KABANATA-LIMA

10.3K 156 14
                                        

~~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA LIMA
~~~~~~~~~~~~~~~


"R-ry p-lease tama na!" Pagmamakaawa ko sa asawa ko na ngayon ay hila-hila ang aking buhok papunta sa cr.

"You fucking bullsh't. Ang kati mo! Ang kitid ng utak mk sinabi ko na sayo na wag kang lalabas." Galit niyang sabi. Natatakot ako sa pwede niyang gawin sakin ngayon. Hindi ko ginusto na suwayin siya pero wala na akong makakain at pambili ng regalo sakanila. Nagtrabaho ako kanina sa coffe shop pero late na akong nakauwi kaya ito ako ngayon.

"P-lease Ry." Pagmamakawa ko at hinawakan ang kamay niya na hila hila ang aking buhok. Nagulat ako ng itayo niya ako.

"Uhmm." Sabi ko dahil hindi ako makahinga. Nilublob niya ang ulo ko sa tubig.

"Damn it! I want you to die. I hate you to the fucking death!" Rinig kong sigaw niya. Nanghihina ako ngayon dahil sa ginagawa niya saking panglulublob ng ulo ko sa tubig. Para akong mamatay. Nawawalan ako ng hangin. Nakahinga ako ng maluwag ng hilain niya ako paalis don sa tubig. Okay lang sakin kung bubugbogin niya ako pero wag lang ilublob ang ulo ko sa tubig.

"A-ahh." Daing ko ng sampalin niya ako dahilan para tumama ang muka ko sa pader ng cr. Hinawakan ko ang gilid ng noo ko ng maramdaman kong may dumaloy na malapot sa aking noo. Dugo ang dumadaloy sa gilid ng aking noo. Tumingin ako sakanya. Napapikit ako at sinagang ko ang aking braso sa isang sampal dahilan naman para madulas ako.

"You deserved it." Malamig niyang sabi at iniwan ako sa cr. Pagkalabas niya ng cr doon ko ibinuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"M-masakit Ry pero hindi ako susuko." Bulong ko at tumayo ng paika ika. Mukang nabalian ako sa pagka slide ko kanina. Pumasok ako sa aking kwarto. Sinindihan ko ang kandila na nagsisilbing ilaw. Kinuha ko ang cotton at nilinis ang sugat ko. Hindi ako pwedeng bumigay agad kailangan ko pang iparamdam na mahal na mahal ko sila.

"F-fighting Vriella." Mahina kong sabi at pumatak na naman ang luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng pananakit. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinaypayan ang sarili. Hindi ako makahinga.

"Hoo." Sabi ko.Tumayo na ako ng medyo maayos na ang pakiramdam ko. Bumaba na ako at expected ko na wala siya dito. Naiintindihan ko naman siya dahil isa siyang sikat na tao.

Napatingin ako sa glass table ng may mag ring doon. Pinuntahan ko iyon at phone to ng aking asawa. Mukang naiwan niya pero may tumatawag. Baka emergency to. Sinagot ko na ang tawag okay lang kahit na pagalitan ako ng aking asawa sa pangingialam ko sa phone niya.

"B-baby help me— Ahhh!" Sabi ng kabilang linya. Hindi ako pwedeng magkamali si madame ito ang nanay ni Ry. Madame ang tawag ko sakanya dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang Mama o Mommy.

"N-nasaan po kayo?" Kinakabahan kong sabi.

"I'm at the dark place." Nagmamadali niyang sabi. Pinatay ko na ang tawag at tumawag ng taxi. Wala akong pakealam sa itsura ko at sa mga sugat ko kahit na masakit ito. Kailangan kong tulungan ang nanay ni Ry. Mahal na mahal ni Ry ang kanyang ina kaya hindi ko hahayaan na mapahamak siya. Nakakuha narin ako ng pera dahil nakasahod na ako.

Hindi ko alam kung saan ang liblib na lugar na iyon. Pero isa lang alam ko maaring sa eskineta o baka naman naligaw siya. Nakarating na ako sa eskeneta at tama nga ako dahil naaninag ko dito ang bulto ni madame. Mukang mga holdapper ang nakapaligid sakanya. Lumapit na ako sakanya dahil baka mapano pa siya.

"A-ano po kailangan niyo?" Kinakabahan kong sabi. Natatakot ako malalaki ang katawan nila at may mga hawak na patalim wala akong laban sakanila.

"Ibigay niyo samin ang bag na iyan." Sabi ng nasa gitna. Tumingin ako kay madame kita ko ang takot sa mga mata niya.

"N-no. It's important to me." Sabi ni madame. Tila hindi nila narinig iyon dahil nagsimula na silang lumapit samin. Iniharang ko ang sarili ko para protektahan si madame ayoko siyang masaktan. Ayoko rin masaktan ang asawa ko pagnalaman niyang may nangyaring masama sa kanyang ina.

"A-ahh." Daing ko ng suntukin ako ng isa sakanila kaya namilipit akong napaupo sa semento. Masakit ang pagkakasuntok niya lalo na't nanghihina pa ang aking katawan dahil sa natamo ko kanina sa aking asawa.

"N-no please." Nakita kong umiiyak na si madame habang pilit na hinahablot ang bag. Tumayo ako habang hawak ang aking tiyan. Lumapit ako sakanila at kinagat ang braso niya.

"Ahhh, Tangina mo!" Sigaw niya. Naramdaman ko nalang na may tumulong malapot sa aking tagiliran. Napaupo ako sa semento ng mapagtanto kong nasaksak ako. Tumingin ako sakanila na gulat na gulat.

"M-madame umalis na po kayo." Hinihingal kong sabi habang hawak ko ang aking tiyan. Tumingin muna siya sakin bago sumakay sakanyang sasakyan. Wala na rin dito ang mga lalaki. Bago umali kanina si madame nakakita ako kahit papaano ng awa sa kanyang mata. Wala akong magagawa kailangan ko siyang paalisin baka may mangyari pang masama sakanya.

Tumayo akong paika-ika habang patuloy na dumadaloy dugo sa aking tagiliran. Nanghihina na ako isama mo pa ang mga sugat kong iba na natamo ko kanina lang. Napapikit nalang ako ng maramdaman kong umulan. Wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang sa semento at mag anatay na may tumulong sakin. Naligtas ko ang ina ng aking asawa.

"I-i'm their protector. H-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sainyo. L-lagi lang akong nandito kung kailangan niyo ng tulong." Bulong ko at binuhos ang mga luha ko kasabay ang malakas na ulan. Masyadong masakit.

"A-ang sakit mo s-ugat pero ma-s masakit ang puso ko." Umiiyak kong sabi. Nanlalabo na ang aking mata ngunit kailangan kong umuwi baka pagalitan ako ng aking asawa.

Her LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon