Flashback
3rd Person's POV
"Araine takbo bilis!"ani aia. Nag-lalaro ang tatlong bata na sina Araine,Aia,at Kendra. Mas matanda man si kendra ng isang taon sa dalawa siya ay grade 2 samantalang grade 1 pa lang ang dalawa nagka-kasundo pa rin sila.
"Teka aia pagod na ako" hinihingal na sabi ni araine.
"Sige dito muna tayo" Ito ang mga panahong hindi pa siya ayamonyita kaya mabait pa siya. Nagpahinga muna ang dalawa sa likod ng puno. Nag-lalaro sila sa park . Pare-parehas lang din sila ng village. Oh diba friendship goals?
"Taya!" Sambit ni kendra. Na-taya niya kasi si araine. Tumakbo ng mabilis si aia at kendra. Naka-labas na sila sa mapunong bahagi. Pero dahil sa sobrang bilis nilang dalawa parehas silang nadapa.
"Kendra!aia!" Napalingon ang dalawang batang ummiyak dahil tinawag sila ng papa ni aia. Inuna ng papa ni aia itayo si kendra at pinagpagan pa nito ang lupa kay kendra.
"Ayos ka lang ba iha?may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nung papa ni aia na si Arthur. Lumingon si aurthur kay aia na nakatayo lang at pinagmamasdan sila.
"Hindi ka kasi nag-iingat tsk,teka lang gagamutin ko lang muna si kendra" sabat ni arthur. Siya lang kasi ang nagbabantay sa tatlo. Nasaktan si aia,kasi unang beses niyang naramdaman na inuna ng papa niya ang ibang kesa sa kanya. Tumakbo siya ng paika-ika dahil malaki at malala ang sugat niya sa tuhod. Iiyak siya ng iyak at maraming tanong ang pumapasok sa isip niya.
Hindi niya namalayan na napadpad na siya sa loob ng mapunong bahagi,nakakita siya ng ilog. Napagpasiyahan niya munang umupo sa tabing ilog at umiyak.
"Bata?" Napalingon siya sa isang batang lalaki. Mas lalo pa siyang napaiyak.
"Hala shh,tahan na" natataranatang saad nung batang lalaki at nilapitan si aia. Hindi niya lang nilapitan,niyakap niya pa. Tsansing siya 'no?hahaha.
"Si papa!"ummiyak na sambit ni aia.
"Ano bang nangyari?"tanong ng batang lalaki. Kinuwento naman ni aia.
"Shh,tahan na. Teka may sugat ka oh!"-batang lalaki. Kinuha niya ang panyo niyang hello kitty. Yup,tama kayo ng basa hello kitty pero amoy panlalaki oha! Tinali niya iyon sa dumudugong parte ng tuhod ni aia. At isa pa ulit na hello kitty na panyo para punasan ang luha ni aia. Wala eh,adik siya sa hello kitty pero hindi siya bakla!
"Ito oh lollipop,pag malungkot ako khmakain ako ng lollipop nawawala na lungkot ko" nakangiting sabi ng batang lalaki. Tinanggap ni aia at kinain iyon.
"Ano nga palang pangalan mo?"tanong ni aia.
"JV na lang itawag mo sa'kin"
"Gravy?"inosenteng tanong ni aia.
"Hahaha,ang cute mo. Sige, gravy na lang hahaha ikaw ba?"
"Maria Angela,aia na lang"
"Ayoko gusto ko pagkain din para fair hahaha. Hmm, gelatin!hahaha"
"Sige" nakangiting sabi ni aia. Nung padilim na sabay na umuwi ang dalawa gamit ang sasakyan ni JV buti na lang matalino si aia kaya alam niya.
Nakalimutan ni aia ang lungkot salamat kay Gravy este JV kasi! Akala niya magiging maayos na lahat pero pagka-tapos nung araw na yun nag-iba si arthur. Hindi niya na nabibigyan ng oras ang pamilya niya at madalas na rin silang mag-away ni angelica-mama nila aia. Naging miserable ang dating masayang pamilya nila aia. Nasagad ang mama niya kaya nakipaghiwalay na ang mama niya sa papa niya.Isa pa, nawala si Araine dahil lumipat ang pamilya niya sa ibang bansa tapos lumipat pa siya ng school dahil madalas na siyang ma bully. Malaki ang naging epekto kay aia dahil daddy's girl pa naman siya. Buti na lang andiyan si angelo,angel,at mama niya na pinapatibay siya. Sayang si JV 'di niya na nakita ulit eh pero nasa kanya pa rin yung dalawang hello kitty na panyo. Lumipas ang isang taon,naging maayos at masagana ulit sila. Buti na lang mabilis maka-intindi ang tatlong magka-kapatid,parang pang matanda ang utak nila pero may playful side pa rin.
Isang araw,pauwi na sila araine at dahil magka-ibigan ang mama ni aia at parents ni araine sinundo nila aia sa airport si araine.
"Ma naiihi na ako" ani aia habang naghihintay sa pamilya ng kaibigan.
"Ako rin ma!"sabat ni angel.
"Oh siya sige, gelo samahan mo muna yung mga kapatid mo" kaya nag-punta na ng cr yung tatlo.
Nauna natapos si aia kesa kay angel na isa rin pagong.
"Done!"napalingon ang dalawa kay angel.
"Bagal mo!"-gelo
"Wala kang paki kuya,psh!"
Naglalakad na pabalik yung tatlo nang biglang may nakita silang hindi inaasahang tao.
"Papa..." Nakatulalang sabi ni aia. Hindi mag-isa ang papa niya kasama si kendra at ang mama niya.... na buntis.
Dahil nasa gitna si gelo tinakpan niya ang mata nung dalawa.
"Wala kayong sasabihin kay mama,wala kayong nakita. Isipin niyo wala tayong tatay,na patay na siya. Maging matatag kayo baby sisters ko" ma-awtoridad na sabi ni gelo. Alam niya kasing siya na lang ang inaasahan ng pamilya nila dahil siya na lang ang lalaki.
Si angel nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Para sa kanya hindi sapat ang isang taon para maka-limot,sariwa pa rin ang mga masasakit na alaala.
Si aia?
Hindi na siya nasasaktan. Bakit?kasi ginawa niya ng bato ang puso niya na sa mga kapatid,kay araine,sa mama niya,at kay JV na lang lalambot pa muli. Sinabi niya rin sa sarili niya na wala na muling makaka-sakit sa kanya. Masyado siyang maaga namulat at nasaktan.
A/n:As promised ayan na!hihihi. Sorry for the late update marami kasi akong ginagawa eh,dapat nung isang araw ko pa nga ito ipopost eh kaso hindi ko naharap, sorry na!hahaha. I didn't expect na malalagpasan niyo pa yung hinihingi kong votes and reads haha. So ayun I do not know kung kelan ulit update ko dahil marami kasi akong ginagawa eh basta keep supporting this story!lab lab hehe.Angel on the multimedia.❤
BINABASA MO ANG
Devil Meets Casanova
Teen FictionShe's the devil you don't want to mess with while he's the casanova you want to be yours. credits for the book cover:@yanasparks