baka may masamang nangyari sa kanya?" Sabi ko sabay takip ng mukha ko gamit ng kamay.

"Pero baka alam ni Rosette ang bahay ni Jhenny since magbestfriend sila." Suggest ni Jimin. "May number ako ni Rosette"

"Hala! Akala ko hiningi mo yung number ni Jisoo? Bakit meron ka ng kay Chaeyoung?" Biglang singit ni V

"Hiningi ko yung number ng tatlo"Matipid na sagot ni Jimin.

"Hala ikaw na yung International playboy at hindi si Ice" Gulat na sabi ni V.

"I-text mo na nga siya" Sabi ko.

Kinuha ni Jimin ang cellphone niya at sinubukang i-text si Rosette,unfortunately out of reach ito. Mukhang wala na ata kaming pag-asa para mapuntahan si Jhenny.

"Jimin! Bakit may umiilaw dito na color blue?!" Sigaw ni Jhope mula sa kwarto.

Agad kaming nagtungo sa kwarto ni Jimin at nakita na may color blue na nagblink pero agad itong nawala.

"Hala! Nawala?! Patay na siya?!" Gulat na tanong ni V kaya agad na binatukan ni Jimin

"Alam niyo ba kung saang eksaktong nakatapat yung ilaw?"-Jimin

Tinuro ni RM ang pwesto noon kaya zinoom-in ni Jimin.

"Saan ito?" Tanong ni Jin kaya walang nakasagot sa kanya.

"Malapit sa street ng isa kong tinitirhan" Sagot ko

"Alam mo naman pala eh! Bakit ka pa nagpasearch kung saan siya nakatira?!" Reklamo ni Suga

"Hindi ko kasi talaga alam! Dahil mas maaga siyang umalis kaysa sakin! Kung alam ko lang dapat sana pinuntahan ko na siya!"

"Hey! Tama na yang away. At umalis na tayo" Sabi ni RM

Chatserye ni Jhenny >> Book 1 of Chatserye Series Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon