Jenny's pov:Matapos ang talent night, kinaumagahan ay balik istudyante ulit kami. Shempre, ano pa nga ba? ~_~
"Siya 'yung kumanta at nagdrums kagabi diba?"
"Oo, siya nga!"
"Eeehh!! Ang galing niya talaga~ parang gusto ko na ring matuto magdrums!"
"Edi mag-aral ka, gaga! Tss" ~_~naibulong ko na lang sa aking sarili habang nagpatuloy pa rin sa paglalakad na para bang walang narinig
"Ms. Jenny, pede po bang papicture?" May bigla na lang sumulpot sa harap ko kaya medyo napagitla ako
"A-Ahh.. Oo naman" tanging lumabas sa bibig ko staka ngumiti. Pero nagulat na lang ako na may tinawag pa siyang isang batalyong kasama! Whatheheck?!
Nagsilapitan sila at pinagitnaan ako. Siksik sila ng siksik kaya napapaatras ako ng konti. Sa tancha ko, isang seksyonan sila! Jusko!
"Ok! 1, 2, 3!! Another pose! 1, 2, 3! Waki na naman! 1, 2, 3! Iba na naman, 1, 2, 3!! Another, 1, 2, 3!" Kaloka! Kailan ba matatapos 'tong picturan na'to?!
"Ms. Jenny, smayl ka po!!" Sigaw nu'ng isang studyante sa'kin. Huh?! Anodaw? Smayl?!
Sumenyas naman siya na ngumiti. Ahh.. smile pala. Akala ko kung anong smayl ang tinutukoy ng gaga¬_¬
"Huy, huy! Pasolo naman ako 'o. Pang-IG lang!" Pamimilit nung isa sa kasama niya
"Sige, basta ako ang susunod ha!" Paninigurado naman nu'ng isa. Tumango naman 'yung isa staka lumapit sa'kin at nagpose kaya ngumiti na lang ako.
"Ako naman!" Sabi naman nu'ng isa at binigay ang cellphone sa babae. Pero nagulat na lang ako ng may humila sa'kin sa kumpulan at kinaladkad paalis.
Napaangat naman ako kung sino.
"Charles?""Hindi ka na makakaalis du'n kung 'di ka tatakas. May klase pa tayo diba?" Sagot naman niya at binalingan ako sandali ng tingin. Kaya tumango na lang ako at napapahiyang yumuko. Nakita ko naman ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
"A-Ahh.. sorry" agad naman niyang binitawan ng makita niya sigurong nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa'kin. Then, he smiled awkwardly
"Sige. M-Mauuna na ako" siya at iniwan ako. Nasa harap na pala kami ng pinto sa klasrum namin. Ok..? What was that? :-/
~~ LUNCH BREAK~~
"Tangina. 'Di ko talaga tanggap besh na talo ka! Myghad! Hindi naman perpek 'yung talent nu'ng nanalo 'e!" Pag-aalburoto ni Irah saka tumabi sa'kin habang nagliligpit pa ako ng gamit
"Tss. Tanggapin na lang natin, I. Wala namang mawawala sa'tin kung tatanggapin natin, diba?" Sagot ko naman at ningitian siya. Pero matigas siyang umiling
"Heck! Anong tanggap tanggap? Hindi na 'yan uso ngayon, gaga ka! Maging competitive at praktikal ang uso ngayon, bruha! Sayang ang 10 ciao!" Bwelta ulit niya saka binatukan pa ako~_~
"Sayang nga.. pero anong magagawa natin? Tss. Better luck next time ika nga" Sagot ko naman at inirapan siya
"Anong better luck, better luck next time 'yang sinasabi mo?! Hindi na tayo aasa sa luck! We will make our own move! May napili na akong susuotin mo sa final night. Tss. Hindi ako papayag na matalo ka ulit ng bruhang 'yun ano! Hmp! Gigil niya si ako!" Irah at napahagod kunwari sa sintido niya. Haha. Wala na akong masagot kaya tinawanan ko na lang.
Oo nga pala, gusto kong linawin na talo ako. Yes, seryoso. Hindi daw kasi pang-babae 'yung talent na ginawa ko. Tss. Unreasonable right? May talent na palang pangbabae staka panglalaki ngayon? LoL. Kalokohan!
