Chapter 22: Sakristan

23 1 0
                                    


Jenny's pov

Dahil sabado ngayon, isa lang ang naman ang ibig sabihin niyan... ARAW NG PAGLALABA! (╥_╥)

Kaya ito ang drama namin ni Jade. Siya ang nagbabanlaw at ako naman ang nagsasabon.

"Te, chismis naman jan o! Nakakabagot maglaba ng walang topic! Napapanis ang laway ko. Tss" jade habang kinukusot ang damit tas piga at tinapon sa basket na lalagyan ng damit na tapos na. Yung maaari ng isampay!

"Jade, hindi ka ba natatagal ng isang segundo na tahimik? Ayosin mo na lang kaya yang pagbabanlaw mo. Malalagot tayo ni mama nito 'e!" Sagot ko at winisikan siya ng bula

"W-Wow! Nahiya ako sayo te! Madaldal ka rin kaya!"

"Oo nga! Pero hindi naman gaya nung sayo!" Sagot ko at nagbelat sa kanya!

"Tss—aha! 'Yung tungkol na lang sa inyo ni kuya Clyde. Ayiieeee~ ano na..? May pahatid-hatid pa ah.. iba na yan~" at siya naman ngayon ang nagwiwisik sa akin ng tubig

Hindi nga pa niya alam na wala ng tutor session ko kay Clyde. Mas pinili Kong sarilihin na lang ang lahat.

Simula Kasi nung nalaman ko ang totoo, hindi na ako pumunta sa kanila. Ano pa ba kasing gagawin ko du'n diba?! E, kasinungalingan lang naman lahat!

"Ano ba—urgh! Tigilan mo na nga yan Jade!" Bulyaw ko sa kanya

"Ases~ balita ko nga super close kayo ni kuya Clyde 'e!" Jade at may nanunudyong tingin

"Anong super close na sinasabi mo?!"

"Super Close as in ganito o!" At iniintertwine nga niya ang dalawang daliri "ganyan! Hahahaha! Chicka mo dali!" At excited na excited nga siya!

'Haaayyysss.. wala akong tiwala sa bunganga nitong isang to 'e! '

"Tumigil ka nga!" At pinakita ko nga sa Kanya na naiirita na ako

"Ases! 'Wag ka nga'ng papilit! 'Di ka chicks hoy!" Sagot niya

'Hindi din ako titigilan nito e!'

"Tss. Wala na 'yung tutor session"

"Hala! Bakit?!"

"Eh sa magaling na daw siya 'e!" Ako at umismid habang hindi tinitignan si jade

"Tss. 'Yung totoo ate.. yan ba talaga ang rason?"

Dahilan para mapa-angat ang tingin ko sa Kanya at Kita ko sa mga Mata niya ang pagiging sensiro na para bang sinasabi nito na hindi niya ako huhusgahan kung Yun ang naging desisyon ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?!" Naiusal ko

"Baka kasi...may nararamdaman ka na sa kanya kaya umiiwas ka na!"

"Kung nararamdaman lang naman Jade, hindi ko ipagpapalit ang sweldo ko no! Sayang 'yung singko mil! Pangtulong kina mama't papa. Uunahin ko pa ba ang emosyon ko?! Tss. Kalokohan!"

Tinignan naman niya ako ng nakakalokong tingin
"O 'e, ano nga?!" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay

"Kontrata lang ang lahat" malungkot kong sagot

"Kontrata?! 'Yung mga kilos, paglapit sayo at tutor session na yan.. ibig sabihin—"

"Ibig sabihin, kasinungalingan lang lahat!" Putol ko sa sinasabi niya at Dahil oa siya. Nanlaki ang Mata niya at naform 0 ang bibig niya!

shout to my ex (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon