Jenny's povF*ck!! So, this is all a contract?! How dare he!!!
Bumalik Kasi akong klasrum para kunin ang Pera ko sa bag kasi dahil sa pagmamadali ko kanina ay nawala sa isip ko na nasa bag ko pala nilagay ang pitaka ko
At sa sinasadyang pagkakataon, narinig ko lahat ng usapan nila Charles at Clyde. Oo! LAHAT!
Anong ba'ng nagawa Kong kasalanan sa kanila at ginawa nila 'to?! Kung talagang nanghihinayang si Charles sa ginawa niya sa akin noon... simpleng "sorry" lang naman, ok na ok na sa akin! Hindi Yung ganito! Ginawa nilang mas komplikado ang sitwasyon!
Mas dinoble niya ang kasalanan sa akin!! ito pala ang plano mo kaya ka nagbalik?! Ha! Mautak ka rin a! Nasaktan kasi ako.. congrats!!
Nandito na nga pala ako sa school garden gaya nung sinabi ni Clyde. Nakaupo ako sa Bermuda grass at nag-indian sit. Maganda ang paligid at masarap ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat at bahagyang nililipad ang buhok ko. Pero 'di pa rin maiaalis ang bigat ng nararamdaman ko.
At magpinsan pa sila?! Iba~
Natawa naman Ako sa sariling naisip Pero Hindi ko napigilan ang Mga luha ko.
"Jen, sorry na late ako"
Kahit 'di ko lingunin, Alam ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na yun. Kaya pasimple Kong pinahid ang luha ko sabay tayo at humarap sa kanya
"Hmm.. 'di rin naman ako magtatagal" me at pilit na ngumiti
Ano jen?! Makikipagplastikan ka rin?! Tss.
"Ahh.. ganon ba? Ok lang ba talaga sayong kahit limang minuto?" Tanong niya na abot-tenga ang ngiti ngunit may seryosong tono
Ha! Ang kapaaaaal din ng mukha mo e noh?!
"Clyde, just straight to the point. You're wasting my time. May klase pa ako" me at di ko na napigilan ang sarili Kong tarayan siya
Kung natatakot kang sabihin ang totoo..pasensyahan tayo, di ko kasi trip ang mga manloloko!
Hindi siya nakapagsalita at bahagyang tumungo
"O?! Ano na?! May sasabihin ka diba?! Go ahead!" Bigla na nga'ng tumaas ang Tono ng pananalita ko"May Alam ka na ba?" Clyde at inangat ang ulo at tumingin sa mga Mata ko. Nagulat naman ako pero 'di ko pinahalata at nilabanan ko ang titig niya ng blankong ekspresyon
"Tss. Bakit? May dapat ba akong malaman?" Sarkastiko kong Balik na tanong sa kanya
Nilihis naman niya sa ibang direksyon ang Tingin niya at bahagyang ngumiti ng mapakla.
"Hindi ko inaasahang ganito ka aga mo malalaman..""Ha! So, you're saying na patatagalin niyo pa ang panloloko niyo?! Tss. Ang kapal talaga ng mukha niyo—or should I say.. ang kapal talaga ng mukha niyo magpinsan e noh?!" Puno ng sarkastiko kong tugon sa kanya
"Sorry jen.. sorry.. l-let me explain.. p-please?" Pagmamakaawa niya sa akin at bahagya pang lumapit pero lumayo Naman ako at iniwas ko ang kamay ko dahil Akma niyang hahawakan ito
"Pch!" Singhal ko at umiwas ng tingin dahil nakakaawa talaga siya pero natabunan ng irita at inis ang awa ko sa kanya
"Sorry jen.. let me explain" panggagaya ko pa sa kanya "Ang galing um-acting ng p*ta! Gasgas na Linya na yan Clyde! Hahaha! Hindi mo nga kayang sabihin sa akin e, mag-explain pa kaya?!" Sumbat ko Kaya napatungo naman siya at humakbang na ako. Pero nahawakan niya ang Braso ko
BINABASA MO ANG
shout to my ex (SLOW UPDATE)
RandomSa isang relasyon, mahalaga ang tiwala. Dahil mahirap itong ibigay kaya dapat itong paghirapan. Ngunit papa'no mo pa ito ibibigay kung minsan ka nang nagtiwala pero sinayang at sinira lang niya. Sabi nga nila, hindi lahat ng masasamang tao at manlo...