Jenny's povSa bahay
"Taray te ha~ sakristan pala sila. Malapit sa Diyos" Jade at sumalampak sa kama ko
"Tsk! Anong Malapit sa Diyos.. 'e, nagseserve lang naman sila sa Pari aber?!" Me at umupo sa upuan ng study table ko tas humarap sa kanya
"Tuleg! Ganon pa rin 'Yun noh! Ang pagseserve nila sa pari ay parang ginawa na rin nila kay papa God! Volunteer 'Yun te!" Singhal niya sa akin at naka Indian sit na sa kama ko
"O 'e,ang punto mo ay..?" With match taas kilay
"Ano nga ba ang punto ko?" Balik na tanong niya sa sarili at may pahawak pa sa baba niya. Kunwaring nag-iisip! Dahilan para batuhin ko siya ng eraser sa study table ko
"Wala kang sense kausap!" Singhal ko
"Ahehehe.. ang punto ko ay.. dahil Malapit sila sa Diyos, mahihirapan silang magsinungaling O 'di kaya'y Saktan ang kapwa tao! O devah! Naisip ko pa 'yun!" Taas noo niyang sagot!
"Tsk! Wala namang kwenta ang punto mo!" Wika ko at umirap
"Huh?! Baket ne nemen?!"
" 'E nagawa nga nila sa akin diba?! Sinaktan nila ako! Pinaglaruan! Nananahimik ako tas ginugulo nila ang buhay ko. Oo, binayaran ako sa pagturo ko kay Clyde Pero anong sense nu'n kung magaling pala siya doon! Sisiw lang sa kanya! Tas si Charles, minahal ko lang naman siya noon ngunit sinaktan lang ako! Tapos gumawa siya ng kontrata na ikakasira na naman ng buhay ko! Hindi pa siya nakontento sa ginawa niya noon ha!" Mataas kong paliwanang at naging salubong na salubong ang kilay ko
"T-Teka nga, pa'no mo nalaman na magaling si Clyde sa math?!"
"Hindi ako Bobo Jade para 'di ko mapansin na hindi niya sineseryoso ang pagtuturo ko sa kanya Pero nakuha niya! Natoto siya! Lintik! Ano 'yun?! Magic?!" Sinabayan ko pa ng hand gesture na para bang nagmamagic! Napatawa naman si Jade
'Ngayon ko lang din narealize ang sinabi ng mommy ni Clyde na "really huh~ at kailan ka pa naging mahina sa math Clyde...?" Na hindi ko naman nabigyan ng atensyon dahil sa kagustuhan ko noon na makauwi na!
"Wala kang katibayan te!"
" 'yun nga! Pero hindi na ba ebidensya 'yung ako mismo ang nakahalata!" Depensa ko at tinuro turo ko pa ang sarili ko
"Ewan! Ang gulo mo!" Jade at binato ako ng unan Pero naka-iwas naman ako
"Hindi ako magulo! Slow ka lang! Tss"
"Kasi, binibig deal mo iyang ginawa ng magpinsan te! Talo ka nga! Apektado ka masyado 'e! Ba't 'di mo pabayaan na lang! Tss. Hayaan mo silang bumawi sayo! Tapos na 'e, noh?! Ano pang magagawa mo? O 'di kaya..." putol ni Jade sa kanyang sermon at tinignan ako ng nakakaloko
"Ano?!" Nilabanan ko ang titig niya at taas-noo. 'Yun bang parang nanghahamon
"May isang sistema sa katawan mo ang ayaw papigil at hindi nagustuhan na kontrata lang pala lahat! 'Yun bang.. hindi galit.. hindi gustong maghiganti pero, nanghihinayang.. nasaktan at.. malungkot" jade sabay gestures na parang nagtutula kaliwa't kanan niyang kamay Pagkatapos ay tumingin sa akin at tinaas-baba ang magkabilang kilay!
"A-Ano naman?!" Tanging naiusal ko
"Ang puso!" At nagform ng Korean heart sign sa daliri sabay kindat sa akin
'Tsk!'
"Kalokohan!" Me at pumeke ng tawa
"Cge nga, aminin mo sa akin.. at this moment.. sa harap ng maganda at seksi mong kapatid—chos! Hahahaha! May gusto ka kay kuya Clyde noh?!" At sinabayan pa ng nakakalokong titig
BINABASA MO ANG
shout to my ex (SLOW UPDATE)
AcakSa isang relasyon, mahalaga ang tiwala. Dahil mahirap itong ibigay kaya dapat itong paghirapan. Ngunit papa'no mo pa ito ibibigay kung minsan ka nang nagtiwala pero sinayang at sinira lang niya. Sabi nga nila, hindi lahat ng masasamang tao at manlo...