Staka, kahit anong gawin nila.. 'di ko gagawin 'yung pag-pole dancing nu'ng nanalo 'nuh!=_= magkamatayan na't lahat-lahat, AYOKO! I will not change my talent just to suit there expectations=_= E, 'yun ang talent ko 'e.. paki ba nila?
Staka, about du'n sa mga studyanteng nagpapicture sa'kin sa hallway.. 'di ko alam kung anong pumasok sa kukuti nila. Tss. Sa akin na talo sila nagpapicture~_~may sira ata ang utak ng mga 'yun:-/
"UGH! Feel ko talagang may nangyaring dayaan 'e. Pansin mo Jen, parang sa talent night pa siya nagpakita? I mean, sa pagpapakilala sa mga kandidata staka first elimination, 'di ko siya napansin! Gosh! This is unfair!" Sabay hampas pa sa armchair
"Hindi lahat mapapansin mo, I. Tss. 'Di ka si Wonder Woman! Loka-lokang 'to! Gutom lang 'yan 'e. Tara, kumain na siguro na tayo" sabi ko at tumayo saka iniwan siya
"Ha?! Huy! Seryoso ako! 'Di pa ako nabaliw dahil sa gutom 'nuh! Chuserang 'to!" Habol niyang sigaw at sumunod sa'kin palabas
~~*
Uwian na. Pero parang 'di ko pa feel umuwi. Ewan ko. Masyado akong lutang ngayong araw. Di ko napansing nagdismiss na pala sa last period sa hapon
"Jen, mauuna na kami sa'yo ha. May pinapadaan pa kasi si mama sa'kin 'e" biglang sulpot ng bruha.
"Ge, ingat" tanging nasagot ko dahil lumabas na sila. Tss. Wataprend!
Kaya naggayak na rin ako at lumabas na rin ng klasrum at shempre, naglakad na patungong.. Teka!
"Saan ako papunta?!" Tss. Shunga lang? Kinakausap mag-isa ang sarili. Lahhh.. normal pa ba 'to?Napatingin naman ako sa paligid. Di pa naman ako nakakalayo sa klasrum namin. Nasa malapit pa ako sa music room—
"What on earth are doing here, Elaine?!"
"Oohh.. chill. Hahaha. Of course, I'm here 'cause your here"
"What? Are you nuts?! I'm having my vacation here. 'Wag kang atat. Babalik din naman ako du'n"
Dahil dakilang chismosa ako, sumilip ako sa bukas na pintuan ng music room. Nakita ko si Charles at 'yung babaeng nanalo sa talent night. T-teka.. magkakakilala sila?!
"Ha! Really? But it seems like you don't have any plans anymore. That.. Jenny girl—"
"Don't! I warn you. Don't do stupid things to her, Elaine. Kilala mo ako—"
"Yes! I know you. I know you too well, Charles! Alam kong mahal mo ang babaeng 'yun. And I'll make sure, you'll regret loving her" sagot ni Elaine daw at tinalikuran si Charles pero hinigit nito ang kamay ni babae
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita
"What do you want?" Naging kalmado na si Charles o baka pinipilit lang pakalmahin ang sariliNgumisi lang si Elaine saka tinanggal ang kamay ni Charles na nakahawak sa braso niya
"You know what I want, honey" sabi niya saka naglakad na papunta sa'kin kaya dali-dali naman akong umalis na sa pintuan at nagtago sa gilid."Tss. I will not lose you again, Charles. Not yesterday, not today and definitely not tomorrow. Your mine Charles Frederick De Claro. Only mine.." sabi niya at malademonyong ngumiti
Owwkay~? Sino siya?! Ba't kilala siya ni Charles? Anong koneksyon nila sa isa't-isa? Ba't nasali ako sa usapan nila?
Maraming pumasok na katanungan sa isip ko na 'di ko maintindihan. Ewan ko ba.. parang takot din kasi ako. Takot akong malaman ang katotohanan.
Elaine? Sino ka nga ba talaga?!
To be continued...
BINABASA MO ANG
shout to my ex (SLOW UPDATE)
RandomSa isang relasyon, mahalaga ang tiwala. Dahil mahirap itong ibigay kaya dapat itong paghirapan. Ngunit papa'no mo pa ito ibibigay kung minsan ka nang nagtiwala pero sinayang at sinira lang niya. Sabi nga nila, hindi lahat ng masasamang tao at manlo...