Chapter 27: Set you free

12 2 0
                                    

[A/N: see the pic sa ibabaw? 👆 'yun po ang suot ni Jenny sa Q&A portion. Ge, enjoy powsz!😂]

Shathena's pov:

"Girl, 'wag kang kabahan okay? Mas maganda ka sa kanila" pag-i-incourage ni Irah sa'kin tas lalakad na naman paikot-ikot dito sa dressing room

"Irah..maupo ka nga! Ako ang nahihilo sa iyo 'e" sita ko na nga sa kanya. Kanina pa kasi siya ganyan 'e. Hindi mapakali

"Ehhh! Kasi naman 'e!"

"Ikaw ba contestant? Kalokang 'to! Mukhang mas kabado ka pa sa'kin 'e" sabi ko sa kanya at inirapan. Napakamot naman siya sa kanyang ulo

"E, sa nate-tense ako 'e! Galingan mo ha! Kailangang mapahiya 'yung babaeng tumalo sa'yo sa talent night! Naku!" Sabi niya at umupo na nga saka naging busy na siya sa cellphone niya.

Dahil sa sinabi ni Irah, naalala ko na naman ang naging eksena sa music room kahapon. Tinubuan na tuloy ako ng kuryosidad sa narinig ko kahapon. Parang kahit anong gawin ko na hindi ako madadamay, pero parang kasali na talaga ako sa simula pa lang

"Heeeelllooo? Earth to Jenny?" Napabalik naman ako sa ulirat

"Ha?"

"Anong 'ha'? Kanina pa kaya kita tinatawag dahil magsisimula na raw. Teka, ba't lutang ka?! Anong nangyayari sa'yo?" Alalang tanong naman ni Irah

"Wala. May iniisip lang—"

"Ah! Nag-iisip ka ng strategy kung pa'no mo siya matatalo?" Masigla niyang tanong. Kaya para hindi na humaba ang usapan, tumango na lang ako

"Asus.. 'yun lang pala. Don't worry.. resbak mo ako" kaya napatawa na lang ako at sabay na nga kaming lumabas ng dressing room.

Saka nakilinya na sa mga kandidata. Umalis na rin si Irah. Hahanap pa daw siya ng magandang pwesto para daw kung sakaling kailangan ko ng resbak sa magiging strategy ko. Haha. Shunga lang 'e nuh?

"Your Jenny Chel Mortera, right?" Kahit nagtataka kung bakit niya ako kinausap, tumango na rin ako

In-extend naman niya ang kamay niya para makipagshake-hands
"I'm Elaine Mithi Cuenco, by the way.."

Cuenco? Teka.. parang pamilyar sa'kin ang apelyido na 'yun 'a. Pero kahit naguguluhan ay inabot ko pa rin ang kamay niya
"Its nice to finally meet you" dagdag niya pa

"Salamat. Ako rin" haha. Wow! Ganito na ba ako kasikat? Astig. Kaya todo ngiti naman ako saka niya binitawan ang kamay ko

"I'm Charles' wife" ha? Tama ba ang narinig ko?

"Ha? A-Asawa 'kamo?

"Yes. I'm his Wife" sagot niya kasabay ng malaking ngiti at ningning sa mga mata. Pero.. pero ba't.. parang ang bata naman niya para magkaroon na ng asawa?

Pero nagulat na lang ako ng nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko saka bumulong
"So back off, bitch"

Clyde's pov:

Ang bilis nang pangyayari. Hindi ko man lang namalayan na umabot na nga kami sa top 5. Tss. Pa'no ba naman kasi.. puro rampa lang naman ang ginawa namin. Tss

Anyways, Q&A portion na. 5 kami sa lalaki at 5 rin sa babae. Babae ang inuna kaya nasa backstage kaming mga lalaki ngayon.

"Kumusta kayo?" Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko. Pero nakabawi din naman agad

"Kumusta nino?"

"Ni Shathena" sagot naman niya saka tumingin sa stage

"Ahh.. ewan"

shout to my ex (SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon