[Chat 50]: Another Heart Breaks
~•~•~•~•
Jhenny's point of view
Nagising na lang ako sa gitna ng playground, nakaupo sa swing at iniisip kung anong klaseng hide-out ba itong naisip nila. Kung hide-out talaga?
I look around to check if someone is here except for the guy who is sleeping in the slide. Yung parang komportable siyang natutulog doon? Hindi ba nangangalay ang paa niya?
"Oh! You're awake" Sabi ng isang kadadating lang kaya agad ko siyang nilingon
"No,no no no. I. Am. Still. Sleeping." Sabi ko sabay nagpanggap na natutulog with matching hilik pa.
"Quit that sarcasm,Jhenny" Sabi niya sakin
"Bakit mo ba ginawa to?" Tanong ko with my cold voice.
"Its because may aaminin ako sayo" Sabi niya sakin
"Anong aaminin? Na malaki ang ilong mo? Alam ko na yun" Sabi ko
"Tsk." Sabi niya sabay iling "Aaminin ko kasi sayo na... Na ano eh..." Sabi niya habang kinakamot ang batok
"Sabihin mo na! Batukan kita diyan sa katorpehan mo eh!"-???
"Bilisan mo na buddy ko!"-???
Bigla kaming napalingon mula sa sumigaw sa seesaw. Si ElyenHeartthrob kasama si Pandakaki na parang mga batang naglalaro sa seesaw. Nandon pala yung mga yun? Hindi ko napansin.
"Oo na! Gagawin ko na!" Sabi ni Ice sa dalawa.
"Basta bilisan mo baka sa bandang huli, MAGSISISI KA!"-???
"Kahit anong sasabihin ni Jhenny support ka parin namin!"-???
"Oo because you got jams Ice! Tandaan mo yan---- Hala nasira!!!"-???
Napalingon naman kami sa left side namin at nasa monkey bars naman sila Tikbalang at Pinky na uma-akyat sa doon samantalang si Badjao ay nilagay ang bakal ng monkey bar sa gilid at nagpanggap na parang walang nangyari.
"Karma mo yan Badjao!"-Sigaw ni Pandakaki mula sa seesaw
"You still got no jams Pandak!" Sigaw ni Badjao pabalik
Natawa na lang ako mula sa pwesto ko dahil sa may pagka-isip batang kilos ng mga kaibigan ni Ice. Hindi ko tuloy napansin siya na nasa harap ko ngayon dahil busy ako sa kakatingin sa mga kasama niya. Until he fake a cough.
"So ganito kasi yun,gusto ko sanang sabihin sayo na mula noon ay palihim kitang sinusulyapan medyo natatawa ako ng slight dahil sa bawat tanong ko kung sino ka ay hindi nila alam kung sino ka,until one day may isang nagsabi sakin na ikaw si Jhenny Marquez,isang invisible nerd na bihirang tao lang ang nakakakilala---" May pumutol sa sasabihin niya dahil nagsalita si UltimateSwaeg mula sa slide ng nakapikit parin ang mata,nakikinig pala yan.
"Go and straight to the point Ice,wag ka ng magpatumpik-tumpik pa---"-UltimateSwaeg
"Boom kara-karaka!" Kanta ni ElyenHeartthrob na biglang sinayaw ni Tikbalang. As far as I remember,isa yan sa mga kanta ni Vice Ganda nakalimutan ko lang ang title.
Nabatukan ang dalawa ni Pandakaki at ni Pinky since silang dalawa ang mas malapit sa dalawang loko-loko.
"Ok! Fine! Jhenny,matagal ko ng kinikimkim ito. May gusto---" Sabi niya pero bigla may sumabat nanaman,at kelan matatapos ang pabitin effect?!
"May gusto siya sakin" Biglang sulpot ng babae kahapon sabay kapit sa braso ni Ice na parang linta. Sino nga siya ulit? Di nagpakilala eh. "Diba Ice Ice baby ko?" Sabi niya sabay pouty face,hilain ko nguso niya diyan eh
"Ano?!" Gulat na sigaw ng mga kaibigan ni Ice maliban syempre kay UltimateSwaeg na ginawang eye mask ang face mask na suot.
Nung napatingin ulit ako sa dalawa ay parang may nadurog nanaman sa chest part ko at masakit siya. Masakit na masakit. Kung kahapon nadurog ito ngayon napulbos na. Natatakot na ako baka kung anong mangyayari sa susunod.
"Ahm... O-okay,c-congrats na lang" Nauutal kong sabi sabay takbo.
Narinig ko na parang nagkaroon ng argument sa kanila pero hinayaan ko na lang at hindi na pinakinggan.
Pumunta ako sa bahay ko at nilock ang pinto sabay diretso sa kwarto.
"Bakit mo ba ginagawa sakin ito Ice? Alam mo ba na sinasaktan mo lang ako? Wag mo naman ipamukha na may gusto kang iba." Sabi ko sa picture niya na dati ay nakaframe.
Tinitigan ko ang picture niya ng ilang beses at saka ko ito pinunit at tinapon sa basurahan ko sa ilalim ng desk.
Tumalon ako sa higaan ko at doon ko na nilabas ulit ang mga luha na dapat kanina pa lumabas. Pero pinipigilan ko lang yung kanina kaya medyo nag-crack ang boses ko habang nauutal.
This is all my fault...
Siguro kung hindi ko na lang siya pinansin sa chat hindi na mangyayari pa ito sakin.
BINABASA MO ANG
Chatserye ni Jhenny >> Book 1 of Chatserye Series
De Todo=>>Book 1 of Chatserye series By: SilverFairyprincess>Book 1: Chatserye ni Jhenny ft. LisKook (Lisa And Jungkook) >>Book 2: Mr. Heartthrob in disguise ft. Taennie (Taehyung and Jennie) >>Book 3 and so on: ((SOON)) {{TAGLISH}} Jhenny is only known a...